Life and Family

Once a Cheater, Always a Cheater.

Ano bang pakiramdam ng nangloloko?masarap ba?masaya ka naman ba sa panloloko mo?nakadagdag ba ng pagkalalake mo yan?maipagmamalaki mo ba yan?Ilang beses na nga ba kitang nahuli?once?twice?akala ko ok na tayo na walang gaguhan,kasi ako seryoso ako sa anong meron sa atin.Pero bat ganun nagawa mo pa rin kahit 2007 pa nangyari yun bat ang saket-saket sa pakiramdam.Pilit kong pinipigilan ang pag-patak ng mga luha ko.Nag-iisip kung bakit?anong kulang?may nagawa ba akong mali?.Halos naman na lahat ginawa ko para sayo pinag-silbihan ka,inaalagaan,at ang mahalin ka ng sobra.Halos wala ng natira para sa sarili ko maski sa materyal na bagay sayo at sa mga bata na lang kahit wala na ako ok lang skin,pero bat mo nagawa?Naalala ko nun nag-kasaket kahit sobrang puyat at pagod nasa tabi mo pa din ako sa lahat ng oras.Sa totoo lang nakakawindang at nakakatorete ng utak ang dami-daming tumatakbo sa utak ko ang damidaming tanong na wala akong makuhang sagot.Kaysa mag-isip nag-online ako at nag-pm kay mama kung kamusta na sya.After 10 minutes bigla syang nag-online at kinamusta ako,dun ko na di napigilan ang mga luha ko.

Unang nya tanong “May nangyayari ba sa inyo ni jc?”,isa lang ang nasagot ko “Ma paano mo nahahandle yun panloloko ni papa sayo before?”Sa una masaket matotorete ka ng kakaisip bakit nagloloko ba sya?.”

Ano bang dapat mong maramdaman pag eto ang nalaman mo sa asawa mo “Sa chat ko lang sya nakilala ang name ni MICHELLE RODRIGUEZ,tanong ko “paano kayo nagkita?” sa mahinahon paraan.”Nung training pa yun di ako pumasok sa meagamall kami nagmeet and sya naman ang  nag-ayang magkita.”anong ginawa nyo?and sino gumastos? sagot nya “nanood lang ng sine and sya ang gumastos”, ok na sana  akala ko nagmeet lang.Mali pala ako ng akala after ng meet sa iba pala sila nagpunta yun pwede ka magstay ng 3 hours.Oo may nangyari sa kanila sa tingin mo paano ko ihahandle ang ganito sobrang hirap para sa akin.Bat ako pa napiling makaranas ng ganito,Gusto kong magpakalayo-layo yun walang nakakakilala,sa tuwing hahawakan mo ko gusto ko mandiri sa tuwing susubukan mo kong lambingin at suyuin na-iisip ko yun.imagine mo napaikot mo ko ng ganon lang.Napaniwala sa lahat ng sasabihin mo ng walang kahirap-hirap.Ang masaket pa tatanungin mo ko ng ganito “ikaw niloko mo ba ako?” Wagas na wagas ang tanong mo paano ako magloloko kung nakakulong lang ako sa apat na pader at nag-aalaga ng anak mo, until now di madigest ng utak ko.Lahat ng sakripisyo at paghihirap ko sa relasyon natin biglang nawala sa ng ganon kabilis lang.Paano mo mamahalin ang isang taong di marunong makuntento sa meron sya ngayon.Dedepende na lang ba ako lagi sa SORRY AT DI NA MAUULIT, IKAW LANG ANG MAHAL KO. Feeling ko sobrang TANGA  ko na ang galing-galing kong magpayo sa iba pero sarili ko di ko mabigyan ng matinong advice.Sa pinagdadaanan ko ngayon 2 na lang ang kinakapitan ko ang mga anak ko at si lord.Paano mo maibabalik yun dating tayo,ganun din ba kadaling buuin lahat?Ganun din ba kadaling kalimutan lahat.Alam ko di ako nag-iisa dumadaan sa ganitong sitwasyon pero di ako kasing tatag at tapang nila.Isang bagay lang ang ituturo ko sa mga anako “wag kang gagawa ng bagay na pag-sisisihan mo sa huli,makuntento ka sa ibibigay ng magiging gf/bf or asawa mo,magmahal ka ng walang kahati.Di ako naghahanap ng kakampi kaya ko sinulat ito naghahanap ako ng outlet ng sama ng loob.At para sa babaeng sumira ng mga pinaghirapan ko sana nag-isip ka bago ka pumatol naisip mo sana yun mga taong masasaktan mo lalo na ang mga anak ko.Wag mo sana maranasan yun nangyayari skin.Sa ngayon hindi ko pa alam kung paano magsisimula ulit.

P.S

This will be may last as in last POST.

Advertisements

116 thoughts on “Once a Cheater, Always a Cheater.

  1. walang kasing sakit ang iyong nadarama and relate much ako sa feeling na yan kc pinagdaanan ko rin yan b4…ang magmahal nang lubusan only to find out that pinagtataksilan ka pala…masakit…may mga insensitive talaga na mga nilalang sa mundo na di man lang marunong makonsensya ;(

    iiyak mo lang yan…
    at ang dapat mong gawin, hiwalayan mo na ‘yan!
    dapat kang lumigaya!
    hindi ka na magiging masaya sa kanya kc heartaches lang ang kaya niyang ibigay sa’yo…mauubusan ka na lang ng chance na kaya mong ibigay, he will still never change…. marami pang iba dyan na mas kaya kang pahalagahan at mahalin the way you want to be loved…pwede naman cguro kayong maghiwalay di ba? tapos, magbibigay na lang sya ng financial support to ur kids… ganun…

    oo, ako na ang may mahabang kowment…

    haaaay..pag-ibig… it hurts ;(

    • haha ikaw na nga talaga anyways sana nga ganon lang kadali ang mga bagay-bagay. CHANCE TO BE HAPPY ba hmmm siguro sa mga bata ko na lang babawiin yun sa kanila ko na lang hihingin.

    • Ang puta khit Ang Gawin ay puta paren….. Pero Ang gzto q sa puta ay tinitira q sa puwet….. Mas nagiinjoy ako

  2. Hindi ako naniniwala na yung girl ang sumagot sa gastos at hindi rin ako naniniwala na yung girl din ang nagyaya sa pagkikita. Siguro ang pinakaunang kailangan gawin ay yung pagtanggap. Pagtanggap na kapag ang isang makinis, pulido at malinis na papel ay nalukot na, kahit na ano pa ang gawin mo, hinding-hindi mo na ito maibabalik sa dati.

    At pagkatapos nun, kahit na mahirap (lalung-lalo na sa una), pwedeng-pwede mo na simulan ang paglakad paharap.

    Sabi nga sa isang segment ng isang morning show, “Love is sweet but most of the time, it hurts. Love hurts.”

    • Yan din ang iniisip ko paano kung yun papel eh matagal ng nalukot? as in lukot na lukot na. pwede na ngang itapon sa basura.
      tama ka pesteng LOVE yan ang saket much.

  3. nung binabasa ko ‘to, iniisip ko na may makikita akong “fiction” na tag sa baba; kaso wala. ano bang pwede kong sabihin para maalo ka, mrs. chocolate cake? tingin ko naman kahit anong sabihin ng mga pontio pilatong nagko-comment dito eh wala pa ring makakapagpahupa ng nararamdaman mo.

    pero kung mahal mo talaga si ser jc, at nangako siyang magbabago para sa’yo at para sa dalawang anak niyo, baka pwede sigurong bigyan pa ng isang pagkakataon. kung hindi sa’yo, kahit para na lang sa mga bata. apektado talaga kasi ‘ko pag nadadamay na ‘yung mga anak sa mga ganitong sitwasyon.

    whatever you’re going through right now, may you both find peace and rational thinking to resolve it in a way that will not put the kids at a disadvantage.

    • Maraming salamat sa payo mo,oo naisip ko na din yan ayoko din silang madamay sa ganitong sitwasyon,naranasan ko na din ang ganito sa parents ko,nagtiis din ang nanay ko actually pareho kami kung tutuusin mas gugustusin ko pang maghiwalay na lang sila kesa nakikita kong nasasaktan at nagdurusa na sya.paano ko ba sasabihin ito?from the start sinabi ko na kay jc na kung gagawa sya ng ganitong bagay hiwalayan na lang nya ako dahil di ko kakayanin at di ko matatangap.regarding sa mga bata ayokong malaman nila yun mga kalokohan nya dahil ayaw kong mawalan ng respeto at magtanim ng sama ng loob sa kanya.chance ba?ilang chance ba dapat kong ibigay sa kanya para marealize nyang mali yun ginagawa nya.ilan beses ba dapat ako masaktan para ma-realize ko kung ano bang worth ko sa relasyon ito. As of now we are trying to fix things,im trying my best na kalimutan at magmove on kahit napakahirap.

  4. Cheese,

    I feel your pain. I can’t help but cry silently. Masakit talaga yan. I’ve been there once. I know the feeling. Pero after kasi nung ONCE hindi ko na pinayagang maranasan yan muli. Stay strong. Yun lang kasi ang maipapayo ko. Just hold on. That too shall pass ika nga. Find beauty behind the misery. Kayanin mo para sa mga anak mo. As for THE OTHER WOMAN, remember na MAY KARMA. May the good LORD BLESS AND KEEP YOU.

    D

    • daniel,

      di po ako si cheese,ako po si chocolatecake thank you sa supporta sana nga ganon lang din kadaling gawin,nasa sa isang iglap limot na lahat,wala ng pain, pagod na din ako find beauty behind the misery? paano,saan ako magsisimula? may tanong ako sino nga ba sa amin tatlo ang dapat sisihin? yun bang babae na pumayag dun o yun lalakeng di nakapagpigil o ako? just hold on? ano pa bang hahawakan ko kung yun tao mismo ang bumitaw at lumimot sa mga pinangako nya skin? isa lang realize ko ngayon na di lahat ng bagay nadadaan sa pagmamahal minsan kailangan ko din isipin ang sarili ko. uanhin mahalin ang sarili para sa mga ganitong pagkakataon alam ko kung ano nga ba halaga ko. lalo na yun mga taong binalewala ko para sa kanya. at pinakamahalaga sa lahat wag dumepende sa mga salita at mabulakalak na mga sinasabi.

    • Chocolatecake,

      Lahat naman ng nangyayari sa tao ay may dahilan. I’m sure soon makikita mo rin ang reason kung bakit ito nangyari. Di ako kagalingan sa mga advise eh. Kaya okay lang ba if I pat your back and whisper: KAYA MO YAN. 😉

      D

    • There is nothing more painful than knowing the person you love had betrayed you. But with your words of sincerity Daniel I know pain is just a matter of knowing that we need to fight in order to live. Karma is just around either good or bad.

  5. napadaan lang,and it really breaks my heart after reading this.marami talagang ganyang “BABAE” mahilig kumabit sa mga taken na mas iniisip nila ang mga sarili ni kesa sa iba.Siguro ang gawin mo na lang is Pray hard na malampas mo ito.Find yourself kung saan ka ba mas higit na sasaya.

    Para naman sa asawa mo next time pare,mag-isip ka muna ng 1,000,000 times before ka pumasok sa isang bagay na ikakasira ng buhay mo at ng pamilya mo.Wag pairalin ang ibang “ulo” isipin mo kung sayo ginawa yan di ka ba masasaktan?Di lahat ng bagay nadadaan sa SORRY.Dahil kapag ang babae na ang natauhan kahit ano pang gawin mo sya na ang aayaw sayo.

    Para naman kay MICHELLE,Karma will hunt you girl! lumandi ka na lang sa mga single di yun sa taken at may anak na,naisip mo rin sana na isa ka din BABAE. Kung ako yun asawa huhuntingin kita at makakatikim ka ng mag-asawang SAMPAL.

    “ANG BABAE NIRERESPETO AT MINAMAHAL, DI DINADAGDAGAN”

    • HND rin brod, hnd lht ng babae. Ako 3 beses na ako niloko ng kinakasama ko, nag kaanak sya sa ibng llke, tinanggap ko, inulet nya ulet nag kaanak ulet sya sa ibng llke tinngap ko ulet at pngatlo buntis ngayon sya at ibng llke ulet, hnd ko na Alan ggwin ko… ako n yta and pinka dkilng TANGAng pilipino.

  6. natulala ako, inulit ko ulit basahin dalawang beses, tatlo or apat. may prang biglang kumabog sa dibdib ko, naranasan ko tong sakit na to 7yrs ago, nablock ako, nawala at tinaningan na pag hindi ako gumising within 4hrs. patay na ako. ganun yong naging reakayon ko nong makita ko ang bf ko for 5yrs. na may kasamang buntis na babae at masaya silang kumakain at ang irarason sayo ” maulan kc noon tapos bigla syang naghubad sa harap ko” hindi joke to totoong yan ang reason nya.

    ramdam ko ang bawat sakit mo jho, ramdam ko. iba lng situation natin kc may mga bata eh, mas madali sana kung ikaw lng kaso hindi eh may mga batang naglolook up senyong dalawa ni jc. hindi ko alam kung hanggang kelan gagaling yong pusong wala ng nararamdaman 1yr, 2yrs, 3yrs o bka mgaya ka sakin na inabot ng 6yrs or 7yrs pra gumaling pero ang alam ko lng gagaling yan hindi man ngayon pero gagaling yan kung pano ako gumaling sana ganun ka din at pag dumating yong time na yon mangingiti ka na lng at sasabihin mong “nakaya ko pala yon”

    hindi ko alam kung paano pero iwasan nyo ni jc ang magpalitan ng masasakit na salita na narirunig ng mga bata. gusto kong sabihin sayo na sana maayos pero kung nawala na yong respeto at wala ka ng maramdaman wag pilitin jho, wag mong ipilit masasaktan ka lng lalo take your time. yon lng masasabi ko take your time :))

    • yun nga ang masaket dun kahit gustong-gusto ko na umalis di ko magawa dahil sa mga bata. Parang nag-expect, umasa ako na parehas kami ng nararamdaman that time. Pero ngayon ko lang narealize na ako lang pala ang may gusto ng ganun outlook sa buhay. Parang ako lang ang nangarap. Gusto kong magsisi pero huli na lahat, kasi kung ganito lang din pala mapapala ko sa kanya di sana sinubukan kong ayusin yun sa dad ng panganay ko baka sakaling naiba. Everyday para kong nauupos na kandila na kahit ibigay nya lahat ng materyal na bagay sa akin at ipakita nyang mahal na mahal nya ko ngayon wala akong makapang damdamin para sa mga effort nya. tumigil lahat nun araw na inamin nya skin ito, kailangan bang “tumikim” ng iba para marealize nya ano ba ako sa buhay nya? di naman kami nag-aaway sa harap ng mga bata di ko lang maiwasan di umiyak minsan kinikimkim ko na lang pero ang resulta matinding atake ng asthma inabot ko. Gusto kong hingin ang kalayaan ko baka sa ganun paraan mas mabilis kong matanggap at makalimutan.thanks sa pagdaan at sa advice.

  7. I feel you..

    just hold on at sana kung ano man ang maging desisyon mo isipin mo ang para sa ikabubuti ng lahat.

    Life just sucks sometimes .

    hanggang ngayon di ko pa din maisip bkit may mga taong hindi makuntento sa isa :/

  8. yan din ang tanong ko kung bakit nga ba? ang sagot nila NATURE,NATURAL,NORMAL daw yun sa isang lalake, na di naman katanggap-tanggap na rason sa amin mga babae. wala din naman kasiguruhan na pag naging ok kami ngayon di na nya uulitin i have no choice kung di magstay for the sake of my kids. siguro pag dumating yun time na ako na mismo ang sumuko, at yun katiting na feelings natitira pa biglang nagdisappear, respeto na lang incase na nagdecide akong iwan sya. and sana maintindihan ng mga anak ko bat ko kailangan kong iwan ang tatay nila.salamat sa pagdaan.

  9. hi po ung asawa k po dlawang beses k ngnhuli n my ktxt inaamin nman po nya dapat k p b syna bgyn ng 2nd chance nguguluhan po ako

    • ang tanong “hanggang text nga lang ba?” depende kasi ng situation kung alam mo sa sarili mo na di ka na masaya sa relasyon nyo bat ka pa magbibigay ng 2nd chance,kung gusto mo pa rin naman iwork out pa ang relasyon nyo at kaya pang isalba give him another chance and for the sake of kids na din.

      tanong lang is this the first time na umamin sya?

    • hi ako din nakkaranas ngaun ng ganyang sitwasyon.
      ang asawa ko ilang beses nrin nagluko, hindi ko maintindihan bkit ganun cya…iniisip ko hindi nya ako mahal dhil wla cya concern skin, mahal ko cya at ang mga anak ko, kya tinitiis ko khit masakit, gusto ko maramdamam na kng sakali mag decide ako na hiwalayan cya ung maramdamam ko ng hindi ko ntalga cya mahal. pero ngaun khit mukha akong tanga tiniis ko lng…wla rin cya gna sa sex minsan ako pa ang namimilit para iparealize sa sarili ko na hindi na talga nya ako mahal..

  10. Oh ! Although your post is in Tagalig, I think I fully understood most of what you wrote here.

    That was most hurtful , and I understand that you cannot fully decide if you want to leave him or not. I have a feeling it’s about finances/ But if you have a job, and you can get a good lawyer that can oblige your husband to support your children, I highly suggest you kick him out of your life. What he said about the girl spending for everything was a big , fat lie. No girl, no matter how immoral she is, would not do that at first meeting ! ! Your husband spent for everything, from get-go. It was such a stupid lie, and I have a suspicion it wasn’t a one time thing. I have a feeling the love you have for your husband has completely disappeared. Everytime you see him will remind you of what he did. And you will always feel pain. So it’s better to get out of the situation. The earlier, the better. Sorry for the harshness, but I’ve lost faith in men.

    • thanks for dropping by,i was thinking of that before but my mom/friends advice me if i can settle or stay with him for the sake of my kids.right now im looking for a job to prove that i can be independent.beside im not the one who cheated, im not guilty,il just sit and relax let the karma do the job.life must go on i need to move on and work things out.

    • This really breaks my heart. And no, he should be the one to leave,. The problem in the Philippines, according to my mother , is that, the goverment doesn’t have the means to compel a guy to support his family when things like this happen. The family becomes destitute, and if there are children , like your case, they are the ones who suffer. here in the US, the government garnishes the man’s wages, sometimes to the point that there’s very little left of his salary. I’m surprised that there’s too much cheating in the Philippines. Most of my mother’s college friends are now either divorced or separated, except 2 out of maybe a dozen. And they are all living there.

    • In my situation, its too fresh. I am also married, ang kaibahan lang, I don’t have a child involved. But the pain, there’s no enough words how would I express it,…its too painful na I almost die…I can’t even breath and the torture was all in my mind….my husband fooled me…the worst thing was, I even talked the girl to stop and stay away from my husband….little did I know that she didn’t even stop…I saw the changes from my husband…we always argue because of my instincts and doubt’s of his doings….a wife could always feel that something is really happening, no matter how they hide it…when I found it, I was really shocked that almost want to kill them both…at first I want to leave my husband… I felt disrespected and the trust was gone…but then I realized the kerida would just be happy if I leave my husband….so even if it hurts like hell to be with him, I stayed….after all, my husband doesn’t like the idea of separation.. The fact that I really want to leave him, but he begged me to stay at start all over again….another painful thing, was knowing that they established a relationship…and how could I erased that…..
      So to the girl namely THREKCIE CASAS PARANETE…I will still haunt you to pay for what you’ve done to my marriage….destroying you in the social media would not be enough…. But there’s still God who could always haunt for what have you done to me…

  11. as of now pinagdadaanan ko yan ilang beses din at ilang beses din syang umamin at humingi ng tawad at ilang beses ko din sya pinatawad hanggang ngayon palagi ako umaasa na mababago pa sya pero sa sarili ko palaging may pagdududa…ilang beses n rin kmi nagkasundo na magkanya kanya pero hindi rin natutuloy…sa ngayon hindi ako sure kung talagang wala na silang ugnayan nung girl n sabi nya ay hanggang txt lang…what will i do….

    • salamat sa pagdaan, kahit anong iadvice sayo sarili mo lang din ang makakatulong sa problema, kung may anak kayo siguro mas isipin mo sila kung ano makakabuti.ako right now we are working things out as much as possible di na pinag-uusapan nangyari wala na din ako magagawa sabi ko sa kanya kung may isusunod pa sya makakapatay na ko (joke)parang katulad din sa nanay ko nun college na ko saka nya iniwan yun tatay ko kasi she knows i understand bat nya ginawa yun.hirap kasi pag binalik natin sa kanila yun mga kalokohan nila tayong mga babae pa rin ang lalabas na masama.

  12. ohmygod. ohmygod, hinding-hindi maihalintulad ang sakit na ‘yan sa ibang klaseng sakit. ikanga, kung sa librong binasa ko, may dalawang tao nagtatalo kung ano bang pinakasakit na paraan para mamatay, nang biglang may sumagot sa gilid, na ang pinaka-worst na way to die ay yung ibe-betray ka ng taong mahal mo.

    Tama siya.

    Let me share something. I hope that you can learn from this:

    I have been there as well, and it breaks my heart to hear this from you. Be courageous and be strong, though I know that it isn’t easy; that would take time. Do not ever make the mistake of being vengeful, because when I had been so mad that my ex cheated on me so many times, I cheated on him as well as an act of vendetta. I thought it would make me feel better knowing that I got even. Instead, what I got from that is that I felt worse, because by doing so,I got to experience firsthand what it is like to cheat. It was the ugliest thing I have ever seen, the most disgusting experience, to be exact. It made me wiser though, because through that I understood what it meant to cheat, and that’s when I realized I was so wrong to believe his reasons for cheating.

    I am not going to mince my words. If I were to recall that experience, what I learned was that when it comes to cheating, you actually enjoy the whole thing. You cheat because you feel you have the right to do so, some kind of empowerment (in my part, I felt it was justifiable because I was angry; when I asked other cheaters, they told me it’s just because they can). It thrills you. It makes you think something so wrong is just okay because you’re enjoying the rush and the hide-and-seek game, so to say. It is selfish. The regret /guilt only comes when you’re caught. When I cheated on a chronic cheater, I have understood that there was no acceptable reason for that. He did it because he wanted to. I came clean and told him about it, told him what I did and what I have learned. He said, finally, that I was right. We decided to start over again. I did not cheat ever again; I am contented with the wisdom it brought me. But still, he did it again and again. The final blow came when he cheated with one of my closest friends. That was the last straw. That’s the most disrespectful thing – to break not just the trust of a girlfriend for a boyfriend, but to also break a friendship.

    Don’t let that experience break your faith for the world. Please. I believe that you can heal and you will be happy, and it will be okay in the end. For now, cry it out. Be angry. Scream. Let it all out. Talk to your friends. Don’t neglect yourself. Instead, use that experience as fuel to be better, stronger, braver, readier.

    With love and a wish to take away the pain,
    Vivien of Spit or Swallow

    • that’s very good. very positive 🙂 you have so much for the future, so it’s a waste of time to be bitter about something that is done out of sheer, uhm, stupidity, for lack of a better term. go lang ng go, girl! 😀

  13. Hi chocolatecake…ramdam n ramdam ko ang sakit n dinanas m0 at habang binabasa ko to tumutulo luha ko.pareho tau ng pinagdaanan girl mas masakit tong s akin kasi magkakaanak n sila ng kabit nya.apat anak ko kapapanganak ko lng bunso nmin 3 mos.ago at nalaman ko thru fb at inamin din ng asawa ko n manganganak girl this april.halos mabaliw ako kakaisip thinking n magkasama sila ngaun dun s ibang bansa.kakilala ko ung girl at kami p mismo tumulong s knya pra matulungan sya ng bro in law ko maiprocess visa nya,so hindi kaila s knya n my asawa pinatulan nya.wlangkasing sakit lokohin k ng asawa m0 at ang irarason lang dahil magkalayo kami at di nya kinaya ang mag isa…at di nmn daw nya kami pinabayaan(by means of financial support).ganun b un?wag ko dw sya iabandon di dw nya kmi mwala s buhay nya at khit isang guhit di dw nbawasan pgmmhal nya s akin.he asked for another chnce ngaun tkot n ako at di ko alm ggwin.last year kz umamin sya n nging sila,he promised n aayusin nya pro di nya ginawa at nagbunga n ngaun kawalanghiyaan nila…at ngaun ito sya begging for another chance at this point in tym dw tatapusin n nya kung anong meron sila…tingin m0 b patatawarin ko sya for kids sake?ngpakasal din pla sila dun pra di sila makulong.s ngaun umaasa ako s knya,nag aalaga ng mga kids kya wlang magawa kundi manatili or else magugutom kami.pero wlang segundo n di ko maramdman ang sakit at gabi gabi nlng umiiyak.ang hirap!!!

    • bat di mo subukan magtrabaho? yan kasi ang pinayo ng nanay ko sa akin para incase maulit ang kalokohan nya alam ko kung saan kung san kami pupulutin ng mga anak ko.kasal din ba kayo? ang lupit naman ng asawa mo and ang kapal din naman talaga ng face nun girl.mas mahirap nga ang sitwasyon mo dahil nagpakasal pa sila at magkaka anak pa. kung mahal ka talaga nya bat sila nagpakasal? matagal talaga bago mo matanggap ang lahat maski ako naalala ko pa din pero kailngan maging matatag tayo para na din sa mga anak natin.pinatawad ko yun akin for the sake of our kids mahirap din maging broken family.

    • Same here.isa din akong tanga.super duper.ang asawa ko my kabit at buntis na.ang masakit kailangan ko tanggapin yun for d sake of my kid.ngkikita sla 2x a week,suportado nya s financial.mahal n mahal ko asawa ko kaya hanggat kaya ko tinitiis.ilang beses ko na dn binalak mgpakamatay.sakit sobra.ngayon balak ko nlng lumayo,mgtrabaho abroad.khit alam ko na pag ginawa ko yun lalo silang mgkaroon ng chance na mgsasama na.naisip ko kc na bka pag nsa malayo na ko marealize ng asawa ko mga pagkakamali nya.cguro kailangan ko muna dumistansya at hanapin muli ang sarili ko.alam ng babae na pamilyado na asawako pero sige pa din sya

  14. Gud mornyt mga sis. hbng bnbsa ko to wl din akong mgwa kundi umiyak, dhl nkkrelate ako, @ s mga comment gusto ko ding kumuha ng lakas @ kung ano b tlg ang dapat nting gwin pra mklimot agad s gnitong sitwasyon! Kc till now iniintay ko ang mabait Kong Mr. dhil sabi skin me kainan dw cla ng mga boss nya, pero ang nsa, utak ko yung babae nya ang ksma nya! Nhuli ko dn kc ang Mr. ko n me ibng girl

    • 14 years n kmi @ 2 n kids nmin, 7 years ang eldest ko@ 3 years old nmn ang bunso ko! Kelan ko lng cla nhuli last yir lng @ umamin nmn skin c Mr . Pero ang mskit till now ramdam ko n d p cla tumitigil kya ang hirap tlg. n ang sabi skin n ngtry lng nmn dw sya @ d n uulit n! Pero khit pnong gwin nya andun p din yung hinala ko n d mn 100% 80% tutoo dhl sabi nga nila iba ang instinct ng babae! Kya ano b tlg ang dapat gwin pra mklimot s skit?? Ang hirap mg pretend n wala kng alam pero deep inside ang sakit- sakit!!:'(

    • Wala naman makakapagsabi kung kelan sila titigil, nakakainis lang pinaiiral nila yun head between his legs kesa yun nasa taas. I hope na maging ok ka na, isipin mo na lang yun mga anak mo. Godbless

  15. masakit talaga pag niloloko ka,siguro darating din yun time na marerealize nya na mali.and wala naman shortcut para makalimot kailangan step by step mong pagdaan para pag tanggap mo na mas maluwag sa pakiramdam.sa mga ganitong sitwasyon tayong asawa ang de hado kung gaganti naman tayo panget pa rin ang magiging tingin ng iba.intayin ang karmang maniningil sa mga maling ginagawa nila.be strong lalo na para sa mga bata mas importante sila kumpara sa sakit na nararamdaman natin dahil wala silang ibang aasahan kundi tayong mga ina nila.salamat sa pagdaan.

    • grabe iyak ako ng iyak habang binabasa ko to..di ako makatulog..nahuli ko n nmn kc asawa ko.kakauwi lng..iaalarm ko sana cp ko kc may work ako bukas kaso lowbat so sa kanya n lng ginamit ko…para akong binuhusan ng malamig na tubig..nung nabasa ko ung tx..
      “kakagaling lng nila magcheck in nung babae…di ako makaiyak makasigaw kc mgigising ung anak ko..lasing xa..kaya di nya ko npansin na umiiyak.di ko na alam ggwin ko..di akalain n magagawa nya un..noon kala ko tx lang..this is 5th time na nahuli ko xa..bhe pa ung tawag nya sa girl..lagi n nmn nya dinedeny never pa xa umamin..xa pa minsan ngagalit..di ko alam panu ko xa kakausapin mamaya pag gising nya…
      paulit ulit ko n lng xa pinapatawad..pero ang sakit na tlg..😭😭
      6 years na kming kasal may anak n rin..nagagawa nya ko lokohin kahit magksama pa kmi sa trabaho..di ko tlg alam bkit..binibigay ko nmn lahat.kahit pagod ako sa trabaho i always make sure na naasikaso ko xa at ung anak nmin..wala n nga natitira para sa sarili ko..maalagaan ko lng xa..but this is too much already..
      pasenxa na po ang haba ah..sobrang emotional ko lng ngaun.wala ako makausap kahit kaibigan..kc same lang kmi ng work at office…pareho lng kmi ng circle of friends..asuch as possible auko mcra xa..nireresapeto ko pa rin xa..

  16. ahem ahem,, nakarelate din ako? 🙂
    ang nakakainsulto mukhang katulong ang naging babae nya. I told him to choose. wala naman problema sa akin. I will not destroy myself because i couldn’t feed his ego. aray ko kelangan ko talaga ikuwento? anyways i realized that yes, may pagkukulang din ako bilang asawa. Hindi kasi ako ung tipo bang martir na pagsisilbihan sya. Ang nasa isip ko kasi noong pinakasalan mo ako wala naman sa usapan na gagawin nya akong katulong. (literally). besides i am working for the family. Kaya ganung klaseng babae ang kinuha nya.. ung gagawin syang hari.
    Anyways to make the story short, I realized this:
    1. ang lalaki pag nagloloko hindi dahil meron pag-kukulang ang asawa. Meron silang pagkukulang na hindi nila matanggap sa sarili nila kaya isinisisi nila sa partner nila. (making it as an excuse)
    2. Ang lalaki hindi porke nagloloko hindi na nila mahal ang asawa nila. Karamihan ng nagloloko hindi nila iiwan ang babaing pinakasalan nila.
    3. Ang lalaki, lalaki pa rin kahit nag-asawa. In other words, sadyang maniac (excuse the word) lang sila at ang babaing malandi kahit ano pa itsura nya basta nag bigay ng motibo at tinayuan sila ayun na.. Libog lang ba.. pero pag nagtuloy tuloy ang relasyon kabahan ka na.. may ibang pinapakain ang babaeng iyon sa kanya.
    4. Men uses their heads between their legs before their head where their brain is. Pag gumana na ung ulo sa baba mag floflow ung dugo sa brain at sa heart. tsaka pa lang nagiging human. 🙂

    So naaccept ko na ang lalaki dahil sa ang una nilang layunin sa mundo ay mag-procreate kaya kelangan masaisfy mo sila sa area iyon.

    wag ka mag alala hindi ka nag-iisa, pero wag ka bibitaw. wag mo ipamigay ang pag-aari mo rendahan mo lang hindi lang para sa iyo kundi para na din sa mga anak mo.

    ngayon alam ko na kung bakit galit ka sa pangalang michelle.. 🙂

    • apir tayo dyan,dahil sa mga sinabi mo naliwanagan ako ng bongga.korek di naman tayo niluwal ng mga nanay natin para lang gawin “katulong”. gusto ko nga mag aral ng boxing para incase na maulit ang ganitong scenario aba’y mang-gugulpi na ko ng bongga. kahit yun man lang makaganti man lang ako,napansin ko lang hawig mo si zsa zsa padilla 🙂

    • sori to day.. sbrng nkkarelte ako sa situation mo. preho plng hate ntin ang name na michelle.skn nmn umuwe kami ng husbnd kp dto 2013 april. so,1 month plng kmi asa pinas. nkuha na nia magloko skn.hes frm btngas at qc kc ako. seprte kmi ng haus.dhl ayw skny ng parents ko. mskt kc,tinggap ko ung pagkkrun nia ng bisyo pero ung mkipg live in sa michelle nia whis is pokpok un. un ang pinka mskt eh. halos lht tingpp ko sa knya, kinain ko n nga halos lht ng pride ko jst for him. to mke the story shrt. pintwd ko ng una. so binigyn ko ng scnd chnce,pero wla eh. ganun pa rin. mas lumala pa. same pokpok pa rin. wat i did.i pryed to the lord dt i wnt to end up our rltionship. kc pagud na ako eh. gods will, karma cla pareho. humiwly na ako sa aswa ko.iv styd w my fam. cia andun nkulong dhl sa bisyo.

    • Same pala tau ng karanasan!nagloko din ang asawa q 2 bwan na ang nakalipas kahit pinatawad q na sya pero para sa akin ang hirap tanggapin ang lahat sira lahat ang tiwala at wala aq nararamdaman sa kanya ngaun!ang sabi nya sa akin di nya minahal ang girl natukso lang sya dahil pinakitaan sya ng motibo at isa pa malau kami sa isat isa!ang masakit kasi sa akin pader lang ang pagitan ng bahay namen at alam pa ng malanding babae na may asawa ang pinatulan nya!uu na niwala naman aq na di nya minahal pero!napakasakit para sa akin lahat binigay q sa asawa ko lubos lubos na pag mamahal tapos yan pa igaganti sa akin!hanggang ngaun hirap aq mag move on!lubos lubos na din ang paghingi nya ng tawad sa kain!anu kaya ang dapat kung gawin para makalimutan na minsay nagawa nya aq lukuhin!

  17. nkkaiyak:( bakit kung sino pa yun.g ngmmahal ng totoo at wagas sya pa yung niloloko.. Npka unfair ng mga lalaki.. Why do they hurt women?! hindi man lng nla ginalang mga nanay nila db ?? porke ba lalaki sila ok ng mambabae sila???? sabi nga sa nabasa ko -wag nyong sabihin na “LALAKI LANG AKO ” dahil hindi yan lisensya at dahilan para manloko. Naranasan ko na yn sa x bf ko dte .. Mgpo 4yrs n sna kmi nun kso bgla sya nkpghwlay skin .. Umiyak aq kc nde ko kyang mwla sya dhl mhal n mhal q xa ..pro mapilit sya ..ang sbe nya my mkkilala p dw aqng higit p sknya .. Nun ngbreak n kmi nlaman ko my bgong gf n pla sya ..cguro kya nghnap xa ng iba nun kc nde aq pumpyag n my mangyri smen .. Kya cguro nghnap xa ng iba .. Pro sapat nb dhilan un pra lokohin nya ko ??? pro cguro tama rn un nangyari smen kse naun my asawa na ko .. At my baby n rin kmi .. .Happy ako kc maayos kmi ng pamilya ko naun .. Pro syo po sna mging strong ka lalo na at my anak kyo .. Ill pray for you !! Godbless

    • Sarap nikang balatan tapos lagyan ng asin o kaya kalamnsi. Atleast nahanap mo na yun “the one” salamat, being strong is the only thing i have right now.

    • Gud day.. Nakakarelate ako dahil ako mismo yan ang nararanasan ko ngaun. Niloko na nya ako ng nung last year lang pero dahil mahal ko sya at mga anak ko binigyan ko pa sya ng chance na buong akala ko magbabago talaga sya. Patuloy nila ako niloloko ng girl. 18Yrs. Old lang yung girl na inlove dun ang asawa ko muntik na nya kami pag palit dun pero nanindigan ako sa karapatan ko kaya di nya kami iniwan at nangakong magbabago na sya. Lumipas ang mga araw months at isang taon na bumabalik nanaman sa bisyo ang asawa ko. Gimik babae mga prosti pa. Ng aaway kami pero dahil nga mahal ko pinapatawad ko mg babago na daw sya. Sa umpisa lang pala lahat na ginawa ko pero likas na maniac talaga sya at impluwensya na rin ng mga kaibigan nya payabangan sila sa mga batang babae nila kung sino matinik skanila. At ngaun buntis ako nadadalas nanaman sya sa pag uwi ng umaga syempre palusot sya. Hanggang kanina umaga ulit sya umuwi ang mali nya di nya na delete huling message nya sa babae nya. Kaya ng wala na ako. At bata ulit at maganda. Dahil sawang sawa na ako sa panloloko nya sakin di na sya naawa buntis pa ako. Kaya nag decide na ako makipag hiwalay sknya. Naawa man ako sa mga anak ko pero kung patuloy ko syang makikita at lolokohin baka di ko kayanin lalo na sa sitwasyon ko ngaun. Ang trabaho ng asawa ko ay lawyer. Na maasahan mo sanang tagapag tangol sa iba pero sariling pamilya nya sinisira nya.

  18. GOD ! 😦
    grabe ang saket
    pinag dadaanan ko yan sa bf ko ngayon
    grabe ang sakit talaga ang maloko
    at halos di ko narin kayanin .

    but cheer up !
    tama yan. na kay GOD ka kumapit
    dama ko yung pain .
    sa post mo .
    oo masakit
    pero isipin mo din .
    na mas masakit pa ung nangyari kay JESUS
    para maSAVE ka sa lhat .
    tandaan mo ang LORD ang nag bigay ng
    BUHAY MO hindi yang ASAWA MO
    continue lng sa buhay .

    remember din na yung mga pangit
    na nangyayari sau hindi sa LORD galing .
    sa totoo lng ayw ng LORD na nakikita kang ganyan.
    wag mo silang hayaan na saktan ka nila .
    JUST PRAY instead of CRYING
    PRAY and ASK the FATHER GOD .

    GODBLESS STAYSTRONG 🙂

  19. I read your story and all of the comments here. I cried and feel sad kasi naeexperienceko ito ngayon sa partner ko. SObrang sakit lang pagnililoloko ka not once but twice. I don’t know if i still believe that he lves me. Whats worst is we’re having our 1st baby and i dont have any chance to quite.

    • Ngayon ramdamm q un sakit na dinanas mo.asawa q ofw nitong uwe nya nalaman ko na. Me karelasyonxa don. Sabi ng babae d nya daw alam n me asawa ang sabi daw patay na asawa. Alam mo un ang sakit doble pinagtaksilan kn pinatay kapa.d q alam kung maniniwala aq na tatapusin na nila talaga o lolokohin lang nila aq ng paulit ulit….pinipilit q na maunawaan pero d talaga mmatanggap ng isip ko kung b
      akit ny ngawa sa akin un…

  20. ako minsan tinatanong ko parin sa sarili ko bakit ako niloko ng 1st Bf ko na halos 7 taon kming magkarelasyon at ngkaroon ng 1 munting angel.. kung kelan may anak na kmi 1 taon gulang na babae.. kung ilan taon na ung anak ko ganun narin cla katagal ng babae.. meaning umasa ka habang nasa abroad sya nababalik sya since hiningi nya ung baby bago mag abroad.. un pala kakilala n nya ung babae sa fb snce 2010 pa.. Pero pinagpatuloy nya makipag communicate doon sa girl na taga cebu.. may anak din sa iba ung babae malaki na 7 taon na sa pagkadalaga… sobrang sakit… d mo alam ung feelings saan ka ngkulang.. anong mali.. to think na tru ups and down d mo sya iniwan.. pero alam mo pinaglalaban sya ng babae.. kc sabi daw sa kanya ng ex ko sa 7 taon namen pagsasama at magkarelsyon 3 taon lng daw nya ako minahal.. ako lng daw ang ngmahal.. paano ko napatunayan na totoo sinabi ng babae? sinabi at inamin din ng lalake mismo.. una ang bait ko pa.. pinapakita ung baby, pinaglaban ko kc may anak na.. d ko naman sarili ko pinaglalaban ko kundi anak ko… pero sya mismo ngsabi na doon n sya masaya.. ayun si Girl ang nanalo nakakaawa daw ako ang sabi nya LDR cla til now.. dinadalaw lng ng x ko ang girl sa Japan kapag uuwi sya galing Saudi.. the last time I heard.. Ikakasal na cla…

    alam mo ano sinabi ko sa sarili ko.. Salamat kc alam ko magagawa n nyang magtino doon na hindi nya nagawa sa aken noon… Masaya na ako kasama ng anak ko.. kahit walang sustento okay lng. ayoko ng masumbatan ng buong pamilya ng lalake at lalong lalo na ng lalake na x ko.. napatawad ko n sya..

    pero til now ayoko na talaga magkaroon pa kmi ng communications.. pinapanalangin ko sa panginoon iheal nya ako ng todo.. kung wala man tumanggap sa amen mag ina.. sana ung health lng ng pamilya ko at ng baby ko gabayan ng panginoon.. kc dun lng ako humihili ng inspiration at lakas ng loob para lumaban..

    Pray lng.. Hayaan mo Ang dyos ung gumawa ng way para saiyoo.. alam ng Dyos gaano karami ung luhang pumatak sau.. katumbas nun alam ko ung kasiyahan na darating d man sa lalake magiging partner mo.. kund sa anak mo.

    *Edit (cheesecake): Names has been omitted for privacy reasons of respective parties*

    • Masakit talaga maloko ng taong pinag laanan mo ng buhat mo16years nabalewala dahil d napaglabanan ang tukso tapos sasabihin sa akin na wala lang yon. Panu kung d q nalamn hanggang cla aabot ng snasabi ny na wala lng un…..magulo isip ko sa ngayon wala pa aq malinaw na maisip paanu mag cmula.salamat talaga kay Lord at bngyan aq ng knowlegde. Para matuklsan.para sguro irealize q na need q rin mahalin ang sarili ko…

      Nagrerelease ng heartbreak!!!!

    • Ewan ko ba dyan kay “temptation” ang lakas ng powers, napaka imposibleng wala lang yun. Sarap tirisin ng mga babaeng pumapatol pa sa di na single.i hope maging ok ka na 😊

    • so sad tlga ng story ntin lht..tlngng hind natin maiisp bkt nila nggwa ung gnyn bgy sa taong sbra2 clang minahl. and worst is, kog sino pa ang kabet,mkkpal ang pagmmukha, y dhl sla pa tong my gna mang aawy. wt hpen to me at sa pokers ng aswa ko. ako pa ang sinugod dhl hind rw ako inuwian ng aswa ko.dhl buong gbi cla mgkasiping,na akong si tanga ,asa lbs ng aprtment nla at hinhnp kpng saan cla nagpunta.hngng sa nkta ko mga dmt ng aswa ko,nksmpy sa smpyn ng pokers.db amg skt tlga ng niloloko.

  21. Hi isa din ako sa mga babae na ganian ang situation…totoo masakit at mahirap… mahirap dahil ako ang gumawa ng obligasyon na dapat xa ang gagawa 2004 nung mgkakilala kmi jm…d ko din alam n mei asawa xa pero kc nung wala p kmi relaxon kya nung nalaman ko ok lng….tumagal kmi more than 9 years at mei isang anak… akala ko rin na ung pakikitungo nya skin nung mgshota plng kmi akala ko ganun parin ung mararamdaman ko pgngsama kmi pero hindi pla…. sobrang sakit tlga ang lokohin ka ung tipong ilang beses munang nahuli sa txt sa labas d parin aamin..xmpre ako c martir at tanga tinangap ko prin xa kahit na alam ko n gnun ginagawa nya skin… 2011 nghiwalay kmi ni jm dhil sumuko nko sa mga ginagawa nya skin pero d ko pla kaya khit na ako ung nkipghiwalay ako din pla ung mkikipgbalikan at dun ko naman nakilala c jen… ang babaeng nkarelaxon nya habang hiwalay kmi… kung tutuusin dpat ako ung mgmamalaki sa knya dhil ako ang asawa khit d kmi kasal pero xa ang ngmalaki… pero d ako ngpasindak cinabe ko lng sknya cge lng lasapin muna kung mlalasap mu sa katawan ni pero eto ang sasabhin ko seo bgo xa naging skin xa nang galing at yang nilalasap mu skin yan ung mga tira tira kong laway sa katawan nia…. para kang aso tinapon kna ang buto pinulot mu prin…. after that nkipgkasundo asawa ko tinangap ko xa ulit kc nangako xa ski na mgbabago xa para sa anak namen ginawa ko un kc alam ko pakiramdam ng walang tatay mahirap sobrang hirap kya ang inisip ko nlng ayoko paranas sa anak ko ung naranasan ko kya ngsama ulit kmi ngaun…tumagal ng ilang bwan back to abnormal xa bumalik ulit ung dating jm na babaero sinubukan ko pero alam mu kung ano ung mas masakit ung gumawa kna nga ng way para mabuo ung pamilya pero sa huli dun din pla babagsak…. araw araw ngaaway kmi minsan aalis d ngpapaalam tpus uuwian ako kinabukasan n ng umaga tiniis ko un lhat ng sobra dhil mahal n mhal ko xa hanggang sa narealize ko n wala nkong pagmamahal n pla sa kanya…kya eto ako ngaun tinatapos na ukit ung 2nd chance na bngay ko sknya cguro nga sadyang sakit nya na un na khit anu gwin ko para baguhin sya kung ayaw nya naman wala nko mgagawa…. at sobra kong narealize na mas magging masaya pla ako khit wala sya at mas mgging msaya anak ko khit wala xang tatay…. kya girl be strong kung ung asawa mu humihingi ng 2nd chance pagisipan mu kc sbe nga nila db ” one is enough, twice is too much “… hayaan mu munang makita mu n ngbabago xa khit d kau mgkasama para atleast mei way ka para balikan xa ulit…. sana sa mga tulad naten sana wag laging puso kelangan mei utak din…thanks

    • Nakakalungkot bat di na lang pagtagpuin ni lord yun mga taong seryoso at pagsamahin yun mga manloloko. Yun totoo sabi ko sa kanya di ko kayang nakikita sya na parang walang nangyari pero tuwing gusto ko ng umalis naiisip ko yun mga bata magiging broken family sila.Ngayon ko narealize yun sakripisyong ginawa ng mama ko mas iisipin mo yun kapakanan ng mga bata kesa sa sariling kaligayahan.

  22. Naka relate ako sa iyo kasi pinagdadaanan ko ngayon yan. Ako niloko na ako nang asawa ko not once but this time 3 times na last 3 weeks lang sa loob nang 3 yrs.. Tapos pangako na naman siya na hindi na mauulit. How many times I heard that. Wala kaming anak at sa ibang bansa na ako naka stay sa loob nang 2 yrs pero umuuwi ako 3 times a yrs. 9 yrs na kmi sa nov 14.. Ang sakit sakit.. Lagi akong umiiyak halos araw araw. Binigay ko na lahat sa kanya pero hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa akin iyon. Ang pamilya niya sabi nga nila wala na siyang makikitang katulad ko. Sabi nga nang mga tao lahat na sa akin na pero bkit ganun. Sobrang hirap talga.
    Gusto ko na siyang ewan pero hindi ko alam kung paano kasi ayaw niyang humiwalay sa akin. Napakatanga ko tlga. Palagay ko mas malala pa ang sitwasyon ko kesa sa pinagdaanan mo.
    Nangangailangan din ako nang advice.

    • Ang totoo nyan, madali lang talaga magsalita kung wala ka sa sitwasyon ng taong pinapayuhan mo. Pero minsan, isa lang din naman yung kailangan nating tandaan na mahalagang bagay bukod pa sa pagmamahal natin dun sa kapareha natin. Sabi nga ng isang kanta: “Learning to love yourself is the greatest love of all.”

      Hindi naman ibig sabihin nito ay nagpapaka-selfish ka. Kailangan din naman talaga na isipin mo din yung sarili mo sa mga sitwasyong ganito. ‘Masaya pa ba ako sa sitwaysong kinalalagyan ko?’ ‘Naipapakita ko ba na mahal ko ang sarili ko sa desisyon ko?’

      Sa huli, ikaw rin naman ang makakasagot sa mga tanong na iyan. Minsan kailangan din naman natin na umalis sa ating ‘comfort zone’ o yung mas madaling sagot para sa ikabubuti ng lahat.

      God bless po.

  23. hay nku msakit talaga pwede ba humingi ng payo kc ung asawa q my ibang gf mg 1year nga cla ds June pero hindi pa cla nag kkta n person Hanggang communication lang cla kc ung gf is nsa QC tapos ang asawa q is nsa abroad.ang msakit kc gusto nya pkasalan ung gf nya Pg uwe nya galing abroad.my anak kmi dlawa.plagi cla nag chachat tapos nag massage aq hndi cya nag rereply pero sknyan gf on time nag rereply.at ang pangaln ng gf nya is dennise Michelle zaragosa beta my Michelle mlanding banate

  24. ako din nakakaranas nyan ngaun…3x na nagluko asawa ko, until now prang cila prin ng babaeing nag tatrabaho sa bar…gusto ko cyang iwan pero pag nakikita ko mga anak ko nasasaktan ako….un ang pumipigil skin pra di cya iwan at tiisin nlng khit mahirap…anu po ba ang dapat kong gawin?

    • Chel pasensya na makisabat ako. 3 ka na niloko ng asawa mo? alam ko nasa bible na dapat patawarin mo ng 70×7 ang nakapanakit sa iyo ang tanong ko lang, kaya mo pa bang tiisin. Kasi kung paulit ulit na yan aba pwede mo namang sindakin yan.. unahan lang yan, Kung nakukuha ka nya sa pasori sori nya aba malamang sa alamang uulit ulit lang yan. Labasan mo ng itak, paminsan minsan din kasi dapat may takot ang lalaki sa iyo para sumunod..

    • sabi nila, loving yourself is the greatest love of all. kung sa tingin mo nasa isa kang relasyon na sa pakiramdam mo ay sinasaktan mo lang ang sarili mo, e dun mo isipin kung mas matimbang ba na dapat buo ang inyong pamilya o dapat mo na siyang iwanan.

      ikaw rin ang makakasagot sa iyong problema. pwede kang payuhan ng ibang tao na dapat mo siyang patawarin but in the end, nasa sa iyo pa rin ang final call. God bless po.

  25. hello po…kmusta n po kau ngaun chocolate cake???anu po nrramdaman u ngaun???kc po aq ngaun fresh n fresh p ngyari skn. wla png 1wk lumulipas. tinatry q.n ptwarin sya.Lht gngwa q pra mka move on agad s gnwa nya skn…npka skit.sobra!! going 6yrs n kme. mag bf/gf plng kme. npka sakit chocolate!!!till now…bgyn nyu po aq ng payo..kc po mga nag daan araw nkkpg isip aq ng d mganda sa WHORE n babae n yun. please. i need advice. sbrang depressed aq ngaun.

    • Hi Jam, nararamdaman ko din po ang sakit ang hapdi nang yung dinaranas kung bf/gf palang kayu ngayun dapat na ikatuwa mo na nalawam mo agad habang hindi pa kayu mag asawa. Hindi siya kawalan sayu, kawalan ka niya kaya mag move on ka girl at eenjoy mo life mo…

    • pasensya na po hindi po nakakalogin wife ko dito kasi busy. sabi ko siya magreply pero ang tagal na kaya ako na lang. that being said, ok na ok po kami ngayon. though naging ok yung sa situation namin, i can’t speak for other men. hindi ko masasabi kung magloloko pa ba siya or magbabago ba siya o hindi. iba iba naman kasi ang tao.

      well katulad ng sabi ko dun sa isang commenter:

      loving yourself is the greatest love of all. kung sa tingin mo nasa isa kang relasyon na sa pakiramdam mo ay sinasaktan mo lang ang sarili mo, e dun mo isipin kung mas matimbang ba na dapat magkasama pa rin kayo o dapat mo na siyang iwanan.

      ikaw rin ang makakasagot sa iyong problema. pwede kang payuhan ng ibang tao na dapat mo siyang patawarin but in the end, nasa sa iyo pa rin ang final call. God bless po.

  26. ano naman po pag ang wife mo ang magloko? i have a friend po na nahuli niya ang wife niya na may kasintahan sa facebook na lalaki at inamin din ito ng wife niya na hanggang facebook lang daw ang relasyun nila sa Guy…ano po ba maipapayo niyo po?

    • the quick answer that i would give is to give her a chance kung mahal pa rin nya. mag-usap sila nag masinsinan at dun nya timbangin kung pwede pa ba.

  27. Nhhrpan po aq,s ngaun isa lng ang knakapitan q c lord. Sa araw araw n lumilipas nhhrpan aq. Pinipilt q kontrolin,kaso kusang pmapasok s icp q. Lagi aq nghhinala sknya. Ayw ng gnito

    • Sa ngaun hnd n..sa tuwing kkausapin q sxa about s ngyri ngglit sxa. Gsto q n ng ksagutan gling sknya. But how? Lagi sxa gnun. Till now nhhrpan at nbbgatan aq s ngyyri. Mdme aq nktang pgbbgo s knya ngaun since nung ngyri ung flirting with girl. Hnd q alm pno aq mguumpisa kausapin sxa about s nkjta at nrramdman q. Lagi nya cnsb skn n wla nmn dw tlg un. Lagi sxa nag i love u skn s txt. But iba ang nrramdamn q. Please help me to throw my pain. Lalo n ngayun. Pumyat aq ng sbra,dhil s kkaicp etc. Please help me!

  28. Hnd pa,pro tingin ng mga tao smen mag asawa n kme..kc dto sxa stay smn. Hrapan aq s stwasyon nmn..dq alm pnu q mkkuha ulit ung atensyon nya..i mean ung tipong pg knausap q sxa.. hnd sxa mggalit 😦

    • una, katulad ng sabi ko nga sa iyo, learning to love yourself is the greatest love of all. hindi ito yung pagiging makasarili kundi yung loving yourself by finding the happiness within you, for you.

      pangalawa, kaya nga tinawag na magka-partner kasi nga dalawang tao. hindi pwedeng ikaw lang yung nagmamahal at tapos siya hindi. may mga taong nagbabago pero hindi naman sa lahat ng tao o pagkakataon nangyayari yun lalo’t hindi ko rin naman kayo kilala para husgahan. ikaw lang din ang makakapagsabi sa sarili mo kung ano ba ang dapat mong gawin. stay or leave? love is give and take. hindi lang give ng give. kailangan ng communication. hindi lang palaging hanging by a moment ka. kung talagang mahal ka niya he should be open to you. that’s what love is.

      pangatlo, mas madali pa nga yung sitwasyon mo. wala kang iisipin na mga anak na maapektuhan. anong paki mo sa sasabihin ng mga tao. happiness mo yan girl.

  29. Hi po! napagdadaanan ko po tan nalaman ko bung jan 2015 nag msg ung babae sa fb ng asawa ko kaya nakita ko na maeron asawa ko so dun na ako nagduda. Pinapaaamin ko asawa ko kaso di raw nya kilala un di dito nagstay asawa ko sa
    Amin sa manila pauwi uwi ng ng 2-3days lng kasi dami daw nya inaayos… Naniniwala naman ako noon.. tapos after 1 month ng umuwi sya kasi malapit na umalis papuntang abroad talaga gusto ko ng kasagutan kaya hinanap ko cp nya at dalawa pala may iba sya cp na kaisap nya ung babae dun…nagmsg pa ung babae bago siya matulog… Doon ko nalaman tinatanong pa ng girl ngaun ka ba uuwi? di ko nabasa lahat txt nung girl kasi kinuha agad ng asawa ko cp nya tapos dun nagalit ako at pati sya nagalit sa akin… Ako na nga niloko siya pa may gana magalit sa akin… Syempre gusto ko na makipaghiwalay pero naisip ko mga bata 2 na anak namin. Nag kausap kami bago naman sya umalis lahat ng sim nya sinira nya at bumili kami ng new para pagkontact namin sa isat isa pagalis nya… Nagsorry sya at niyakap nya ako at umiiyak sya sa akin kasi gusto ko na talaga hiwalayan sya nun… Nagpromise sya na wala na… Kami daw ang pamilya nya… Ok na kami nun pero ngaun bigla ko search name nung girl sa ibang account sa fb nakita ko na gumawa ung girl ng fb account nila dalawa at puro photos nila ng asawa ko… Nakalagay pa (mommy grace)… Nasaktan ako kasi nakita ko lahat ng mga picture nila profile pics nila silang dalawa… Walang fb account ang asawa ko… Ano po ba gagawin ko kasi pag naguusap kami ng asawa ko tjngin ko naman na malambing na sya sa akin at nagbago na sya kahit magkalayo kami sa video chat na lng kami na lng kami naguusap pati sa mga bata… Maniniwala ba ako sa asawa ko na talgang wala na sila??? O ung girl lng talaga gumagawa ng way para magkahiwalay kami…. Ano po gagawin ko po… Di ko pa po sinabi sa asawa kk ung nakita ko sa fb na mga photos nila… Di kka lam gagawin ko po … Advice po… Tnx

    • hi SLR, medyo busy sa mga junakis ko. anyway nakakapraning yan ganyan dumaan din ako sa ganyan na halos kulang na lang ipaha-hunting ko si girl, pero pinigilan ako ng mother ko kasi kahit naman mahanap ko daw yun girl wala naman na mababago sa ginawa nya. Mas mahala daw na ako ang pinili. Sa sitwasyon imipapayo ko lang pabayaan mo yun babae baka naman gumagawa lang yan ng issue para magalit o mag away kayo ng asawa mo. Yun mga ganyan klaseng babae tawag dyan “desperada” ang importante ikaw ang legal sya ang kabit. Tulad nga din ng sabi mo nakaalis na asawa mo so pano mo pa malalaman kung nag uusap pa sila kung malayo sya sayo?

    • Salamat sa payo m chocolatecake atleast now medyo nakanpag move on na rin me inaantay ko na lng pag uwi ng mister ko sakali mahirap talaga na magkalayo kami…. Maitano g ko po kayo ba ok na at di na po ba nya nagawa ulit un? Simula nyng napatawad m na sya…

    • mahirap po sagutin yan ma’am kasi iba-iba naman ang tao. i am a guy but i can’t speak for ‘mankind’. Lol. look into his eyes and ask your heart. mas madalas ikaw rin ang makakaramdam sa sarili mo kung ano ba ang dapat mong gawin. God bless po.

  30. Hello po sa lahat hindi pla aq nag iisa sa ganitung sitwasyun ang dami din plang katulad ko na niloko ng husband as for me ganyan din ang sitwasyun ko nsa saudi ang mr q nagdududa na aq nun pa sa knya peru tangging mamatay na tlgang wala daw cyang kalukuhang ginagawa after a year umamin cyng nagkarelasyun nga cla ni girl peru after nia mangako na hihiwalayan na nia naging ok kmi ulit pabalik balik na cia sa saudi kya nitung last na uwi nia nag tataka aq bakit na dealey ng ilang buwan ang knyang bakasyun peru di aq nag tanung kung bkit hinayaan ko lng makauwi cia sinamsam q lhat ng cp nia kya nmn nahuli ko na my private fb cla ni girl ang masaklap with child na na mag 4mant lng ung baby so for 2yrs niloloko prin pla nia aq at nagsisinungaling sa mukha ko hindi ko malaman kung anung gagawin ko ang sakit na niloko ka ng paulit ulit tpus aayaw makipaghiwalay skin wla nmn kmi anak 2tyms na kc aq nakukunan,diku na sana pabalikin kasu nagmaka awa na hayaan ko cyng makabalik at iayus ung bby nila pra makauwi at after that mag reresign na daw cia at aq daw ung pinipili nia kya nmn hinayaan ko cyng bumalik khit napakasakit ginawa ko kc iniicip q di nmn dpat madamay ung bby nila nung andun na cia saka q nlaman na kasal pla cla,diku alam kung ttupad ba cia sa pangako nia or anung dapat kung gawin nag iicip aqng hiwalayan nlng cia or kung anu ba tlga ang dapat ang hirap pla pag ikaw na ung nsa ganitung sitwasyun,

    • i can feel u mam!!! ut really hurt but for the sake of kidz nid to fix well.keep GOD in everything ika nga patience is a virtue…😕

  31. 😦 Can someone talk to me. Parang ganyan kasi ngyari sakin. 1 year pa lang kami kasal ngloko sya siguro 6 months pa lang kami . Seaman ang asawa ko last year march kami ng pakasal april sumampa ulit sya umuwi sya ng nov . Wala nmn ng bago siguro kasi nsa honeymoon stage pa kami, open ang asawa ko sakin pwede mo pakialaman fb nya email nya phone nya kaya akala ko walang tinatago wala nmn naging problema samin last january sumakay na ulit sya after a week n laman ko buntis ako, kahit nsa barko asawa ko lagi ko binubuksan ang fb nya siguro kasi nakukutuban na ko gusto ko lang ng proof hanggang my ng msg sa knya 1 month after sumakay sya di nmn sinabi na babae sya or what so ever sabi lang i miss you tas ng send sya ng pic nila dalawa magkayakap, pag babae ka alam mo pag may mali . Kinausap ko yung babae , magkaibigan lang DAW sila di ko na pinatulan sa asawa ko na ko nagalit pinapaamin ko kaso db di nmn cla aamin nagalit ako sobra 2 months pa lang akong preggy nun kinabukasan ng leave ang asawa ko kasi di ko sya kinakausap for 15days lang natatakot kasi sya makunan ako, nung andito sya tinatanong ko kung ano talaga yung real score sa kanila wala daw, dahil buntis ako di ko na pinilit ayoko mawala ang baby ko. A Week ago umuwi na ulit mister ko pinaamin ko sya nung una di naamin hanggang sa napilit ko na. Ang sabi nya sakin One night stand lang daw ang nangyari sa kanila saka yung babae ang mapilit . Na di nya na daw inulit at di na daw sila magkasama sa barko nagalit ako umiyak dun ko lang naramdaman napahina ko ilang araw ko sya di kinausap pati anak namin ayoko pahawak sa knya umiyak sya sakin ngmamakaawa na wag ko iwan na di nya nauulitin nararamdaman ko sincere sya pero di ko kaya magtiwala Sa totoo lang gusto ko humiwalay sa knya di ko alam kung kaya ko pa sya mahalin kumakapit ako para sa bata 1 month pa lang baby namin tuwing nakikita ko sya nabalik lahat ang sakit sakit ayoko hawakan nya ko tuwing ng uusap kami di pwede di ko mababangit na niloko nya ko gusto ko maayos yung pagsasama namin pero pano kung natatabunan ng galit at di ko na maramdaman na mahal ko yung asawa ko worthit pabang kumapit para sa bata?

    • You can only talk about it for now. Let him know how you feel and start from there. Mahirap kasi magsalita kasi iba iba naman ang mga tao at ang pinaka final decision e sa iyo pa rin naman magmumula. Nasa sa iyo kung sa tingin mo saan ka magiging happy. Wala ring kwenta yung relasyon kung puno ng pagdududa. Kung sasabihin niyang hindi na niya uulitin then kailangan niyang i-prove sa iyo yun.

  32. Nabasa ko ang mga karanasan nyo at isa din ako sa mga katulad nyo. 22 years na kaming kasal at meron kaming 4 children. Last March 2015 ko lang nalaman na ang mister ko ay may ibang babae. 1988 ko sya naging bf at yong babae nya ay ex-gf nya nong 1989. Nagkahiwalay kasi kami after one year naming mag on as bf-gf kaya nakakilala sya ng iba. Pero 1990 bumalik sya sa akin at tinanggap ko nman ulit bilang bf hanggang sa ikinasal na kami nong 1992. Nong 1996 nagkita ulit sya ng ex-gf nyang ito at may nangyari na ulit sa kanila. On and off ang relationship nila nong girl kasi nagkakaron siya ng ibang boyfriend. Although my bf na sya nagtatalik pa rin sila ng husband ko pero tumigil na daw makipag bf ung girl nong nagbuntis na. Nakikita ko rin ngyon sa fb na may anak ung girl at sinasabing anak daw ng husband ko. Nalaman ko ang lahat ng ito dahil one time itinanong ko sa husband ko at inamin na nya lahat sa akin dahil tapos na daw ang relasyon nila last november 2014 pa. Biruin mo kung hindi ko pa hinuli kahit klan walang planong sabihin sa akin ang ginawa nyang kalokohan. Sinabi din nya sa akin na sabi nong girl sa kanya na anak nya pero hindi daw nya ini acknowledge ksi hindi sya siguradong kanya yon. Ngyon kapag tinatanong ko sya kung bakit nya nagawa sa akin yong ganon sinasabi nya na hindi ko daw kaya ang mga gusto nya sa sex that time kasi tlaga daw gusto nya araw araw kaso mo ayoko daw at sa tingin nya hindi ko makakaya ang ginagawa nong girl sa kanya sa kama dahil kahit mas bata pa sa akin ng 1 year yong girl ay masyado na syang liberated kasi nga daw sa dami na ng boyfriend na nakasex nya. Ayaw daw ng husband ko na iwan ko sya kapag pinilit nya ako makipagsex sa kanya araw araw dahil alam daw nya na hindi ko yon magugustuhan at baka sa bandang huli ay maghiwalay na kami. Mahal daw nya ako kaya sa iba nya nagawa yong mga kamunduhan niya dhil masyado din daw malibog yong babae. Once a month lang daw sya napunta don at nagbibigay ng konting pera pra sa mag ina. Kahit nman nagbibigay sya don hindi ko nman naramdaman dahil hindi nman kami nagkukulang sa lahat. Private schools nag aaral mga anak ko. One time daw sinabi ng girl sa kanya na tinutukso daw ang anak nya na “kabit” ung nanay nya so sabi ng husband ko sya na ang bahalang magpaliwanag sa anak nya. Tapos tinanong ng girl bakit ano ba ang maituturing mo sa relasyon natin sabi daw ng husband ko friends then girl said “friends with benefits” OO sagot dawi ng husband ko. Tinanong ko kung mahal nya yong girl kasi nagtagal ng almost 20 years ang arrangement nila …sabi nya parausan lang daw nman nya kaso nagsawa na daw sila pareho pero dati nong first 5 years pa sila sinasabi daw nong girl na siya daw ang true love at soul mate nya. Ngayon ang tanong ko ganito po…. Mahal o minahal po kaya ng husband ko ang babaeng ito na sinasabi nya hindi niya minahal at parausan lang (posible po ba yon)? Sa ngayon po kasi minsan pinag uusapan nmin ang nangyari sa kanila nong girl at sinasabi nman po nya sakin pro minsan nagtatalo po kami ksi hindi ako naniniwala na parausan lang dhil nga tumagal ng ganon. Ngayon po nangako sya sa akin na hindi na nya uulitin ang nangyari yon dhil kung uulitin daw ang buhay nya ay hindi na nya gagawin pa. Halos lagi po kaming magkasama ngyon kahit san magpunta para daw maipakita nya sa akin na hindi na ulit nya gagawin yon. Dati po kasi freelance work nya kaya di ko alam kung nasan sya most of the time pero pagdating nman po ng 11pm ay nasa bahay na sya at umaalis po sya ng 9am. Syanga po pala yon pong girl ay nakilala nya sa beerhouse nong at isang waitress at GRO naman ang kapatid. Pangit daw family background dhil minolestya silang magkapatid ng tatay at kapatid nilang lalaki. Kumbaga sinasabi ng husband ko na hindi sya marriage material dahil don at hindi nya yon ipagpapalit sa akin. Hanggang ngayon po hindi ko pa rin sya mapatawad pero nagsasama kami sa isang bahay at alam din ng 1st at 2nd child ko. Eto po questions ko. 1) Mahal pa o minahal po kaya ng husband ko ung girl 2) Dapat po ba ako maniwala na hindi na nya uulitin itong nangyari 3) Dahil sinabi na nya sa akin lahat ng nangyari sa kanila sa tingin nyo po ba dapat na akong magtiwala pa ulit sa kanya.

    • Gaya nyo naranasan ko din lahat ng pinagdadaanan nyo..n hanggang ngaun pinagdadaanan ko p din.15 yrs kaming kasal at may isang anak..buntis p lng ako nun ng umalis sya ksama ng pamilya nya..mahirap ang LDR pero kinaya ko khit n nalaman ko n may naging gf sya s CHAT..sobrang sakit dko matanggap n halos patayin nko hanggang s 2009..nalaman ko n may bago n nmn sya..dhil inaway away ako nung girl..n never ako naipagtanggol ng asawa ko hanggang s dumating yung time n pinagpalit nya yung babae nya s iba n nmn..n till now hanggang ngaun sila p din..n khit nandito nko s abroad at magkakasama n kami..ang hirap n ksama mo yung taong alam mo n may iba ng mahal..

  33. Relate nman ako nito pero under survelance palang c misis pag npatunayan ko talaga mkita ko aura mismo. Ibato ko tlaga sa kanya wording ring ko

  34. Ms. CHOCOLATECAKE,, sobrang nakakarelate ako sayo. Habang binabasa ko yong kwento mo sobrang naiiyak din ako. Kami ng asawa ko nagsimula talaga na magkalayo, nasa Pinas ako then sya sa dubai. Akala ko mabuti syang tao kase isa syang born again christian, member sya ng CLSF Dubai pero nagawa nya akong lokohin bago pa lang kami kinasal hanggang sa mag-asawa na kami dami nyang ginawang kasinungalingan. Emotionally, wasak na wasak ako. Hindi ko alam kelan mabubuo ulit yong tiwala ko sa kanya.

    Two months prior our wedding day, I discovered that my husband has been chatting with his ex name Aida Lee via chat in yahoo messenger. Nag-uusap sila about their past including sex. Then, my husband even mentioned “I miss you and I love you”. The girl said “baka magalit asawa mo”. Sabi ni husband “wala pa ko asawa, gf pa lang nasa Manila kaya nga nag-ooffline ako minsan kase lagi yon nakaonline”. He even asked that girl na sabay silang umuwi ng Pinas ng December then ituloy yong relasyon nila. Our wedding was scheduled ng December 29. Ang sakit diba? It means there were times na pinagtataguan nya ako. Di ko sinasadyang buksan ym nya kase I never thought naman na yong password nya sa fb at ym ay same lang. I confronted him so he cried asking for an apology, a second chance and trying to convince me that he did it for revenge dahil iniwan sya neto para magpakasal sa isang koreano so gusto nya guluhin isip nong babae. I told him that whatever his reason, it’s not valid kase kung masaya ka and contented with your present hindi ka na dapat bitter sa past mo, instead be thankful kase kung di ka nya iniwan eh hindi mo mahanap yong taong nagpapasaya sayo ngayon. I tried pa rin na kalimutan yong ginawa nya. I kept myself busy with wedding preparation, ni piso di ako humingi sa kanya while processing our wedding kase ayoko na isipin nya at ng family nya na mapagsamantala ako. Pinagsabay ko yong pagprocess ng wedding namin while working in Manila. Halos bumigay katawan ko sa pagod kaya sobrang laki ng ipinayat ko then may mga times na umiiyak na lang ako kase sobrang pagod na katawan at isip ko kakaisip ng mga kulang at kelangan pa. Finally, dumating sya from Dubai. Then 2 weeks before our wedding, he confessed na may anak sya so I asked him if asan yong bata then he answered me “matagal ko ng di nakikita”. Based dun sa mga kwento nya sakin, sya lagi ang iniiwan ng mga ex gf nya so I thought wala akong inagrabyadong tao, yong babae ang nang-iwan at hindi asawa ko ang nanloko. Then 23 days after our wedding, I got a friend request on my fb from Dominga. I don’t know how we get connected since we don’t have common friends. I asked my beloved husband if he knows that girl. He told me that Dominga is the mother of his daughter. I accepted the friend request then started a conversation with this girl. There, I found out that January 2, 2012 she was able to talk with my husband but my husband didn’t tell her that we got married last December 29, 2011 but instead, she told the girl that he has a gf. Gf talaga eh 4days na kaming kasal!!! Then, nalaman ko na sya pala ang ayaw magpakasal dun sa girl and again I heard an invalid excuses from him “kesyo hindi nya mahal yong babae, nong pinalayas sya ng kapatid nyang babae sa Pasig eh yong babaeng yon ang tinakbuhan nya na nakilala lang nya sa text, na ni minsan never nya sinabihan yong girl na mahal nya.Isa daw si Dominga sa nadamay dun sa paglalaro nya, nakikipagrelasyon sya kahit hindi nya mahal, yon daw yong panahon na madilim ang buhay nya. Ang hirap, gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya non kase ang hirap magtiwala sa taong sinungaling. Sa tuwing nababanggit yong anak nya, naaalala ko yong panloloko or kasinungalingan nya.Then from the time na umalis sya after our wedding, more than 1 year sya in Dubai ni piso wala akong tinanggap, dumating pa sa point na nong may sakit father nya at nanghingi ng pamasko nanay nya eh sarili kong pera ang pinadala ko kase wala pa daw sya pera so baka sa sahod pa daw sya makakapagpadala, tapos pag-uwi nya ng Pinas wala syang ipon ako lahat gumastos while nasa Pinas sya. Umuwi kami ng Leyte dahil namatay father nya lahat gastos ko including fare namin sa plane pati nong umuwi sya ulit dun nong 40days ng pagkamatay ng tatay nya. Tinanong ko sya bakit wala syang ipon, if nagpapadala ba sya dun sa anak nya ang sabi nya hindi. So I asked him na iwan nya sakin ang atm nya then hulugan nya bawat sahod para meron sya savings. Then after almost 2 months na vacation here in Philippines, bumalik sya ng Dubai and I found out that I was 6weeks pregnant. From the time na umalis sya, knowing na buntis ako hanggang sa manganak ako, yong laman ng savings nya is just 17k, kulang pa pambayad sa hospital nong manganak ako kaya di ko na pinakialaman kase kawawa naman atm nya. Then after that lahat inako ko ang gastos, lahat ng needs ng anak namin, sa binyag hanggang sa umuwi sya nong mag 1 yr old baby namin. May nasave naman sya kahit pano siguro more than 40k din. Pinilit ko na hindi pakialaman yon kase in case of emergency may madudukot kami ng anak ko, kaya nong b-day ng anak namin, halos akuin ko lahat ng gastos, may binigay sya sakin na cash nasa 10k yata dinagdag ko sa gastos nong binyag ng anak namin. Umuwi sya ng Leyte hindi na ako sumama para makatipid, pera ko pinangbayad sa ticket nya back and forth pati pinamili ng damit nya. Itinira nya kami sa bahay ng kuya nya sa Sucat so tipid sa gastos kase ayaw nila tumanggap ng pera while nakatira kami dun.

    Bago sya umalis or bumalik ng Dubai, gumawa na naman ng kasinungalingan. Nakipagkita pala sya dun sa mag-ina sa anak nya sa labas sinama pa nya anak namin, itinago nya yon sabi nya ipapasyal lang nya sa MOA anak namin, pumasok ako sa office kase nanghihinayang ako sa kikitain ko pandagdag pambili na rin yon ng gatas or diaper ng anak ko then konti na lang natitira sa leave ko inilalaan ko for emergency yong leave credits ko. Pagkauwi tinanong ko if wala silang ibang kasama sabi nya sila lang, inulit ko pa pero ganon pa din sagot nya. Nakabalik na sya ng Dubai saka ko nalaman na nagkita pala sila nong anak nya sa labas kasama yong ina ng bata nong sabi nya na ipapasyal nya sa MOA anak namin, after that malalaman ko na pati yong laman ng atm nya eh sinaid nya, inubos nya na ni isang lata ng gatas ng anak namin di naman sya nakabili. Tinanong ko if binigay ba nya sa anak nya sa labas, sabi nya pamasahe lang binigay nya dun then binilhan nya ng shoes at bag pero anak namin hindi man lang nya nabilhan. Tinanong ko sya if meron pa sya mga kasinungalingan sabihin na nya sakin while kaya ko pa dahil next time di ko na alam anong magagawa ko. Sabi nya wala na so sabi ko pwede ba kaming maging transparent sa isa’t isa. If gusto nya magpadala ng pera sa anak nya then idaan nya sakin ako magpapadala dun at least alam ko. Pumayag sya pero di naman nangyari, tinago pa rin nya sakin para ano? Para di ko malaman na tinake for granted nya kami at iba priority nya sa buhay nya.

    After that, ngayon malalaman ko na naman may fake account sya, si gino morales nakaadd yong anak nya sa labas pati yong 2 fb account nong babae. Again, I confronted him at sabi nya yon lang daw naisip nya way para magkaroon sya ng communication sa anak nya sa labas kase hindi nya pwedeng maging friend sa real fb account nya since di pa sya ready na malaman ng family ko ang tungkol sa anak nya. Pero bakit kelangan nya gumawa ng fake fb account para sa anak nya, may skype naman or phone? Di ko alam password ng skype nya at di ko naman sya kasama may phone naman para tumawag sya if gusto nya mangumusta. Pagod na ako sa kasinungalingan nya so gusto ko na syang iwanan and dahil sobrang down ako nong time na yon at walang makausap sa dorm, may naipost ako sa fb na may marriage was full of lies. Blinocked ko sya sa lahat ng social media account ko at naka-automatic reject ang mga call sa phone ko so more that 2 weeks kaming hindi nag-uusap. Tinext ako ng hipag nya, tinatawagan daw ako ng nanay nya. Tumawag pala sya sa nanay nya, umiiyak yata na humingi ng tulong para pakiusapan ako para maayos marriage namin. Then, I got a message from one of his elder sister telling me na kung anuman mangyari sa kapatid nila sa Dubai lahat lahat ako masisisi, kasalanan ko lahat kase di ako marunong magpatawad at gusto ko daw hawakan sa leeg kapatid nila. Nasa office ako nong mabasa ko yon, hindi ko mapigilan ang umiyak, nanginginig ako sa sama ng loob kase bakit ako pa naging masama. Ni hindi man lang nila pinakinggan yong side ko kung bakit gusto ko ng hiwalayan kapatid nila. Ang sakin lang naman, kung gusto ng asawa ko makipagflirt sa iba then go or kung may gusto syang balikan aba eh I’m willing to let go naman, maghiwalay kaming dalawa para hindi naman ako magmukhang tanga pero syempre akin lang anak ko total never naman sya naging ama sa anak ko. So, tinawagan ko biyenan ko. Kahit umiiyak ako eh nagawa kong sabihin sa nanay nya lahat ang ginawa ng anak niya kung bakit gusto ko ng makipaghiwalay. Sabi ng nanay nya, pumayag na ako na sumunod sa anak nya sa Dubai para magkasama kaming dalawa, mabantayan at macontrol din yong sahod nya ng makapag-ipon kami. I decided na kausapin asawa ko after naming mag-usap ng nanay nya. Nagmessage ako sa roaming nya na mag-usap kami dun sa fake fb account nya since nakablocked lahat ng real account nya sa mga social media account ko. Pinalitan nya ng real name nya yong fake fb account including the profile picture. Hiningi ko lahat ng password ng iba pa nyang social media account including the fake fb account.

    Ang sakit nong mga nababasa ko sa fake fb account nya. May nababasa akong flirty chat conversation with Dominga. I even confronted the girl and she denied it. She even used the name of God para lang ideny yong conversation na yon. I even posted the screen shots nong flirty chat conversation nila sa fake fb account ni Nilo Morales. Ako pa sinabihan nong babae na makitid ang utak, dahil yong conversation daw na yon was just a joke. Nalaman ko din na madalas sya nagpapadala ng pera dun samantalang samin ng anak ko tinitake for granted lang nya. Nanganak ako January 10, 2014, then may nabasa ako sa fake account na January 11, 2014 nagmessage si Dominga asking for money kase wala na daw sila allowance ng anak nya since ninakaw yong pera nya. Ang sakit diba? Wala na nga sya sa tabi ko nong time na nag-aagaw buhay ako sa panganganak then financially di man lang nya ako matulungan. Para sa kanya, tapos na yon kalimutan ko na kase hanggang chat lang mga conversation nila. Gusto ko syang iwan pero tinatakot nya ako na isa samin mawala once ginawa ko yon. Humingi sya ng isang chance kahit konti mapatunayan lang na nagbago na sya, humingi daw ako kondisyon kahit ano then lahat gagawin nya basta wag lang kami mawala ng anak ko sa kanya. Pumayag ako na sumunod ng Dubai pero may mga kondisyon ako na alam kung hindi madali para sa kanya. Unfair but I have to kase hangga’t hinayaan ko sya eh lalo syang umaabuso. Sinabi ko na sa kanya before, after nong incident kay Aida na ayaw kong nakikipagcommunicate sya sa mga ex nya, hindi ako komportable pero wala syang respeto sakin, sige pa rin sya kase ang sagot nya ano daw gawin nya kamuhian nya magalit sya dun sa tao. Nakakairita yong sagot nya diba? Wow ah! Ang linis nya, walang bahid dungis pagkatao nya. Meron pang isang babae si Ederlyn na panay message dati sa ym nya, sinabihan ko ng maayos yong babae na move on na sya kase may asawa na yong tao at bata pa sya madami pa magandang darating sa buhay nya, aba eh sagot sakin nong babae eh bakit insecure ba daw ako. Di ako kagandahan pero di naman ako feelingerang froglet. Tapos nabasa ko sa skype magkawebcam pa sila ng asawa ko at sabi nong babae “sa totoo lang namimiss na kita”. So mali ba na pagbawalan ko asawa ko na makipagcommunicate sa mga ex nya? It’s up to you to judge me.

  35. HEllo ! Nung nbasa ko to sobrang nakareLate ako .. kasi ganyan din gnwa nang Asawa ko .. niLoko at gnago din ako .. pls take time to read .. almost 6yirs na po kmi . magjowa palang kami , marami na syang ba2e pero kht ganun nramdaman kopa din na ako naman ung mahaL nya , kaya pngpatuLoy ko ung reLasyon namin hanggang sa mbuntis nya ko , nung una gusto nya tLga ako panagutan , kaso dumating ung point na ngli2hi ako kaya , ayaw ko sya mkta .ilang araw sya nangu2lit sakin pero ayaw ko tLga syang makita . Gang dina nga ngpakita , nung panahon na kaiLangan ko sya dun ko nlaman na may ba2e na pala sya kaya dna ngpakita . Pero piniLit ko ayusin relasyun namin kasi buntis ako . Di pa kami ngsasama nun , pumpunta lang sya samin . Pero may mga kissmark sya . Pero tinanggap ko un 3mants sila ngkarun nang rel nung ba2e gang mghlaway sila . pinatawd ko sya at ngsama na kami sa isang bhay .. nakapanganak nako . Tas nung nanganak nko nwalan nko nang gana sa pagdating sa sex .. ngugulat ako palage nlang sya umaalis , un paLa may ba2e sya . Nahuli ko sya .. pero humingi nang sorry at pntawad ko ulit hbang pnalalaki ung anak namin . Ngkarun kami nang maraming problema , gang sa natuto sya gumamit nang drugs .. dko kinaya , pero tiniis ko .. bgla may isang ba2e nagmsge sa kanya sa fb nbasa ang sbe ” Wala kb balak mgpakita sa anak mo ? Wala kana nga bnbgay na sustento dka pa ngpapakita , nghahanap na nang tatay ung anak mo . Kawawa naman dhl ba2e pa naman ” bgla 2mgiL mundo ko , dko alam gagawin ko . nhrapan ako huminga , dko mtanggap kasi ever since mgjowa paLang kami wala akong aLam na may Anak sya , alam ko binata sya kht nung ngkaanak kami . un pala nauna mbuntis ung ba2eng un kesa sakin ex nya un , na tinakasan nya at nung nanganak ngpakita sya dun kht ngsasama pa kami . 2years bgo ko nlaman Nakpghwlay ako dhl sobra akong nasaktan . Nlaman kopa na pniLit nya ung ba2e na mgsama siLa para sa bata .. pero pnlit nya din mkpagbaLikan sakin , pero dhL mahaL ko sya at ang anako .. pnLit ko sya tanggapin at mgsimuLa uLit .. pero dumadating sa puntong sama sama na ung gaLit at sama nang Loub ko dhL sa panLoloko at panLilinLang nya sakin kaya twing mgaaway kami , lage ko naisusumbat un . Sya pa galit .. d2 kasi sya nkatira samin . Kaya dko maiwasan palayasin sya pero tanga padin ako at tnatanggap ko sya . UliLang lubos na sya at walang matirahan pero may hanap buhay sya at di kami kaiLaman ngutom , bnbgy nya ung luho ko , at may time naman kami sa isat isa . Plage kaming namamasyal, nararamdman ko naman na mhaL at priority nya kami pero di sya naku2ntento . Marami syang kaLokohan .. gang ngkhwlay nanaman kami dhl nangba2e nanaman sya . Ang sbe nya nktira sya sa kaibgan nya .. nkpAgBlikan nanaman sya , at binaLikan ko naman kasi ngpapaawa epek sya at mhal ko sya .. pero nung bnlikan ko sya Lumala sya sa pagbi2syo, minsan dna ko inu2wian .. u2wi pag gusto nlang gang sa nakulong at ngkabaon baon sa utang , sya tinuLungan ko sya ilabas dun , at bguhn ang buhay nya , tinuLungan lutasin ang problema .. ngsimula ulit kami , gang sa 3 years ago nang mlaman ko nung huling hwlay namin e may nakalive in pala sya ung nhuli ko na gf nya ngsama pala sila nun , sobrang sakit .. dna nwala lage ung pagh2nala ko araw araw knya . Minsan masaya kami , minsan sobr ang pagaaway . Nawawalan nko minsan nang respeto sa kanya at ganun din naman sya sakin .. ou ,di ako perpekto asawa .. dhl may mga pagkukulang din ako , at pngsi2han ko yun . Maluho akong tao .. dhl sa alam ko may bisyo sya plage ko syang hnahnapan nang pera , plage kami nagaaway ., ngaun ngdesisyun na kami mghwlay .. minsan nakukunsensya ako kasi mas Lalo syang napapariwara pag wala sya dito samin .. help me please . Anu po dpat ko gawin ?? Pagkatapos nya ko lukohin nang paulit ulit , 2manggap ako . Pero ganun padin . Mahal na mahal ko sya . 1week palang kaming ngh2walay . Pero pag ako pnagLalaban ko sya pero bkt sya pag snbe kung ayaw kuna , gnigive up nya kami agad agad samantaLang uLila na sya at kami nLang pamiLya nya pero nakakaya nya kaming iwan ? At mas gusto pa nya mgsumiksik sa mga brkada nyang waLang duLot 😢😢😢😢

  36. ramdam ko yang hirap na yan. ung sitwasyon na halos naghahanap ka ng sagot sa tanong mo kung ano bang nagawa mong mali at pagkukulang para gawin nila. for sa naranasan ko hindi ko inaway yung naging kabit ng asawa ko ldr dn cla japan to africa , dahil iniisip ko makakakuha pa ko ng mga info sa mga panloloko nila. halos 2months din nya kami ndi tinawagan. dahil sa busy sya sa babae nya. masakit na marinig mo na mahal ka nya pero parang hindi mo na maramdman gawa ng may pader na sa pagitan nyo. yung tiwala at pagmamahal nawalang prang bula. yung hirap at saya sa loob ng 8yrs na pgsasama nawala. ang payo pa sa akin ng kabit mag move on n dw ako pero hindi ganun kadali. madling sabihin ngusto mung gumanti pero ndi mu mgawa dhl alam ,mung my mssktan k

  37. Pingback: Ang Tanong | Say Cheese!

  38. Jusmiyo. Naramdaman ko rin yung ganyan feeling before dun sa dalawa kong ex. tatag ko nu? este ang tanga ko pala. Hindi na ako nadala. Pero kung sabagay, sa tuwing magmamahal ka naman lagi kang aasa na sana HINDI nya ako LOKOHIN pero wala eh. Sadyang may mga makakapal ang mukha at malalakas ang loob na manloko. Sabi ko nga noon eh. di bale ng hiwalayan ako dahil di na sya masaya sa relasyon namin kesa naman sa lokohin pa ako.

    Buti na lang, past na yun. I’m glad to say na naka move on na ako at mas masaya ako sa relasyon ng present boyfriend ko at future husband ko 🙂

  39. sa mga babaeng niloko ng mga asawa nilang lalaki ramdam ko ang sakit ng ginawa nila dahil ang asawa kong babae ganon din ginawa sa akin na kahit anong isip ang gawin mo di mo maintindihan kung bakit nila nagagawa sa asawa nila ang ganon,di lang po lalaki ang nanloloko ng asawa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s