News and Information / TV and Movies

In the News

Ito ay para sa mga walang kaalam-alam sa mga kaganapan at sa buhay-buhay. Cheesecake pasok!

Local News

Matapos magbuwis ng buhay ang isang San Beda student na si Marvin Reglos, isa na namang studyante ng naturang pamantasan na si Marc Andrei Marcos ang may parehas na sinapit sa kamay ng hazing o initiation sa fraternity. Hindi ko na kailangan pa sigurong ipaliwanag ang mga detalye ng balitang ito kasi malamang napanood o nabasa mo na ang tungkol dito. Ang problema e marami pa rin ang mga naeenganyo sa mga ganitong klase ng kapatiran. Maganda naman kahit papaano ang pakay pero ang problema e yung welcome greetings bago makapasok sa grupo. Hindi ako tutol sa initiation rights pero huwag naman yung nakamamatay. Pwede naman yung initiation na katulad sa Sex is Zero. Papainumin ng isang concoction na kung anu ano ang nakalagay na sinabawan ng alak. Lol. Alam ko nung college ako marami ring ganito sa Adamson pero wala naman akong nabalitaang me na first blood.

Mula dito ang picture

Yun lang sana e lumantad na yung mga lider ng frat na ito para pagbayaran ang mga kasalanan nila. Pero mas malamang magtatago ang mga yan kasi ayon sa Anti-Hazing Law e reclusion perpetua o life imprisonment ang kahaharapin nila. Sana lang kahit magtago pa sila e mahuli sila para mabigyan ng leksiyon at yung mga may balak gawin ang mga ganitong gawain sa hinaharap.

Weather News

Hanggang Biyernes daw si Gener sa Pilipinas. Mas masyado daw “It’s more fun in the Philippines” kaya hindi maka-alis alis ang naturang bagyo. Laman tuloy ng mga evening news ang mga pinsaalang nagawa niya sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kung babalikan natin ang mga nakaraan mga taon, parang kailangan yata ng matinding ulan para bahain ang mga mabababang lugar sa atin. Ngayon ambon lang ata e babahain na tayo. Dahilan na rin ito siguro ng climate change at mga kagagawan din natin katulad ng illegal mining at deforestation pati na simpleng akto ng pagtatapon ng basura kung saan saan.

Sa huli iiral na naman dyan yung turu-turuan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga pribadong sektor o indibidwal. Katulad na lang ito ng Local government na sana e nagpapaandar ng makinarya ng pagpapaunlad ng nasasakupan, ang DENR na sana ay humuhuli ng mga lumalabag sa mga batas na pumoprotekta ng kalikasan, ang DPWH na sana ay gumagawa ng maaaayos na estraktura at hindi yung high priced low grade materials (alam na kung saan mapupunta yung extrang pera) at kung anu ano pa. Kung nagagawa lang sana naten ang mga dapat nating trabahuhin. Ano na yung nangyari sa allocation ng government budget para sa kani-kaniyang mga lungsod at probinsya? Na-allocate na ata sa mga bulsa nila. It’s more fun in the Philippines talaga.

Sports News

Hindi ako nakakanood ng olympics. Hindi ko kasi alam kung anong channel sa cable. Minsan lang nakakapanood ako yung mga telecast lang ata sa local channels katulad ng laban ng USA at France sa men’s basketball. Pero nabasa ko sa Yahoo! News ang tungkol kay Shin A-Lam ng South Korea na isang fencer sa olympics. Dahil sa faulty na timer sa event na kinalalahukan niya (tumigil ang orasan sa 1 second), lumamang tuloy ang katunggali na mula sa Germany. Dahil dito e naiyak na lamang ang kawawang atleta dahil para sa kanya at sa mga nakapanood ng laban e siya ang nanalo.

Mula dito ang picture

Kamusta naman ang spirito ng sportsmanship sa Olympics. Para tuloy itong laban ni Manny Pacquiao na kitang kita mo na panalo e natalo parin. Pero sa kaso ni Shin, kitang kita na panalo talaga siya. Nagmatigas lang siguro ang Olympic committee at ayaw mapahiya. Kung pwede lang mag-sign ng petition para mabalik ang dapat para kay girl e siguradong marami ang gagawa nito. Kamusta na lang din kay Britta Heidemann na alam naman niya siguro na talunan siya pero inangkin pa rin ang pagkapanalo sa laban.

Showbiz News

Nagkahiwalay na ang magjowang si Robert Pattinson at Kristen Stewart dahil sa panlalalake ng huli. Goodluck na lang sa The Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2. Yun lang.

Magbabalik po ang Say Cheese!

Advertisements

3 thoughts on “In the News

  1. Ahaha alam ko napanuod ko na yang Sex is Zero kaso lang yung medyo umpisa lang yata hindi ko natapos. Ahaha! mapanuod nga, nacurious ako kung panong initiation yun 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s