Personal Musings / Status Updates

Dont care about me anymore..

Na-lss ako sa maroon 5,kaya yan na lang nilagay kong title wala na kong ma-isip 🙂

Late na ko natulog dahil sa series ng Walking Dead tinapos ko ang Season 1 hanggang 3 am at gusto ko na agad mapanood ang season 2 at 3 nakakasawa na kasi ang puro bampira at werewolf.Ugali ko ng magpuyat pag Friday dahil wala naman pasok kinabukasan,At kahit puyat maaga pa din ako nagising,magbabanlaw ng mga labahin para matuyo na.Nagising ako andyan na si Jc katabi namin ng mga bata dahil puyat ako di ko masyado naintindihan yun mga tinanong nya basta ang alam ko regarding sa name na “ALBERT KENJIE”.Sino sya?di ko alam pero pagkakatanda ko lagi nya kong inaadd sa FB at lagi ko din syang dinedelete,hinala ko si “ano” yan.Aaminin ko gumagawa ako ng ibang account pero hindi para manghuli kungdi para sa mga games na nilalaro ko before sa Facebook.Pagkaka-alala ko isang account lang ginawa ko para mabuking ang mga bagay-bagay yun ay sa Yahoomessenger at sinabi ko sa sarili ko last na ito ayoko ng masaktan sa mga bagay na nalalaman ko.Ayun na nga kanina ko pa iniisip bat ako agad-agad mong tinanong kung ako ba yun,parang ang dating sa akin “PINAGBIBINTANGAN MO AKO”.Sa totoo lang ilan beses ng nangyari ang mapagbintangan at magpaghinalaan ng ibang tao,kaya ko pang i-accept kung sa iba mang-galing,pero sayo mismo sa bibig mo nagmula.Di ko lang ineexpect na ikaw ang magsasabi sa akin ng mga ganyan.Ako ang tipong tao na pag ginawan ng di maganda asahan mo ng hinding-hindi ka mabubura sa memory ko.

Hanggang ngayon yun pa rin ang tumatakbo sa isip ko,unang-una bakit ako agad ang naisip mo na “baka” akin yun account na yun? pangalawa porke’t may mga common friends sayo at sa akin ako na agad?Pangatlo ano bang kinalaman nun sa pinag-uusapan natin minsan sa sinabi nun , sa akin mo lang nasabi ako na agad na naman?.Ganito ako lalo na pag wala naman akong “ALAM” na maling ginawa,pakiramdam ko tuloy lalo akong nanliliit sa sinabi mo pinipilit kong maging Ok pero hindi talaga ako ok, gusto ko ng umiiyak pero pilit kong pinipigilan.Ayoko ng mga ganitong issue palagi mong sinasabi na “ikaw lang gumagwa ng sarili mong problema”.Alam mo kung anong problema di ka marunong mag-isip na sana bago ka mambintang maniguro ka muna. Sa katunayan nauumay na ko sa ganyan as in umay na umay na ko sa mga nangyayari.Pwede naman na ganito “May itatanong ako pero wag kang magagalit” deretcho agad na “sayo ba yun account kasi may nagmessage kay ganito na ganyan-ganyan” ayoko ng idetalye pa yun message baka lalo pa kong mapaghinalaan.And bat parang napakalaking issue na yun ikaw na din ang nagsabing wala.Di ko ginawa ito para lang gumawa ng panibagong ka-ekekan in short wala akong mapagbalingan ng mga bagay-bagay,thankful ako sa isang kaibigan na alam ang mga pinagdadaanan ko now.Sige na para matapos na itong walang kakwenta-kwentang bagay aangkinin ko na yun account na sinasabi mo.At the end of this day i hope you realize the thing just happened….

P.s

SORRY FOR THINKING RIGHT  (Ikaw na ang laging tama)

Advertisements

One thought on “Dont care about me anymore..

  1. At the end of the day, we will pass this trial simply because we wanted to. And simply because we love each other too much and it will make this worth not of our time. After this, just like the other times, we will be stronger and better.

    PS: Correction, I said: Sorry for thinking normal.

Comments are closed.