Activities and Hobbies / Life and Family / Personal Musings

Babymaker

Kaming magkakaibigan noong high school e naglalaro ng Magic Cards. Isa sa mga kaibigan ko pinangalanan yung anak niyang babae na 'Eladamri'. Ang isa naman ang pinangalan sa anak niyang lalaki ay 'Ishan' (Ihsan). Kung makaka-anak kaming babae, ang magiging pangalan niya ay 'Kaysa'.

Trinoma Food Court
February 28, 2012

cheese: Kung magkaka-anak tayo gusto ko babae. Para papangalanan nating ‘Kaysa’ (Though matagal na naming napag-usapan yung magiging pangalan). Pero kung lalake ok lang din.
choco: Kaysa Michelle?
cheese: (Hindi nagsasalita)
choco: Hindi naman naten mapipili kung anong sex nung magiging baby naten.
cheese: I know. Pero kung papipiliin ako gusto ko lima gusto kong anak. Para Bioman o Maskman o Fiveman o Power Rangers.
choco: Lol. Kaso tatlo lang ang pwede. Kung kaya bang normal gagawin ko e.
cheese: Ayoko namang i-compromise yung life mo para lang magkaroon ng mas maraming anak. In case man na maging well abled tayo financially pwede naman tayong mag-ampon. Nakakatulong pa tayo sa community.
choco: Pwede. Kung gusto mo pwede rin naman tayong magpa-babymaker. At least kadugo mo pa. Basta walang contact.
cheese: Artificial insemination?
choco: Oo.
cheese: Magkano ba ang bayad sa babymaker?
choco: Hundred thousand.
cheese: Like five hundred thousand?
choco: Hindi naman. Mga one hundred thousand to two hundred.
cheese: Ah tapos iba pa yung mga medical checkups at yung bayad sa ospital para sa delivery.
choco: Oo.
cheese: Legal ba yun? Moral issues?
choco: Ang dami ngang gumagawa nun e.
cheese: Basta kung gagawin naten gusto ko maganda yung nanay. Ok lang hindi magandang maganda basta hindi panget. Para maganda yung bata.
choco: LOLZ.

Kanina sa Jeep
February 29, 2012

cheese: Naisip ko lang ayaw ko na magpa-babymaker.
choco: Bakit?
cheese: Para kasing lalabas automatic broken family yung bata.
choco: Bakit naman magiging broken family e kumpleto nga siya sa magulang.
cheese: Isipin mo hindi naman niya kasama yung tunay niyang nanay.
choco: So ibig mong sabihin magsasama din kayo nung nanay nung bata.
cheese: Hindi ganun. Kaya nga ayaw kong ientertain na yung ganun e. Mas mabuti pang mag-ampon kasi yun broken family na yun kasi iniwan na sila ng magulang nila. At yun nga, makakatulong pa tayo.

Comments, suggestions and violent reactions are welcome in the box below.

Advertisements

16 thoughts on “Babymaker

  1. Ah! ito pala yun! Magic cards! May ganyan din yung mga pinsan ko e. Hehe.
    Hmm.. in fairness, mas ok nga yung idea na mag-ampon. Kasi mula sa broken family, kayo yung sama-samang bubuo ng panibagong pamilya. πŸ˜€
    Anyway, pinaka-okay pa rin syempre yung sariling dugo at laman. Hehe.
    Just saying. πŸ™‚

  2. In fairness ah, hang hirap magbasa ng maliliit ang sulat. Copy-paste To Notepad pa -___- Anyway, great idea. Maga-ampon ako para may tagapagmana ako ng kayamanan! πŸ˜€ lol πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s