Health and Fitness / Life and Family / Pictures / Status Updates

First Post 2012

Back to Regular Programming

Wala akong maisip para sa first post ko this year. Ilang araw na rin akong silip lang dito sa blog na ito dahil tinatamad pa ako at nasa holiday mood pa din. Kailangan din kasing magpa-level 40 sa Dragon Nest. Lol. Buti na lang e buhay pa tayo kasi hindi pa nag-end of the world. Sa May or December 2012 pa ata yun. Napasearch na lang tuloy ako kung ano ang ibig sabihin ng manigo sa ‘manigong bagong taon’. Ang sabi ng iba e pinauso daw ito ng isang ngongo na nagsabing maligo kayo sa bagong taon. Kidding aside, ang manigo ay isang makalumang salita sa timog katagalugan na ang ibig sabihin ay masagana (prosperous).

Buti na lang hindi pa natatapos ang January sa post na ito para hindi masabing super late. πŸ˜€

It Started With A Bang

Kaugalian na ng mga pinoy na magpaputok sa loob at sa labas tuwing bagong taon. Kaya lang, hindi pa rin talaga nawawalan ng mga napuputukan. Ang bilang lang ng mga naputukan sa labas e sa pagkakaalam ko (correct me if i’m right) e nasa 800+. Hindi ako updated sa mga huling balita pero sa mga nabiktima ng paputok noong holiday season, e more or less 10 tao sa mga ito ay dahil sa ligaw na bala. Isa mga mga ito ay isang batang babae na 5 years old siya sa pagkakaalala ko at tinamaan ng baril na pumasok sa balikat papunta sa katawan. Ngayon, nasa langit na si little girl. Para sa akin, ayos na rin ang mga pinsala na tinanggap ng mga nagpapaputok at naputukan dahil kasalanan naman nila yun (o ng mga magulang nila). Pero kung dahil sa ligaw na bala (o kaya yung hinagisan ka lang), e unfair na unfair yun.

Ayon sa balita sa taxi na nasakyan namin, pinagtatawanan daw tayo ng ibang bansa kasi wala daw tayong disiplina. Bakit daw kailangan pang lagyan ng tape ang baril ng mga kapulisan? Ibig sabihin ba nito tanggap natin na hindi naten kayang kontrolin ang ating mga sarili?

Promises are Made to be Broken

Ang number one daw na new years resolution naten ay walang iba kundi ang magpapayat. Kaya malamang nasa listahan mo rin ang resolution na iyan. Yun nga lang, ang pagpapapayat din ang resolution na number one na hindi natutupad. Kung ang pagpapapayat ay isa sa mga pangako mo this year, magsimula na ngayon. As in ngayon o now, hindi later o bukas o next week kasi siguradong tatamarin na naman. Pero pwede mo ring gawin yung ginawa ko, nagsimula ako kahapon. Lol. As of this posting (dahil three weeks na ata itong draft na ito), e after a week pa nasundan yung work-out na iyon. Hopefully by February makakapag-gym na ako ulit. Antay ko matapos yung office namin para pwede ko iwan paminsan-minsan yung laptop ko para makapag-gym at hindi maganito.

Gusto na ulit mag-gym ng kamay ko. Yung size ng tiyan ko is proportional to the number of months na hindi na ako nakakapag-gym. Lol.

See Additional Info: Cheesy Tips on Working Out

The New Year in Pictures

Ito yung mga pictures na late ko ring na-upload sa Facebook dahil tamad mag-charge ng camera para makapag-transfer ng photos.

Boom Five Thousand. Boom Three Thousand.

Cream + Condensed Milk + Coffee

Taste - 9, Presentation - 6. Lol.

Yun red stuff e raspberry flavored gelatin. Next time mas less water pala dapat.

Bakit ang tagal ng 12. Gusto ko na buksan yung regalo ko. Huhuhu.

Hot Wheels Custom Motors

Aqua Sand. Notice to parents / people buying this toy: Please don't. What a waste of money buying this thing. Play for five minutes then clean this up for an hour.

Kenyang Store: Ang buena mano ay si Asher. Limang Loaded.

Nanay at Tatay. Mommy at Daddy.

In Other News

Ito yung controversial na issue na sinasabi ni Ma’am Che. Hehehe.

(o_O)Y

The Top Posts Last Year For Me

Ito yung mga post na para sa akin ay worth sharing… again.

New Year Post Last year
Ang Huling Weekend Bago ako pumunta sa U.S.
My First Time to Travel, literally
Ang Makabagbag Damdaming Post ni Jonalyn
Ang aming tour sa Navy Pier sa Chicago
Ang Filipino Dinner para sa aming mga American partners
Ang kaunti kong pasalubong kay Jonalyn
Unang araw si Asher sa school
The Hate Letter to God
Real Life Friendship Story
Ang pagkakaroon ko ng seizures (highlight of the year lol)

Ending Thoughts

Dahil tapos na ang hiatus na ito, hopefully may kasunod na agad ang post na ito. Cheers!

Advertisements

19 thoughts on “First Post 2012

  1. dyos ko salamat naman at nagpost ka na haha ganda ng pictures mo panalo yung magkasunod na una. mula ng taon na ito isang beses pa lang ako nakakapag gym pero sabi ko every weekend maggym ako, ewan ko ba, good luck satin. dun naman sa tape sa baril, anak ng teteng nakakagalit lang yan eh, wala naman din nangyayari, hmp!

    • kumuha ka kasi ng kasama para support. mas madalas makakapag-gym kapag may kasama kasi may mamimilit sa iyong pumunta hehe.

      yung napakinggan namin sa radyo na programa ng tulfo brothers, may nagrereklamo na may nagpaputok ng baril sa kanila. ayun nagpunta daw yung pulis, kaso imbes na hulihin e sinaluduhan pa daw kasi mas mataas na ranggo yung pulis na nagpaputok. lol. it’s more fun in the philippines.

  2. ang ganda nung pictures sa firework.. parang naglalaban lang si vegeta at goku ..heeheh

    ganyan din ako mgpost pag tinamad ..

    happy new year pa din… january pa naman.. heheh πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s