Life and Family / Personal Musings

HAPPY FATHER’S DAY!

Eto lang yun nag-iisang picture ni Papa na meron kami.

Istorya #1

Kakauwi lang galing school sanay na syang naiiwan mag-isa sa bahay hanggang gabi dahil kampante naman ang mga magulang nya na wala naman pwedeng mangyari sa kanya.Busy sa pagtatrabaho sa isang goverment ang nanay nya samantalang isang kagawad naman ang tatay nya, nag-iisang anak at nasa middle class ng pamumuhay sila.Sabihin na natin isa syang spoiled brat, nakukuha nya kahit anong gusto nya pero pag umaabuso na sya kamay na bakal ang katapat nya, Wala silang katulong kaya sanay sya sa gawain bahay naghuhugas,naglilinis at nagluluto ng sariling pagkain nya. Dahil uso noon ang “kamay na bakal sa bahay” bawal sumagot sa magulang oras na nagkamali ka ng sagot o pabalang pihadong dudugo ang bibig mo kung di man mamamantal ang pwet sa palo ng sinturon o kaya papaluhurin ka sa munggo o asin.Kung lalabas ng bahay dapat alas-kwatro pa lang ng hapon nasa loob ka ng bahay kung ayaw mong makaladkad pauwi. Isang araw di inaasahan pangyayari ang magaganap……
alas-dos ng hapon may kumakatok sa gate nila, nasa kwarto sya ng bahay nanonood ng t.v di na sana nya lalabasin dahil tinatamad sya pero naisip nya baka importante yun kaya sinilip nya sa bintana. May isang lalakeng nakatayo kilala naman nya iyon pero nun mga oras na iyon parang iba ang pakiramdam nya sa tao. tanong nya “bakit ho?anong pong kailangan nyo? sagot nung lalaki” labas ka dyan may hihiramin sana ako”.Lumabas sya hanggang gate “ano po yun hihiramin nyo? wala ho kasi sila Papa dito”.Ini-estima nya ang itsura nun lalaki namumula ang mata tipong bangag naman sa droga dun na sya lalong kinabahan pero di nya pinakitang nakakaramdam na sya ng di maganda.”Hihiram sana ako ng liha kung meron kayo”,sa isip-isip nya liha lang wala sila napaka imposible kasi gumagawa ng sasakyan tatay nya.Sinabi na lang nya dun sa lalaki “wala ho kaming ganon kung meron man di ko po alam san nakalagay” tumalikod na sya para pumasok sa bahay pero nagulat sya nun biglang na lang din pumasok si lalake hanggang front door ng bahay nila  “teka lang,may sasabihin sana ako baka pwede tayong pumasok sa loob ng bahay nyo”.Teka bat kailangan pang sa loob ng bahay pwede naman nyang sabihin dito sa labas mabuti na lang mas naging alerto ang isip nya ng mga oras na iyon.“ano yun sasabihin mo?pwede naman dito na lang and bawal magpapasok sa bahay namin” kinakabahan na sya ng bonggang-bongga na kulang na lang lumuwa na ang puso nya sa takot.Pero pursigido talaga si lalaki “sige na,saglit lang naman yun sasabihin ko sa iyo”.Nag-iisip sya ng pwedeng gawin hanggang sa mabilis syang kumilos kahit walang tsinelas at mainit ang semento nagmamadali syang lumabas makalayo man lang kahit paano sa lalaking adik.Di sya pumasok ng bahay hangga’t andun pa din sya makalipas ang halos bente minuto umalis din yun lalaki.Saka sya nagmamadaling pumasok sa bahay dahil sa takot napakuha sya ng kutsilyo at nagkulong sa kwarto umiiyak sa takot at nagdadasal na sana umuwi na ang mga magulang nya.Di pa uso nun ang cp, telepono naman napakatagal ng naka-file ang application sa PLDT.Eto na ang pinaka aabangan eksena,pagkadating ng nanay nya agad nyang sinabi ang mga nangyari after ng ilang minuto saka naman dumating ang tatay nya at halos wala pa sa kalahati ng kinukwento agad kinuha ang .45 baril mula sa bag nya at walang pakundangan sinugod ang bahay nun lalaking nagpupumilit pumasok kanina.“ILABAS NYO YAN PUTANG-INA NYONG ANAK!” nasa labas na sila lahat ultimo pati kapit-bahay nilang si attorney nabulabog sa kaguluhan.Di na maawat sa galit ang tatay hawak pa rin ang baril,nagtataka naman lumabas ang mga magulang at kapatid nun lalaki “KAGAWAD,ANO BANG PROBLEMA?MAPAG-UUSAPAN NAMAN ITO NG MAAYOS,TAWAGIN MO NGA SI xxxxxx”.Dun nya lang nakitang ganon magalet ang tatay nya tipong papatay talaga ng tao.“YANG HAYOP MONG ANAK NAGPUPUMILIT PUMASOK SA BAHAY KO KANINA,BANGAG NA NAMAN SA DROGA”.Dumating din ang pinaka bida ng kwento “BAKIT PO NYO KO HINAHANAP?”.”NAGTATANONG KA PANG TARANTADO KA,ALAM MO YUN GINAWA MO SA ANAK KO,PUTANG-INA,GXXXX MAGKAKABILIHAN TAYO NG BUHAY ORAS NA GINALAW MO ANAK KO.” Naghihysterical na ang nanay nun lalaki “KGWD,WAG NAMAN GANYAN ANO BA KASING GINAWA MO KAY JXXXX?”.Humarang na ang magulang nya para protektahan sya “WALA NAMAN AKONG GINAWA SA KANYA?”,“ANONG WALA NAGSUMBONG ANG ANAK KO NA NANGHIHIRAM KA NG LIHA AT NAGPUPUMILIT KA PANG PUMASOK”.Magkatabi naman ang mag-inang babae “TAHAN NA, DI KA NYA MALALAPITAN ULIT”.Akala ng lahat dadaknak ang dugo ng mga oras na iyon,“SA SUSUNOD NA ULITIN MO YUN GINAWA MO SISIGURUHIN KONG MAGKAKAROON KA NG KALALAGYAN”.Dun natapos ang eksena……..pero after nun marami pang nabikta yun lalaki : katulong nila attorney nasaksak nya,yun batang anak ng kumpare ni KGWD,isa pang katulong ng kapit-bahay nila.Ang malupit until now nakakalaya pa rin ang lalaking ito dun sa lugar.

ISTORYA #2

Di nya inaasahan na malalate sya ng uwi,at di rin nya expected na may mga tambay sa kanto nila malapit sa h-way saan nga ba sya galing at inabot ng ganitong dis-oras.Lagot sya oras na naunang umuwi si Papa nya, kaya halos lakad takbo ang gawin di naman sya hinarang nun mga kabataan tambay pero yun isa nagsalita “Miss,hatid na kita” sabay tawanan ng mga kasama nun tambay.Di na lang sya sumagot at nagmamadaling maglakad pero di pa din sya tinantanan yun isa lumapit pa at pabiro pang sabi “akin na yang gamit mo ako na magdadala”.Nagsisimula na syang mairita pero mas nangibabaw na maunahan nyang makauwi Papa nya kung hindi maghahalo ang balat sa tinalupan.Pwede bang tigilan na ninyo ako nagmamadali ako wala akong oras makipaglokohan sa inyo iyan ang mga gusto nyang isambulat sa mga pagmumukha ng mga tambay.First time nyang maka-encounter ng ganon mabuti na lang pagkauwi nya wala pa ang Papa nya,ilang saglit lang saka dumating ang tatay nya nakwento nya yun mga tambay sa kanta ang mga pagtritrip na ginawa sa kanya.Kung gaano kabilis dumating ang Papa nya ganun din kabilis ang pag-alis nun nalaman ang nangyari.Di na nya alam kung saan nagpunta o kung anong ginawa ng Papa nya.Pero after nun wala ng tambay sa kanto at di na naulit yun pangtritrip sa kanya.

ISTORYA #3:

Nun college day pag mahaba ang break mga tipong 2-3 hour bago ang next subject ugali na nilang magkakaibigan ang tumambay sa kung sino man sa kanila ang malapit ang bahay.Matutulog o kaya naman mag-rereview kung may quiz man.Nagkataon na sa amin nag ayang mag-stay isang sakay lang naman papauntang school.Dahil wala naman kaming katulong kaya kanya-kanya kaming bili ng pagkain nagkayayaan pumunta malapit sa palengke.Naglalakad na kami nang nagkataon na may mga estudyanteng nag-cutting sa klase at nakatambay sa tindahan.Malakas silang mang-trip “Sige nga hawakan mo yun buhok o kaya sa tenga” sabay tawanan.Nun pabalik na kami akala namin wala na sila pero nagkamali kami talagang inaabangan kami at inuurat bumili kami kung saan sila nakatambay mukhang highschool pa lang pero maangas ang dating maski yun mga babaeng kasama nila.Di ko na matiis nagsalita na ko“tatakbong kagawad ang Papa ko,sabagay lagi naman syang #1 sa nananalo eh”.Di pa nakuntento ang estudyante blues at nagyosi pa with matching buga ng usok sa amin at humalakhak na parang bruha.Sinasagad talaga pasensya namin ang isa kong barkada bumili din ng yosi at binugahan din sila,may nangantyaw sa grupo ng pasaway “hawakan ang tenga tignan natin kung papalag”.Yun isa kong barkada nag-aaya ng umalis umiwas na lang daw kami para wala ng gulo.Kapag naabutan ko ang Papa ko tignan natin kung sino hahalakhak ng bongga.Nasaktuhan naman namin si Papa at agad akong nag-sumbong wala pang isang segundo pinuntahan agad niya yun mga nang-trip sa amin.Pag pasok namin sa school wala na yun mga pasaway mabuti nga sa kanila.

ISTORYA #4

Maulan at malakas ang mga kulog natural sa isang bata ang matatakutin sa sa kidlat/kulog madalas pang mawalan ng kuryente.Inaapoy ng lagnat ang batang babae kumatok sya sa kwarto ng magulang nya,ang tatay nya ang nagbukas ng pinto “Papa, nilalagnat po ako di ako makatulog natatakot po ako sa kidlat”.Niyakap sya at binuhat nakakandong sya sa tatay nya “sige na subukan mo ng matulog babantayan kita” mag-damag na ganon ang pwesto nila.Kapag kumidlat bigla nalang magigising ang bata pero ipaghehele sya ng tatay nya para makatulog ulit.Di na alam ng bata kung gaano katagal syang nakakandong sa tatay nya pero payapa na ang tulog nya sa ganon pwesto.Nagising na lang syang nakahiga na sa kama at nakakumot pa.Wala na ang tatay nya malamang pumasok na sa trabaho wala na din syang lagnat mabuti-buti na kahit paano ang pakiramdam nya.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Yan lang naman ang mga ala-alang meron ako sa Father ko,actually 2 ang tatay ko pero ito ay tungkol sa Papa ko tsaka na yun sa isa ko pang tatay(get’s nyo?), sa pagkakakilala ko sa kanya isa syang matinik na chickboy di ko din alam kung anong meron sa kanya kung bat ang daming nya nagiging babae.Sya ang batas sa loob man o labas ng bahay, mabilis mag-init ang ulo lalo na kung may problema sa brgy. kaya pag nasa bahay sya kanya-kanya kami ng tago. Naalala ko pa nga noon may nahuli silang magnanakaw sa kapitbahay pinatakbo nya papuntang brgy habang nakasakay sya sa owner type jeep habang hawak-hawak nya ang baril. Halos araw-araw lagi syang may uwing gulay/prutas binigyan kasi sya ng mga nagtitinda sa bangketa sa palengke. Yun iba kasi gustong paalisin yun mga sa bangketa lang nagtitinda ang Papa ko naman di pumayag dahil kung papaalisin daw sila doon anong ikakabuhay nila. Tuwing kasama ko sya halos lahat ng makasalubong namin binabati sya,sya lagi ang tinatawag pag kailangan sa barangay. Lagi nya sinasabi skin noon na mahirap lang sila nilalakad nya malayong eskwelahan at tuyo or asin lang baon.Nagtatanim lang ng palay si Lolo at may pagka-maarte daw si Lola noon sa kanilang 7 magkakapatid sya lang nakatapos ng Civil Engineer di sa pagmamayabang pero napaka-talino nya,uso noon  mga Seaman na babayaran sya tapos sya ang mag-eexam para dun sa tao eh di instant pasado. Ewan ko lang kung maniwala kayo pero noon pinanganak si Papa may kakambal syang ahas nakadikit daw sa katawan nya, pag nagbabayo daw noon ng palay si Lolo lagi daw nasa puno pinapaalis daw baka raw kasi tamaan.Sabi ko nga sa kanya noon dapat sinama na lang nila dito para pag may nangaway sa akin ipapatuklaw ko (salbahe lang) Pero simula nun napunta sila ng Maynila pinakawalan daw nila iyon sa gubat. Isa sa mga talent ni Papa  ang pagkanta maganda talaga ang boses nya Frank Sinatra, Engelbert Humperdinck, Elvis Presley (di ko na maalala yun iba)mala-yelo ang boses. Favorite nyang pagkain Dinuguan, sinigang (as in dapat kumpleto rekados puso ng saging,okra etc),Diningding at pakbet. Never ko syang nakitang naghugas ng plato o kaya naglaba,every week sya nagpapapedicure ng kamay at paa. Mahilig syang mag-sabong every sunday yun walang palya.Paborito nyang team noon sa basketball Ginebra,lagi nya akong inaasar matatalo daw ang ALASKA sa team nya.Namimiss ko sya ng sobra ang mga lambing at mga biro nya ang mga pagkanta nya di man nya isang “PERPEKTONG TATAY”  pero para sa akin sya ang “THE BEST”, gusto lang sabihin na SORRY AND THANK YOU for loving me,  kung bibigyan ako ng chance na maibalik yun time isa lang sasabihin ko “MAHAL KO PO KAYO”. Kaya i-treasure nyo yun time na andyan pa mga tatay,daddy,itay,papa nyo wag kayong mahihiyang sabihan sila kung gaano nyo sila kamahal. Dahil di natin alam kung kelan sila kukunin sa atin.HAPPY FATHER’S DAY, PAPA! and HAPPY BIRTHDAY!


Advertisements

3 thoughts on “HAPPY FATHER’S DAY!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s