News and Information / Personal Musings / TV and Movies

Bakit Galit ang mga Tao kay Robert

Alam ko medyo humupa na ang balita tungkol sa isang motorista na nanapak ng isang alagad ng nagpapatupad ng maayos na daloy ng trapiko. Dahil nai-video at nasiwalat ang pangyayaring ito, umani ito ng matinding galit sa mga kapwa Pilipino. Pero bakit nga ba nagalit ang taumbayan?

1. Mahilig kasi ang mga Pinoy sa telenovela (pati koreanovela, chinovela, at espanyovela). Dito natin nare-relate ang ating mga sarili sa mga naapi. Napapaluha tayo kapag inaapi ang mga bida lalo na tuwing pinagsasasampal-sampal, tinatapunan ng tubig o alak at tinutulak sa putikan.

2. Mahilig kasi din tayo sa mga pelikulang maaaksyon kung saan invincible ang mga bida. Katulad ng mga pelikula nina FPJ, Lito Lapid, Daboy, Phillip, Bong at Manny Pacquiao. Dito kasi naten nakikita na inililigtas ng mga bida ang mga inaapi katulad na lang tuwing nababastos ang leading lady ng mga nag-iinumang tambay sa kanto.

3. Sinamantala kasi ni Barney ang laki ang katawan niya laban kay mamang MMDA na maliit at payat ang pangangatawan. Porket tameme lang si manong e sumabog naman ang angas ni ser. Paano kaya kung maskuladong MMDA ang sumita sa kanya?

4. Sa mga umiikot na mga artikulo ukol sa balitang ito sa internet, may nabasa akong kumento: “Paano kaya kung may baril sa kotse ni Robert?”.

5. Nung nag-sorry si ser, parehas kami ng iniisip ng anak ni manong MMDA na ang sinabi sa evening news ay hindi daw niya nakita ang sinseridad ni Robert dahil binabasa lang niya ang speech niya. Para naman sa akin, kung ako nagso-sorry sa asawa ko me kasama pang luha. Hindi ko sinasabing umiyak siya sa speech niya pero nung pinakita sa TV ang pangyayari e parang balot na balot pa rin siya ng ‘cloak of arrogance’ niya.

Hindi ko na alam ang updates ng balitang ito. Pero kung ako ang magdedesisyon kung ano ang magiging parusa para sa kanya e isa lang: COMMUNITY SERVICE. Mga 2 to 3 months tutal marami naman ata siyang pera. Tapos ang gagawing niya service e walang iba kundi ang mag-Traffic Aid. Para maranasan niya ang araw araw na nararanasan ni Mang Sonny sa kalsada.

Advertisements

9 thoughts on “Bakit Galit ang mga Tao kay Robert

  1. akala ko issue ito kay robert pattinson at kristen stewart hahaha at issue din kay Sen. Sotto na imbes tulungang magpaliwanag ng mga kababayan lalo pa syang binully at ayun sa survey malayo talaga nararating Pilipinas sa mga ugaling ganito xD

    yon lang po bow!

  2. yan ang pinakamagandang suggestion na nabasa ko, lahat ng abusado dapat papag-community service-in ayon sa trabaho ng biktima nila para maintindihan nila yung buhay ng minamaltrato nila…

    • wala na akong balita kay robert. yung huling pagkakataon na makita siya sa telebisyon e, parang hindi naman sincere yung apology nya. dapat talaga pinarusahan. litsunin.

      may kabutihan ding dulot yung pag-advance ng teknolohiya. kasi yung mga gagawa pa nito sa hinaharap e magdadalawang isip na dahil baka ma-‘hulicam’ din.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s