Life and Family / Personal Musings

BORED KA?MAS BORED AKO SAYO.

Natapos naman ang araw na parang di sapat parang ang daming kulang, tamang soundtrip lang tapos maulan pa, ewan ko ba bat ganito ang  feeling ko samantalang dati naman kuntento ako sa mga nagagawa ko sa bahay, sa mga bata.Daig ko pa ang may sapi ngayon ,Pero ngayon iba talaga ang pakiramdam ko as in ibang-iba talaga may hinahanap ako may gusto akong gawin na dapat matagal ko ng ginawa. For the past 5 years naging devoted ako na pagsilbihan ang pamilya ko as in wala ng balak pang magtrabaho, nakuntento ako na nasa loob lang ng bahay dahil akala ko yun ang tama. Akala ko dapat sa kanila lang iikot yun mundo mo na hindi mo na kailangan ng ibang tao dahil andyan naman ang pamilya mo. Suddenly narealize ko na di pala dapat ganon dahil darating yun time na magkakaproblema, malulungkot at kailangan ko ng taong masasandalan makakausap etc. Alam mo yun pakiramdam na may gusto kang mabago or baguhin hindi ko nga lang matukoy kung ano.Naguguluhan din ako sa sarili ko ngayon, Dati masaya ako sa mga ginagawa ko kahit paulit-ulit pa, ngayon di ko na alam parang ayaw ko ng gawin. Nawalan ako ng gana dahil na din sa mga pangyayaring di ko inaasahan, nababawasan na din ang pagiging malambing ako di dahil galit ako or kahit ano pa man yun it’s just that im starting to get BORED as in BORED NA BORED na ako. Minsan gusto ko nalang umalis lumayo kahit saglit para makapag-isip makapagnilay-nilay na din.Sino nga bang makakaintindi? Minsan gusto ko na lang umiyak ng umiyak baka sakaling may makuha akong sagot. Or baka naman kulang lang ako sa paligo at nagiging emotera ako? Minsan gusto kong sabihan sya na surprise mo naman ako regaluhan mo naman ako kahit isang bulaklak lang o kaya mag-effort ka naman na bigyan ako ng something na matutuwa ako. Lagyan mo na din ng simpleng note na “THANKYOU” Para naman kahit paano maramdaman kong nag-eexist ka pala at may nag-appreciate ng mga gingawa ko. Di yun tatanungin ako kung anong gusto ko di sana ako na lang nagregalo sa sarili ko.

Kanina dapat pupunta ako ng mall para mamili ng mga gamit ng bata para sa school at the same time makapag relax na din kaso di natuloy. Bakit? dahil sabi nya bukas na lang ako umalis. Ikaw ba naman mag-saway sa mga bata buong araw, tapos gawiin bahay after nun konting internet after that wala nang magawa. Ganito ang buhay ko simula umaga hangang gabi “bili ng almusal – kain – hugas -pahinga – internet – luto ng lunch- hugas ulit – higa – nood t.v -tulog ng konti -bangon linis ng bahay – luto ng dinner – kain  – hugas – t.v ulit -tulog na, Nababagot na talaga ako di makatulog  naririnig ko ang pintig ng puso ko nag-iisip pa rin ng kung ano-ano. Parang pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala pa akong ginagawa mas nakakapagod ang walang ginagawa, mahirap din kasi ipaintindi sa iba yun gusto ko. Isang malalim na buntong-hininga……………. Gusto kong ipamper sarili ko walang budget at laging walang oras para kong de-susing robot may limit lahat. Nagsisimula na akong  massakal na ko sa environment ko nahihirapang huminga, di kasi ako ang tipong vocal person. Sana minsan hayaan akong gawin yun gusto ko na mag-isa di yun sasabihan ako na “magwoworry ako kaya ganon etc…..  Unang-una walang akong gagawin “KALOKOHAN”  (mag-kaiba tayo) kung ano yun ginawa mo before asahan mong di ako katulad sayo. ALAM MO YUN  “GUSTO KONG MAG-EXPLORER”, get’s mo?

Advertisements

7 thoughts on “BORED KA?MAS BORED AKO SAYO.

  1. i felt you.,.. bored na bored na bored na bored na rin ako sa life kong uuuber routinary 😦

    pero wala eh,

    tina-try ko na lang mag survive each day….

    naghahanap ng mapaglilibangan…

    gumawa ka ng mga new simple things na gusto mong gawin…tapos, gawin mo… step by step… 🙂

    WE ALL DESERVE TO BE HAPPY ^_^

    sabi nga sa Dunkin Donuts, “Go ahead, spoil yourself a little”.

    • ako naman kasi nabored since may umamin na di ko ineexpect well, its time na sarili ko naman ang isipin ko. dahil sa dunkin donuts naalala ko yun insidente sa mall na nag-kagulo ang crew at ang customer with matching bato ng silya si customer sa crew. i know “I DESERVE TO BE HAPPY” problem is walang makapagbigay sa akin nun at kailangan ko pang hagilapin atleast i have friends and may kids kahit paano kuntento na ako 🙂

  2. Pingback: Bakit Dapat Magtrabaho na si Jonalyn « Say Cheese!

  3. hello, cheese… hmnn, tunog stream of consciousness ang panulat na ire, ahihi. 😉 hala, i watched the video. ito pala ang group ni sandara (oo, ako ang late lagi sa balita, hihi). maganda ang kanta, maganda ang melody maski ang naintindihan ko lang, i’m so lonely, lonely, lonely, hakhak. in fairness, maganda ang pag-blend ng voice ni sandara, kanyang voice ang soft…

    di ko sya nasundan maski noong andito pa sya. am glad for her, may career sya in her own country. haha, may gano’ng opinyon? 😉

    have a happy weekend, kapatid… 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s