News and Information / Travel and Events

The Thing I Dislike The Most About The Philippines

Sumikat yung dalawang viral video na in-upload sa ChannelFix tungkol sa Pilipinas. Yung isa 20 Reasons Why I Dislike the Philippines at yung isa naman e 20 Reasons Why I Love the Philippines. Simple lang, may mga foreigners lang na gumawa ng documentary videos kung ano ang masasabi nila sa Pilipinas. Apparently, makikita namang may katagalan na rin silang namamalagi sa ating bansa base na rin sa mga sinasabi nila at makikita mo sa mga videos na tinutukoy. Isang bad at isang good. Magkaiba man ng papanaw, parehas naman true. Kahit man totoo, kalahati o higit pa rin sa populasyong Pinoy ang aalma at magiging defensive. E sa kung yun yung nakita nung tao, wala naman tayong magagawa sa naranasan niya sa bansa naten. Mas maganda sigurong taggapin na lang ito open mindedly at solusyonan ang problema.

Sa dalawampung nabanggit na pangit, mabaho at tae sa Pilipnas; isa ang pinaka-outstanding para sa akin. Yung Kapkap System.

Ano ba yung Kapkap System?

Ito yung ginagawa sa iyo kapag papasok ka sa isang gusali o establishment. Tinatawag din itong Tusok minsan. Ito ay isinasagawa upang hanapin ang isang bagay na invisible to the naked eye. Invisible kasi hindi mo naman talaga alam kung ano ang hinahanap nila. Hindi mo rin alam kung bakit kailangan yakapin ka sa iyong love handles na parang sinusukat lang ang iyong waist line o kaya ang iyong body fat ratio sa iyong bilbil.

Kung isa akong terrorista katulad ng mga MILF (hindi ito yung makikita sa mga porn sites), pwede kong bombahin ang mga matataong lugar katulad na lang ng araw araw kong dinadaan (sinasakyan) na MRT. Pagpasok mo palang, tusok tusok kapkap shoot ka na sa loob. Sa ganung klase pa lang, pwede na akong makapagpasok ng bombang C4 na parang Play Doh lang. Pwedeng pwede itago kung saan mang bulsa ng bag o kaya kahit pa sa ilalim ng sapatos.

C4 Explosive. Googled image.

Kahit pa siguro patalim o kaya naman maliit na baril ay hindi made-detect ng ganitong sistema. Katulad na lang ni ate na namasyal sa SM at naisagawa ang pakay gamit ang maliit na baril. Ang resulta, waste of time at money lang ang sistema na ito. Kung hindi lang rin naman naten alam kung ano ang dapat i-check e di huwag na lang i-check. Minsan nagiging dahilan pa ito para ma-late ang mga tao sa pupuntahan nila katulad ko. Mas magiging mura pa ata ang ibabayad sa pagpapakain ng isang trained dog kesa sa ipapasweldo sa taga-kapkap.

Katulad ng dati at palagi na lang, hihigpit lang ang seguridad kapag may nangyaring malaking insidente. Mukhang naghihintay na naman tayo ng isang malaking pasabog bago tayo umaksyon. Hindi ko tinutuligsa ang katauhan sa ilalim ng puting uniporme at pantalong navy blue. Ang dapat puntiryahin dyan e yung sistemang nakasanayan. Wala sigurong problema kahit sobrang haba ng pila o ubos oras ang pagpasok sa isang mall kung alam mo naman na may sense ang ginagawa ng mga nagtse-check sa iyo. Ang magiging problema lang siguro dito e yung ‘gastos’. Katulad na lang ng pagbili ng mga metal detectors (lalo na yung malalaki) at pag-aalaga ng bomb sniffing dogs.

Pero isipin naten kung ano mas magastos, yung pagbabago sa seguridad o yung buhay at ari-arian na mawawala tapos may bonus pang kahihiyan sa ibang bansa?

It’s more fun in the Philippines!

*UPDATE*

May inupload na public apology (video) yung gumawa ng video about 20 Things I Dislike The Philippines. Nakakahiya ito bilang isang Pinoy. Kagaguhan. Here's the link to the video - http://www.channelfix.com/video/286/

Advertisements

12 thoughts on “The Thing I Dislike The Most About The Philippines

  1. Di ko din makita yung safety sa kapkap system, parang ginawa lang sya para abalahin yung mga pumapsok sa mall,kelangan huminto ng buhay mo ng mga ilang segundo para lang buksan yung bag mo, na alam mo nanamng gingawa nila dahil SOP yun, pero hindi para sa safety mo. Galit ako. I mean GALIT capital letters.

  2. Nagkakahigpitan lamang naman kapag may nangyari na talagang ikinapahamak ng mga tao, pagkatapos non balik na sa dating gawi. Tusok at Kapkapan System.Ipinakikita nito na madami pa tayong kakulangan na siyang ibinabato sa atin ng ibang lahi.

    Pero madami pa ding dapat na purihin sa Pilipinas, ‘yon nga lamang, natatabunan ng mas hindi kaayaaya.

    Nga pala Sir, ilang bese ko na po kayong nakakasabay sa MRT. Partikular na sa North Avenue Station. Nice meeting you ho. 🙂

  3. ..sa totoo lang tama ka..walang kwenta security dito sa Pinas.. Ipinagmamalaki ng gobyerno natin na pinondohan nila ng malaki ang mga ahensiya na kumakatawan sa ating seguridad para mas paigtingin nil ang kanilang sebisyo pero mukhang wala din namang malakingpagbabago. Isang pang halimbawa ay ang pinagyayabang nila na mga Hi-Tech na cctv camera nga ngayo’y kakaunti na lamang ang gumagana..wow Hi-tech eh konting ulan lang sira na..ahmp… Ngunit sa kabilang dako, mayroon din naman na mga benepisyo tayong nakukuha dahil doon, kasi madami nang kaso ang naresolba ng mg cctv. 🙂

  4. Sa dami nga ng mga magagandang bagay at lugay dito sa pinas, huwag sana maubos at masayang gawa ng komersyalismo at pananamantala ng mga malalaking negosyante. Huwag sanang pera-pera lang ang umiral.

    Naalala ko tuloy yung mga robot sa mall at mrt. Opo, robot ang tawag ko kasi, automatic yung mga kamay nilang may hawak na stick na tutusok sa loob ng bag at kakapkap sa bewang kahit na hindi nakatingin sa kinakapa at nakikipagkwentuhan sila sa mga kasama nilang guwardya,

    Ayus!

  5. Pakitang tao lang ang kapkap system para kunwari may ginagawa ang may-ari/security staff ng establishment sa safety ng mga customer kahit wala naman talaga. Maaring mabigyan ng konting kapanatagan ang mga customer pero di yun dahilan para maging sobrang kampante kasi di natin alam kung kelan may masamang mangyayari. Ingat-ingat na lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s