Food / Life and Family / Personal Musings / Pictures

Walang Sense Din

Nagkataon lang pero nagka-sequel pala yung last post ko at ito yun. It was a rainy (or stormy) Sunday night when I asked my family to dine out to spend the Father’s day.

Nagpunta kami sa SM North para lang mag-dinner sa Peri-Peri. I-try ko sana yung cheesecake nila as per Ayla’s suggestion pero unfortunately walang dessert menu ang Peri-Peri sa SM North. Syempre bukod yun sa roasted chicken nila na main menu nila. Kapag pumasok ka may biglang sisigaw ng “Ola! Ola! Senora Dora!” (lol di ko na maalala ang exact words). Nung umoorder ako nagkamali pa ako nagpagorder ng flavor ng chicken sa ordertaker na kamukhang kamukha ni Toni Gonzaga. Imbes na “Lemon and Garlic” kasi, ang nasabi ko “Lemon and Grass”. Feeling ko nagpigil lang ng tawa si Toni. Sayang dapat pala nagpa-picture ako sa kanya para may proof.

Personally, I suggest getting the Lemon and Garlic tapos lagyan mo na lang ng spicy sauce kesa sa Spicy flavor. Mas malasa kasi yung nauna, daanin mo na lang sa sauce yung anghang.

Pauwi na kami ng kasagsagan ng lakas ng ulan. Dahil na rin wala kaming sariling sasakyan (dahil mahirap lang kami), kaya kailangan naming mag-abang ng taxi. Kapag nagmo-mall kami, iniiwasan namin yung umabot ng gabi. Dun kasi mahaba ang pila ng mga pasaherong nakapila sa taxi bay. Since andun na kami, kaya kailangang bunuuin ang pagpila.

Mga gremlins sa ulan. Yung kapag nababasa e nagiging evil at dumadami.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang paglabas ng mga gremlins. Yung mga taxi drivers na hindi pumipila at yung mga pasaherong ayaw pumila. Alam naman natin na kung malakas ang ulan, may ilang mga taxi drivers ang tine-take advantage ang mga ganitong sitwasyon para magpatong ng malaking dagdag o mangontrata sa mga pasaherong umiiwas sa mahabang pila. Gayun din, ito namang mga ayaw pumila e gumagawa ng kani-kanilang diskarte para makasakay agad. Ang alam ko, magkaiba nag madiskarte sa magulang. Sa atin lang ata may masamang kahulugan ang salitang “parent” lol. Dito pa lang, makikita mo na ayaw natin sa kaayusan at disiplina. Hindi ko tuloy maiwasan maikumpara ang Pilipinas sa ibang lugar. Bakit sa kanila ganito, bakit sa atin hindi.

Malayo pa ang umaga, hindi matanaw ang pag-asa.

Siguro iniisip mo na nagiging hater na ako ng mga Pinoy. Ang masasabi ko lang e, isa ako dun sa mga Pilipinong pinilit sumunod sa ayos at pumila sa taxi bay ng mahigit sa isang oras bago nakasakay pauwi.

Advertisements

12 thoughts on “Walang Sense Din

  1. Looks really yummy. Is the taste better than Mang Inasal’s Chicken? When I was there, I loved to eat at that restaurant. The chicken was really good.

    • I don’t know how to compare the two but i guess peri-peri has a little advantage on the flavor side but mang inasal wins hands down on affordability and the fact that you have unlimited rice. Even my balik bayan mother in law loved it.

  2. hello, cheesecake… ikaw ang law-avoiding errr, law-abiding citizen, yo! kakainis nga sa taxi bay, parang three years bago maksakay, hihihi. hey, manong, mag-New Year post ka po. this week dapat, demanding ako, hahaha. Happy New Year! cheers 😉

  3. Pingback: Shoe Mart Strike Three | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s