Life and Family

Para sa mga Taga-Ilog

Dear Taga-Ilog 1,

Noong una pa mang panahon, nauso yung mga kamkaman ng lupa. Kaya tuloy ang mga magsasakang Pilipino sa nayon e habang buhay na nagbubungkal ng lupang hindi kanila. Dito naman sa mga lungsod, marami ang mga tinatawag nating mga skwater na sumulpot na lang sa kung saan. Kaya ganun na lamang ang kabi-kabilang demolisyon na mga larawan ay makikita sa mga social networking sites katulad ng Facebook. Nakakagimbal at nakakaawa ang mga larawang ito.

Kung nakakaawa man ang mga taong ito, nakakaawa rin naman ang mga taong may kaya o higit pa. Bakit? Kasi sila yung mga legal na nagmamay-ari ng mga lupang ito na maaaring bigla na lang sinakop ng sinuman. Sila yung mga nagpursige upang umangat sa buhay at makuha ang kaukulang ari-arian sa pamamagitan ng salaping galing sa kanilang patitiyaga. Sila rin yung taon taon nagbabayad ng mga kaukulang buwis para rito.

Ayon na rin sa mga argumentong nabanggit sa itaas, walang karapatan ang sinuman na hadlangan ang anumang nais ng taong legal na nagmamay-ari ng isang ari-arian basta’t umaalinsunod ito sa mga panuntunan ng batas. Sa mas payak na pananalita: “Wala kang karapatan sa kung anuman ang gusto naming gawin sa pera at ari-arian namin. Hindi naman kami humihingi sa iyo.”

Dear Taga-Ilog 2,

Naaalala ko pa ang mga panahon na nasa mataas na antas kayo ng buhay. Yun nga lang, dahil na rin sa pag-ikot ng gulong ng buhay, nagbago ang lahat.

Hindi ko alam kung saan nagsimula ito. Ang alam ko lang, umiral ang pride at pagka-inggit sa puso. Narinig ko pa na noon, anumang pagkain na galing sa ibang tao ay hindi ninyo buong tinatanggap at magiging pagkain na lamang ng inyong alagang mga aso. Ngayon, namamayat na kayo dahil sa walang makain. Sa totoo lang, naaawa nga ang mga magulang ko sa inyo ngayon. Kahit pa sa dami ng atraso ninyo sa amin. Katulad na lang ng paluin mo ng bote ng beer sa ulo ang nanay ko noon. Kahit pa ganoon, tuwing may handaan sa amin, naiisip pa rin nyang bigyan kayo ng handang pagkain.

Huwag na lang sanang umabot sa puntong mabaliw ka sa dami ng iyong problema at mga pagkakautang. With all sincerity, sana makabangon ka pa rin sa bangin na ikaw rin mismo ang humukay. Huwag mo rin sanang kalimutan na “Humility is the mother of all virtues”.

PS: Hindi ibig sabihin na kung ang isang tao ay hindi masyadong nagsasalita, isnabero na agad. Hindi ibig sabihin na kung ang isang tao ay hindi palabati, mayabang na. Alam nyo ba yung tinatawag na ‘personality’? Hindi ako libro, so don’t judge me on my cover.

PS2: Hindi ko tinagalog ang salitang ‘Dear …’ kasi ang direktang pagsasalin dito (bilang paggamit na rin sa liham) ay ‘Mahal Kong …’. Hindi bagay.

PS3: Sana manalo na ako sa Playoffs ng NBA2K12. Ang lakas kasi ng Miami Heat sa game na to. Na-trade pa sa kanila for PF si Kirilenko. Lol.

Gumagalang,
cheese

Advertisements

2 thoughts on “Para sa mga Taga-Ilog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s