Food / News and Information / TV and Movies

Tokyo Tokyo Baa Gaa

Walang kinalaman ang post na ito sa Baa Gaa (Burgers) ng Tokyo Tokyo dahil hindi pa ako nakakatikim ng mga ito. Wala rin itong kinalaman sa hindi pagkagusto ni Jho na kumain ng Shitake mushroom. Kung mayroon man itong kinalaman sa kung ano man, ito yung kung bakit maunlad ang bansang Hapon (Japan). Kita mo yung kunek?

Ang imaheng ito ay kinuha ng walang paalam sa http://styleandrelax.blogspot.com/2012/02/memoirs-of-tokyo-tokyos-baa-gaa.html (i-click lang ang imahe)

Naalala ko kasi yung leadership training namin dati. Isa sa mga naibahaging trivia sa amin nung facilitator e yung kung bakit successful ang Japan. Sabi niya, nalaman daw niya ito dahil sa pagkapadpad niya sa bansang natutukoy. Hindi ko lang alam kung drawing lang ang lahat ng mga pinagsasabi niya para lang makuha ang aming atensyon. Sobra kasing antok ko nun dahil straight mula sa night shift work tapos training kinaumagahan. Ang mahuhuling pang maghihikab noon e may punishment na sasayaw sa harap ng ‘klase’. Kaya alam na, sumayaw ako at isa pang napahikab ng Pearly Shells. Yun nga lang hindi rin naman nakakasama na malaman ang mga ito. Dalawa yung naibahagi niyang kaalaman tungkol dito at yung dalawang huli e naisip o nalaman ko lang din.

1. Kung nagtatrabaho ka kunyari sa PROMAC o kaya naman isang kumpanya na gumagawa ng consumer electronics. Kung magkakaroon ka ng pera para makabili ng kahit anong TV na nanaisin mo, anong brand ang bibilhin mo? Malamang 95% sa atin ay bibili na lamang ng TV na gawa ng SONY o SAMSUNG. Pero kung isa ka daw Hapones, PROMAC na TV pa rin ang bibilhin mo. Kasi sa pagtulong mo sa kumpanyang pinagsisilbihan mo, ito ay aangat at sa bandang huli e ikaw din ang makikinabang. Win-win situation ika nga. Pwede rin nating tawagin ito na pagtangkilik sa sariling atin. Yun nga lang sa katotohanan e marami sa atin ang hindi ito ginagawa.

2. Bawal daw magkamali ang mga Hapones. Tayo, ang sasabihin naten ay ganito: ‘Tao lang tayo kaya tayo nagkakamali’. Bakit nga ba perfectionist ang mga Hapon sa pagkakamali? Isa lang ang sagot: Mistakes costs lives. Alam kong sasang-ayon ka na dahil sa isang pagkakamali kaya nagkaroon tayo ng pelikulang Titanic na ngayon ay may 3D version. Isang pagkakamali din ang nagiging ugat ng pagbagsak ng mga sasakyang panghimpapawid o kaya naman simpleng disgrasya sa kakalsadahan. Kaya ang siste e bata pa lang ang mga hapon, tinuturuan na silang huwag magkamali. Paano? Walang pambura sa dulo ang lapis nila.

3. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ito pero ang pagkakatanda ko e bawal daw ang emergency leave sa kanila. Kahit pa may sakit o tuluyang naboljak ang isang kamag-anak, hindi mo daw pwedeng iwan yung trabaho mo. Workaholic mode daw sila. Hindi ko masyadong ma-gets pero ang thinking e, nakasalalay sa trabaho mo yung ikabubuhay ng pamilya mo kaya mas importante daw ang trabaho kesa pa sa pamilya mo.

4. Kunyari isa akong opisyal ng gobyerno tapos uutusan kita na magpakamatay. Gagawin mo ba? Paano kung ako si PNoy o isang dating presidente ng Pilipinas? Ayaw mo pa din ba? Isipin na lang natin na ginawa ito ng mga pilotong hapon noong World War 2. Dahil dito kaya nga may pelikulang Pearl Harbor at bandang Kamikazee. Ganoon na lang nila pinapahalagahan ang kanilang bansa at kanilang karangalan hanggang kamatayan.

Advertisements

One thought on “Tokyo Tokyo Baa Gaa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s