Activities and Hobbies / Life and Family / Status Updates

A Moment of Triumph

DISCLAIMER: Kung iniisip mo e pagyayabang lang ang post na ito, please don’t go on reading. Malalaman mo din ang totoong intensyon ng post na ito kung binasa mo ng may bukas na pananaw. Kasi kung iniisip mo mayabang akong tao, ibig sabihin nun, hindi mo ako kilala. As in honestly, hindi mo ako kilala.

TV: UA46EH5000R, Home Theater: HT-D555k, PlayStation 3, Nintendo Wii, Seagate 1TB (para sa Pictures, Music at Movies). Kulang pa ng HD Games for Wii, Rockband for Wii at Wow Magic Sing Lol. Kung may tanong, hanapin si Google.

Papa Lord

First and foremost I would like to thank the Lord for making things happen to our lives. The journey is not smooth and there are a lot of bumps and holes along the way but He is guiding us all the time.

Mama Alice

First, I wanted to thank Mama Alice (nanay ni Jho) for making the above picture possible. Kung hindi kasi siya magse-share, medyo malaki laki pa ang kulang para sa budget namin sa TV.

Originally 40 inches lang dapat ang bibilhin namin dahil na rin sa bugdet issue, pero dahil sa pagpabalik-balik namin sa SM Appliance Center habang tumatagal yata e paliit ng paliit ang 40 inches na TV. Tuwing gagawin namin ito, ang lagi kong pag-aya kay Jho ay ganito: “Tara hon punta tayo sa SM, pupunta tayo para silipin yung mga pangarap naten”. At yung nga, ang susunod na level ay yung 46 inches. Nung nadeliver yung TV, may bagong reklamo si Jho: “Ang laki pala”.

After rigorous thinking and long financial computations, at panliligaw sa matamis na “OO” ni Mama, kaya natupad ang aming pangarap.

MISNet, Inc.

Kumbaga sa gaming, ito ang aking farming site. Dito ako kumukuha ng resources. Lol. Kung wala akong trabaho sa MISNet, malamang wala akong pangbayad sa nakalista sa itaas. Isa pa, kalahati nung price ng binili namin ay galing sa MISNet sa pamamagitan ng Company Loan. Medyo promising kasi mas malaki kesa dati na yung na-loan ko, meaning umaasenso ang kumpanya ko. Dati yung nirequest kong utangin e hindi naaprove kailangang bawasan hehehe. Tsaka yung utang na to, sa kanila rin galing yung pangbayad hehe. Wala na nga lang akong iisipin kasi salary deduction na.

Remal Sales

Kumpara sa presyo ng mall, nakatipid kami ng mahigit sa sampung libo para sa kaparehas na produkto by buying online thru Remal Sales. Isa pa, kapag bumili ka kasi ng bundle sa mga mall, partner partner lang ang pwede mong bilihin pagdating sa bundle. Halimbawa: yung TV 1 pwede mo lang ibundle sa kanya e yung Home Theater 1. Tapos yung TV 2 sa Home Theater 2 lang. Sa Remal Sales, kahit TV 1 yung binili mo, pwede yung Home Theater 2 yung isama mo sa pagbili mo. Dahil binili ko siya online, wala ring hassle sa pag-uwi ng malaking item na ito sa bahay. Sila pa magse-setup at magde-demo to ensure na gumagana yung binili mo. Also with P200 delivery fee (within Metro Manila), mas nakamura ka pa kung ita-taxi mo (as if kakasya). Kung may tanong ka pa, punta ka na lang sa website nila.

Nalugi lang ng kaunti ang SM sa Remal dahil ang pagde-demo at page-explain ay ginawa ng kanilang mga salesman para sa amin pero hindi sa kanila kami bumili. Todo pa-explain kami sa kanila para alam namin kung ano ang bibilhin namin.

Nanay Josie

Thank you din sa nanay ko na nagpautang nung nagkulang kami ng konti sa home theater kasi nagamit yung pera pambili nung TV stand. Salamat din kasi hindi muna kami siningil dun sa existing na utang. Lol.

Jonalyn, Joy at Asher

Thanks to them kasi sila yung inspiration ko. I am working hard not really for myself but for them. Ganun na talaga siguro ang pag-iisip kapag magulang ka na. Nung naideliver yung mga items sa bahay, Jho and hugged each other. It was a moment of triumph and good partnership. Good job for both of us. Next month hopefully magwo-work na din siya. Mararanasan nya na din ang mga dinadanas ko. Lol.

Based on a True Story

Isang araw sa buhay ng dalawang magkasintahan mahigit kumulang mga limang taon na ang nakakalipas, wala silang magawa at nakakita ng isang bagong diyaryo. Dinampot ito nung babae at sinipi ang mga pahina ng mga balita hanggang mapunta sa pahinang panlibangan. Agad binasa niya ang kanyang horoscope sa araw na iyon:

Hanggang ngayon hindi pa rin nakakalimutan nung babae ang mga salitang iyon. Mukhang totoo nga ang suwerte ng araw niya mula noon. Lol.

Wait There’s More

Isang araw may ka-chat ako sa Yahoo na isang kaibigan. Bilang Pilipino, isa sa madalas na bati natin sa isa’t isa e yung mga salitang “mayaman ka na”. Ito yun usapan:

Ako: Kamusta na dyan sa Australia. Ang yaman mo na.
Kaibigan: Ikaw nga mayaman e.
Ako: Oo, mayaman ako sa utang.
Kaibigan: Kahit mayaman ka sa utang, mayaman ka pa din.
Ako: Bakit naman.
Kaibigan: Kaya ka nga nangungutang kasi may pambayad ka.
Ako: (makes sense)

Note: Usapan lang yan. Hindi po kami mayaman. Hindi rin mahirap. πŸ˜€

The End

Advertisements

13 thoughts on “A Moment of Triumph

  1. Ikaw na ang hindi mayaman pero hindi mahirap na may 46″ na tv at kung anik anik pang mga gadgets. congrachuleysheeens!

    Kahit ano pang sabihin ng iba, pag galing sa pinagpaguran mo ang ipinundar mo ng mga kagamitan, yun pa rin ang masarap sa pakiramdam. πŸ™‚

  2. Yan ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam, yung makita mong masaya yung mga taong dahilan ng pagsisiskap mo…
    Pakibuksan na lang po ng bintana,,, makikinood lang po….

  3. ahaha, naka-relate ako sa pabalik-balik sa Sm para sumilip sa naglalakihang TV, hihi. yon lang, pag may big screen na, hindi na gaya noong dating nangangarap pa lang, patatawarin. pero basta, masaya pag laki ang screen, parang ina-absorb ng monitor ang nanonood, hakhak.

    hey, congrats sa bago mong theme. mas maaliwalas ang bahay, buhay… πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s