Personal Musings

Walang Sense

Araw araw may mga nagbabagang balita. Natalo si Pacquiao. Nandaya daw si Bradley. Either way, nanalo si Bob Arum. Nahimatay si Mommy D. Nanalo sa game 1 ang Oklahoma at mamaya ang game 2. Nag-endorse si Harden ng Gillette. May mga nalunod na kalabaw. May na-rape. May ninakawan. May pinatay. At huli, Independence Day nung isang araw.

Sa pagka-busy ko sa kung anu-anong mga bagay, may kwenta man o wala, e wala na sana akong balak mag-post tungkol sa Araw ng Kalayaan. Dahil sa pagka-busy na ito, hindi tuloy ako naka-pagpasa kay JKulisap ng entry. Ang totoo gumawa ako, kaso nakalagay sa alituntunin e sanaysay at yung sa akin ay tula. Pero ang late, late. Walang excuses. Papasok kanina, nakita ko ang display sa SM North na isang Panaflex na watawat ng Pilipinas. Dahil dun nagka-post ako.

Hindi ko sigurado pero tayo lang ata ang bansang may watawat na may dalawang mode. Merong peace mode at war mode. Kapag yung bughaw ang nasa taas, ibig sabihin relax lang. Kapag yung pula naman, malamang yung may hawak nun e may mga kasamang M1 Garrand. Bakit nga ba kailangan may war mode? Sadya bang matapang ang mga pinoy o mahilig lang tayo sa gulo? Bakit ang U.S. mahilig sa gulo pero hindi naman nagiging puti yung pula at nagiging pula yung puti.

Sana pumasa sa Philippine National Historical Institute ang doodle ko.

Naalala ko tuloy dati na may mga gusto pang papalitan ang disenyo ng watawat natin pati na rin ang pangalan ng Pilipinas. Ano kayang pumasok sa isip nila? Bakit pa kailangang palitan. Ngayon nga lang hindi natin ginagalang ito. Tuwing pinapalabas sa sinehan ang pambansang awit ng Pilipinas, mas marami pa yung hindi naglalagay ng mga kanang kamay sa kaliwang dibdib. Dun pa lang, malalaman mo na kung gaano ba kamahal ng mga Pilipino ang bansa niya.

Balik tayo sa kalayaan. Tuwing sasapit ang Independence Day, lagi na lang ang tanong e kung talagang malaya na ba tayo? Ang sagot ko e, hindi. Oo, hindi. O diba hindi. At naniniwala akong kailan man hindi magiging. Sabi nga ni Pepe, ito ay kanser ng lipunan. Stage 99 na ito na kanser. Sino ba ang kanser ng lipunan? Walang iba kung hindi ikaw, ako, sila at tayo; mga Pilipino.

Hindi mo na kasi mababago ang pagkatao naten. Tayong mga Pilipino kasi ay kilala bilang mga taong masayahin sa kabila ng mga kahirapan sa buhay (kaya kahit walang makain e patuloy ang paggawa ng mga bata), sa pagiging hospitable (kaya marami tayong nurse at GRO), sa pagiging maka-pamilya (kaya may mga kumakaliwa at nangbabahay), sa pagiging masipag at matiyaga (katulad ng mga OFWs) at pagiging relihiyoso (kaya maraming iba’t ibang relihiyon pati kulto). Note: They are really our best traits, side comments are for pun.

Yun nga lang, tayo rin ay manloloko, walang malasakit sa kapwa, sakim sa kayamanan at kapangyarihan at walang disiplina. At may pahabol pa, defensive. Ayaw nating tanggapin na may mali sa atin. Imbes na ayusin o baguhin ang sarili, ipagtatanggol pa at sasabihin walang basehan ang panghuhusga.

Kung gusto talaga nating may mabago sa bansa naten, mag-simula tayo sa sarili natin. Hindi yung magtuturo tayo ng ibang tao. Sinisisi natin ang gobyerno pero tayo rin ang bumuboto sa kanila. Nagrereklamo tayo tungkol sa graft and corruption pero mahilig tayo sa lagay at padulas. Galit tayo sa smuggling pero sinusuportahan natin ang mga counterfeit items at piracy. Sinisira natin ang kalikasan tapos magrereklamo tayo sa mga natural calamities. Marami pang pwedeng halimbawa. Kung gusto nating dumaan sa tamang daan, huwag tayong sumabay sa agos. Dead fishes go with the flow. Gawin mo kung ano yung tama at mabuti.

Hindi ko na alam kung anong sense nito. Oh well.

Advertisements

10 thoughts on “Walang Sense

  1. Napaisip ako dun sa Peace at War Mode ng ating watawat, parang switch lang may on and off :D. Pero ang totoo dapat nga everyday naka War Mode ang watawat natin dahil sa araw-araw nating pakikipagbakbakan sa kahirapan. Sabi nila ang Pinoy aalma lang pag apektado siya pero pag hindi wapakels, kikilos lang kung uudyukan ng simbahan, artistang hinahangaan, at kung marami na talaga ang umaayon eh aayon na rin, parang fashionista, kung ano ang uso gow ng gow! Kaya ikaw JC magbago ka na, wag maging reklamador, wag manisi, at wag bumoto ng mga trapo, at lalo ng wag maglalagay pag di ka tumawid sa tamang tawiran ahihihi. Seriously, napapanahon ang post mo, yung koment ko lang talaga ang walang sense hahaha

  2. “Dead fishes go with the flow.” ….tama! but we are still alive and we’re barely breathing… ♪♫
    kaya may pag-asa pa ang bayan natin basta’t magsimula lang tayong magbago from ourselves then to our country na rin 🙂
    tink pasitib, wag kang aayaw!

    #angwalangsensenakomento.bow!

  3. tama, dapat ang sarili muna natin ang baguhin para mabago ang pilipinas. Pero kaya ba ng lahat yun? marami eh masaya sa pangloloko nila.

  4. Pingback: Root-Cause Analysis | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s