Life and Family / News and Information

Staycation+

As early as a month ago, plinano ko nang mag-leave ng isang linggo. Na-delay lang ng kaunti kasi na-extend ng ilang araw yung pangangailangan sa akin ng project na kasama ako. There are actually no grandiose plans. Stay lang sa bahay kasi wala rin namang panggastos kung meron mang escape somewhere. For five years ito na yata yung leave ko na pinakamahaba. Well except for known holidays like christmas and lenten seasons. Relaxing and unwinding plus these things below are on the week’s list of to do stuffs:

1. Bond with the kids. Maturuan si Asher magbasa at magsulat. Maturuan si Joy sa Math.
2. Bond with Jho, with doors shut.
3. Malakad at matapos na ang problema ni Jho sa Birth Certificate.
4. Maglinis ng bahay. Magligpit ng kalat. Matapos ang gabundok na labahin.
5. Mapagawa ng PC ni Jig.
6. Matapos ang Metal Gear Solid 4: Guns of the Patriots sa PS3.
7. Manood ng The Healing.
8. Mag-gym. Idea ito last year pa.
9. Mag-hiphop abs.
10. Magpalinis ng ngipin sa dentista.
11. Ipa-checkup ang paa sa physical therapist.
12. At kung ano pa ang pumasok sa kukote ko na gagawin…

Picture taken from Google.

Ang kaso, hindi ko alam kung nakabuti ba yung pag-leave ko o hindi. Kasi kung hindi ako nag-leave malamang isa ako sa daan daang katao na na-stranded sa pagpasok at pag-uwi sa trabaho at eskwelahan. Kung hindi rin ako nag-leave e malamang nasa bahay din ako dahil nag-advise na rin sa office na wala kaming pasok dahil nga sa baha. Ang maganda lang e nadagdagan ang task ko for the week kasi nagkaroon si Jho ng karamay sa paglilimas ng tubig sa loob ng bahay. Ang totoo wala namang baha. Marami lang tumutulo sa loob ng bahay na feeling namin e naloko kami ng bahagya kasi alam naman siguro ng nagpapaupa na ganun pero hindi kami sinabihan para lang may umupa sa bahay. Ang haba ng sentence na yun.

Though hindi kami direktang apektado ni Habagat, my family is extending our prayers to our families, friends and all Filipinos out there na malala ang sinapit sa trahedyang ito. Hopefully, tumigil na sana ang ulan. At kung uulan man ulit sana konti na lang. Sana rin magkatubig na kami (Maynilad). Hindi kami makaligo at makaluto.

Advertisements

5 thoughts on “Staycation+

  1. may tubig na kayo now kuya JC? Yayayain sana namen kayong lumabas kanina, at an tagal nateng nakuLong sa mga sari sarili nteng bahay. ayun nga, tas nag alinlangan kaming umalis hanggang sa hapon kami natuloy.
    ok Lang ba kayo jan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s