Personal Musings / TV and Movies

A Moment of Silence

May SPOILER ang post na ito. You have been warned.

Grabbed from 9Gags’ Facebook page

Nung Sabado, nakiisa at nakiramay ako sa milyun-milyong mga kalalakihan na sumama sa kanilang mga asawa, gelpren o kaya mga kaibigan upang manood ng Twilight: Breaking Dawn part 2. Sa pelikulang ito winakasan na ang paghihirap namin sa series na ito. Sa mga nauna pa lang na movies ng series na ito, I really never saw that “something” in the movie. Siguro nga kasi mas appealing sa mga babae at teens ang Twilight series. Sabi nga sa mga internet memes, the animated movie Up is a better love story than Twilight. In all fairness, kumpara sa ibang movies ng series, dito lang ako hindi inantok o kaya nakatulog. Sa madaling salita, maganda naman siya. Na-redeem ng Breaking Dawn ang buong series. Yun nga lang may mga personal lang akong mga kapunahan na napansin at nasa baba sila.

1. Kung hindi lang ito saing Vampire movie, papasa na ito sa isang movie na gawa ng Marvel. Sino ba naman kasi mag-aakala na bawat vampire ay may angking talento o super powers. Pwede na silang umanib sa X-Men o kaya naman sa Avengers.

2. It is indeed a head eye popping movie. Nung naglaban kasi ang Volturi versus Cullens and friends, maraming heads ang nag-pop. Ang pinaka-emotional lang sa lahat e nung sumugod si Carlisle at nagtapos ang kanyang moment sa isang ulo na wala ng katawan. Emotional kasi nagsigawan ang mga tao at parang me naiyak ata sa may bandang likuran namin sinehan. Matapos ang eksena na yun, sunud-sunod ang mganapuputulan ng ulo o kaya namamatay na doggies kaya sunud-sunod din ang sigaw ang mga tao.

3. Personally, I found the film trying hard to make the growing Renesmee look the same (and expressive) and failed. Marami na tayong napanood na movies na may character shown in different ages and it doesn’t matter kung may kakaunting di pagkakahawig. Yun nga lang sa pelikulang ito, nagmukhang commercial model si baby Renesmee ng Gerber. “Creepy” sabi nga ni Jho. Pwede naman na totoong tao na lang yung baby tapos yung kamay na lang ang ginawang CG kung hindi talaga kaya. Saka bakit pati yung malaki nang ‘Nessy’ e kailangan CG din ang mukha? Sana kinuha nalang nila si Jillian Ward o kaya si Xyriel Manabat. Lol.

I never read the books even though Jho have them. Kapag may eksena nga na controversial tatanong ko agad si Jho ng “Ganyan ba sa libro?”. Isasagot naman niya, “hindi ko na maalala”. So guys, show how much you love your significant other by watching this movie.

Advertisements

13 thoughts on “A Moment of Silence

  1. Swerte ni Bong dahil di ko nagustuhan ang twilight movie series. haha! meron siyang mga downloaded movies pero di ko pinanonood. at pareho nun itong last installment ng twilight. nacurious lang ako kasi may twist daw sa huli. so bka pag nadownload na niya e panoorin ko na rin. but never in a moviehouse. masyadong mahal ang presyo ng ticket para panoorin ko dun. hahaha!

    • swerte nga hehe. honestly talaga twilight is just another love flick. nadaan lang siguro ng hype, but there are better love stories out there. ang hindi lang namin napanood sa movie is yung third movie ata. good thing kasi nung pinanood namin sa pc, we both agree it sucks.

  2. hindi ko binasa at hindi ko rin pinanood ang movies neto. napanood ko lang ung nauna kasi libre ng office ang sinehan. sayang eh. haha! sa wakas, natapos na rin talaga to. rejoice my brothers! lols!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s