Activities and Hobbies / Life and Family / Status Updates

Status Update

Anung petsa na simula nung last post ko. Kaya bago ako mag-simulang mag-post ulit, status update muna tungkol sa mga pangyayaring nangyari sa pangyayari sa aming buhay. Pasok!

Good Mornyt

ang totoo dapat may siriling post ito e.

Larawan mula sa Google

After four years na gising ako sa gabi at tulog sa umaga, balik na naman ako sa normal na agos ng buhay. Medyo mahina kasi ang pasok ng mga proyekto para sa mga tauhan na kompanya namin sa gabi kaya sa umaga muna kami. Sa umaga na maganda naman ang pasok ng mga tatrabahuhin. Ito rin ang nagsilbing dahilan kung bakit naging super mega over busy ako. Kailangan ko kasi matutunan ang bagong teknolohiyang ginagamit sa mga proyekto sa umaga. Kailangan mag-adjust. Parang estudyante mode lang. Pagkatuto ko e agad namang pasok ng isang project kaya sabak agad ang mga kaalamang nalaman ko. May pagka-OJT pa kaya marami pa akong mga tanong na unti unti namang nasasagot habang tinatrabaho namin ang web application para sa kliyente. Ngayon medyo nakakapag-post ako kasi patapos na ito at marami pang susunod na paparating. Chill mode ngayon.

Two Plus Two Equals Four

Noong first week ng September yung dalawa e naging apat na. Ang tinutukoy ko e yung guinea pigs namin. Ang probema ngayon e bukod sa pagkain e yung space. Medyo cramped na sila ngayon. Gustuhin ko man na gawan sila talaga ng pen, e nangungupahan lang kami at malamang hindi sa amin yung bahay. Sino gusto mag-adopt? Lol.

The sow and the piglets

Return to Magic

Seven years ago nung huminto ako sa Magic. Last year ko na yata nun sa college at ito yung time na ang expansion ng Magic e yung Ravnica block. Ngayon medyo nagkaka-interes na ulit akong maglaro at sakto naman ang expansion ngayon e ang Return to Ravnica. Sa mga nakakalaro ko noon, alam nila na ang deck ko that time e yung Simic guild. Kaso next year pa lalabas ang expansion ng Gatecrash kung saan lalabas ang next five guilds kasama na ang Simic. Pasensya na kung hindi ka maka-relate pero yun na yun lol. Matinding research muna ang kailangan ko para makahabol sa meta o yung kaalaman kung anong mga cards ang uso at gamitin ngayon. At kung papalarin man financially, gusto ko kahit papaano makabuo muna ng isang standard na deck pang laro lang (per batang may laban).

Ito na lang ang na-salvage kong magic cards ngayon. Hindi ko na alam kung nasan yung iba. Yung binder ko na may Sliver collection hindi ko na rin makita. Pero sana mahanap ko pa din. Naka-ilang lipat kasi kami e.

Yun nga lang katulad ng sinasabi ng isang kasabihan, “dati marami oras pero walang pambili, ngayon maraming pambili wala namang oras”. Lol.

Still Not a Happy Ending

Sa pamagat pa lang baka me ideya ka na kung sino ang tinutukoy ko dito. Ito ulit yung tungkol kay Happy. Sa mga hindi naka-subaybay, ito yung Part 1, Part 2 at Part 3. Mga ilang araw na sunod-sunod namin siyang nakasama nakararaan lang. Habang tumatagal e lalo siyang nagiging iritable hanggang umabot uli sa wala sa hulog. Akala namin ganun lang talaga pero iba na pala ‘ulit’. Hindi na naman pala siya nakakatulog.

“Lahat ng mga tao sa paligid ko ginagamit lang ako. Nasa malayo sila tapos ini-sniper lang ako patalikod. Lahat sila kinokontrol ni Naix.” ~Happy

“Sa totoo lang may sama ng loob sa akin yan si Dwinny. May tinatago yan sa akin. Hindi siya mapagkakatiwalaan. Papatayin nya ako.” ~Happy

Marami pa siya mga kakaiba at out of this world na mga kwento. Hindi na rin siguro kailangan ulit ulitin pa yung dahilan kasi nasa mga nakaraang post ko rin naman yung natatanging dahilan. Sumobra siya sa pagmamahal sa pamilya. Sumobra siya sa pag-iisip sa mga problema. Hindi namin alam kung nasaan na siya bukod sa mensahe na ito sa Facebook:

Makalipas ang ilang araw, na-tag siya sa isang larawan sa Facebook ng isang kamag-anak: sa General Santos City. Sa lugar na malayo sa mga nang-i-snipe sa kanya.

Advertisements

12 thoughts on “Status Update

    • awww sayang naman… pero ganun na lang din.. hindi ako masyadong nag invest kasi nga college pa ako nun.. mahirap ang pera kapag nag-aaral.. ngayong nagtatrabaho na ako, wala naman na akong kalaro.. kaya wala din.. tara magic tayo!

    • same problem. ngayon marami ng pambili, wala namang oras hahaha.

      may kaoffice kasi akong active nagma-magic kaya na aya ako. almost buo ko na nga yung pang standard ko na deck. ang mahal lang kasi ng mga mythic rares (nung time naten rare lang ang pinakamalakas).

    • aba may mythic rares na… wala na.. parang ang hirap ng makahabol.. at buti may kalaro ka jan.. dito kasi walang mahilig.. parang feeling ko ako lang ang geek.. este mahilig maglaro ng magic…

    • geek talaga ang branding sa aten hahaha

      ang dami kong binasa para makahabol sa format at malamang medyo magbabasa basa pa ako kapag naglaro sa tourney. pinas ka ba? february ang next expansion. lol.

  1. Pingback: Bakit Dapat Magtrabaho na si Jonalyn « Say Cheese!

  2. Pingback: Day Eight: Three Turn Ons | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s