Status Updates

This too shall PASS.

“A few questions that I need to know
how you could ever hurt me so
I need to know what I’ve done wrong
and how long it’s been going on
Was it that I never paid enough attention?
Or did I not give enough affection?
Not only will your answers keep me sane
but I’ll know never to make the same mistake again
You can tell me to my face or even on the phone
You can write it in a letter, either way, I have to know
Did I never treat you right?
Did I always start the fight?
Either way, I’m going out of my mind
all the answers to my questions
I have to find”

Reality check buhay pa naman ako after two weeks nun malaman ko na 4 years mo ng tinatago. Ang daming nagbago, daming nawala, daming nasira ni hindi ko alam kung paano matatanggap.Maraming nagbigay ng advice, maraming bagay ang naiisip ko. Pero at the end of the day i realize things my kids, my life and everything. Di ako nalulungkot na niloko mo, mas nasasaktan ako kasi hindi ko na alam paano pa ulit ako magtitiwala sayo. Until now naghahanap ako ng sagot sa BAKIT? makita mo man na masaya ko na ok ako pero deep inside andun pa din yun PAIN. Pinili kong mag-stay di dahil ganun pa din ang feelings ko para sayo isipin mo na lang para sa mga bata kaya ko ginagawa ito. Di rason sa akin na “it just happened and i regret it”  ganon lang ba yun sabi mo nga sa akin “suffering is an OPTION happiness is a CHOICE”Di bat mas pinili mo din na masaktan ako, its your CHOICE kahit na alam mo ng ginagawa na lahat para sayo still its not enough. Na kahit alam mo ng ilang beses ko na din naranasan lokohin, Alam mo ba mas pipiliin ko ng magmahal ng may kapansanan basta alam kong FAITHFUL at ako lang ang BABAE sa buhay nya kaysa sa ISANG NORMAL MAY ITSURA NGA pero babaero naman.Nagpapasalamat ako sa mga taong naging concern sa relasyon namin pero siguro ganun talaga ang buhay sa milyong-milyong lalake sa mundo iilan na lang ang nagiging tapat sa mga GF/WIFE nila sa panahon ngayon. Mas malakas siguro ang tawag ng LAMAN kesa sa pagmamahal nila sa kanilang kapareha. Ganun pala yun pag andun ka na sa time na “may mangyayari na sa inyo namemental block bigla ang utak”. Di ako gaganti dahil ang isang pagkakamali di maitatama ng isa pang pagkakamali, tatangapin ko na lang ayoko ng mastress pa sa kakaisip. Beside andyan naman si LORD nagmamatyag, nagbabantay sa bawat kilos at desisyon natin. Isa na lang ang hihingin ko sa kanya mas patatagin pa nya ang loob ko sa mga darating pang problema para sa mga anak ko.

Masasabi kong marami kong natutunan/narealize ngayon sa ginawa mo:

1. LOVE YOURSELF FIRST.

Mas higit ko ng mamahalin at mas papahalagahan ko na ang sarili ko ngayon tama na yun panahon na masyado kitang minahal. Mas iingatan ko ng di masaktan ulit.

2. BE WISER.

Mas gagamitin ko na utak kesa sa puso  kung ano bang mas makakabuti sa sarili ko at sa mga anak ko. Mas magiging aware ako sa mga bagay-bagay.

3. PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN.

Di lahat ng pangako natutupad madalas ginagamit lang yan para di ka magduda para magtiwala ka ng sobra na di lahat ng mga sinasabi eh yun ang totoo. Na yun ang totoong nilalaman ng puso nya.

4. INCREASE MY SELF ESTEEM

meaning oras na para pumayat at ibalik yun dating ako na binaon ko ng matagal ng panahon para sayo na kapag nasasaktan marunong lumaban, alam kung anong gagawin, alam kung saan lulugar, alam kung ano bang halaga ko sa isang relasyon.

5. DON’T EXPECT TO MUCH.

Wag masyadong umaasa na kayo na talaga na di na sya maghahanap ng iba, na ikaw na talaga ang gusto nyang makasama. Ikaw na ang pinili nya vs milyong-milyong babae sa mundo. Lalo na sa mga malalandi may kasabihan nga tayo na “Na kahit gaano ka pa kaganda wala kang laban sa  babaeng MALANDI”

6. RESPECT MYSELF.

Wag masyadong maging down yun tingin sa sarili, mas maging proud kasi alam mo sa sarili mo na wala kang ginagwang masama wala kang nasasaktan. 

7.DI LAHAT HAPPY ENDING ANG STORY.

Sa mga fairytale lang nangyayari ang happy ending, pero sa reality ng kwentong pag-ibig malabo siguro swertihan na lang kung ikaw ang napiling makaranas ng isang happy ending ng love story.

Para sa akin susubukan kong magsimula ulet mas palaban, mas matatag, matured enough. i’ve been broken but im going to pick every pieces and be whole again.


“Most people cheat because they’re paying more attention to what they’re missing rather than what they have.”

Advertisements

6 thoughts on “This too shall PASS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s