News and Information / Personal Musings

Condolence Philippines

Minsan na namang tumigil ang oras ng buhay ng mga Pilipino. Nawalan na naman ng sasakyan sa mga kalsada parang ghost town. Nagkakaubusan na ng stock ng beer sa mga tindahan. Nag-day-off muna ang mga holdaper sa mga bus sa Buendia at mga snatcher sa Quiapo. Wala na namang nagsimba sa umaga hanggang tanghali. Magkaka-sundo na naman ang mga pulitiko. May laban kasi si Pacman.

pacman

Hindi kami nakapagpa-reserve ni Jho sa isang restaurant (dahil walang pera lol) o kaya makabili ng ticket sa SM cinema para panooring ang laban ni Pacman. Pwede naman pakinggan sa radyo ng live kaso mahirap i-visualize kapag ganun. Wala ring mahanap na link para sa streaming. Ang tanging paraan lang ngayon e manood sa GMA 7 at patayin ang mga cellphone at huwag magbukas ng internet. Kaya ayun tuloy, kailangan naming i-endure ng paulit-ulit ang commercial ng LBC, Boysen, Shakeys at Cord Marine Epoxy at Super Glue.

Hindi ko na siguro kailangan pang i-detalye yung laban kasi napanood mo na rin naman. Feeling namin, parang nanonood kami ng isang heavy drama na movie. Unang bagsak pa lang ni Pacman, na-depress na ako. Hindi ako na-depress dahil may pusta ako kasi wala naman. Isa pa kung pupusta man ako, kay Marquez ako pero siyempre bilang Pinoy gusto kong manalo si Pacman.

Dumating ang round 6. Parang climax na nung drama movie. Parang love story na namatay ang leading man at iniiyakan ni leading lady. Ang kaibahan lang, walang magawa si leading lady kasi pinapakalma siya ng mga Kanong pilit niyang hinahawi para makita ang nangyari kay leading man. Nakakaiyak.

Hindi ako nade-depress kasi na-knock out si Manny. Natural kasi sa mga boksingero na ma-knock out. Nakakadepress lang na makita mo na ibinubuhos niya ang lahat hindi para sa sarili, pamilya o pera. Kitang kita sa mga mata ni Ninong yung kagustuhan niyang manalo para sa mga Pilipino. Yung mga nakararaang laban niya kasi parang chill lang siya pero dito para siyang panabong na naka-inom ng tongkat-ali. Kaya ganun na lamang din siguro ang nararamdaman ng mga Pinoy ngayon.

On the other side, wagas na ipinamalas ni Manny ang kanyang pagka-Pilipino. Na sa kabila ng anumang pagsubok ng buhay, naka-ngiti pa rin tayo. Nakatulog na nga siya sa ring, nakangiti pa rin nung in-interview. Sabi nga nila, pana-panahon lang yan. Pero ang mga Pinoy e ma-pride na tao. Kaya nga may “Pinoy Pride” na kung tawagin. Dahil dyan hindi ako naniniwalang magre-retire na si Pacman. Ang mga Pinoy kasi, hindi marunong tumganggap ng pagkatalo. Babawi yan.

cheese

We are proud of you Manny. The Filipinos are proud of you.

Edit: Nakalimutan ko i-congrats si JMM.

Advertisements

11 thoughts on “Condolence Philippines

  1. Dapat mag-retire na. Mayaman na siya. Hindi na nya kailangan ng boxing. Sport ng mga mahihirap yan e. If hunger is not a motivation, you will lose. But even knowing that, I know you are right. Pacman will still, against all good sense, try to resurrect his boxing career.

  2. Kung maka ‘proud’ naman ito kay Pacman wagas na wagas…close kayo? wahahaha juk lang JC. Aminado ako na sa lahat ng laban ni Pacman na ipinalalabas sa TFC, wala pa akong natapos, mas nauuna kasi akong nakakatulog sa nag bo-boxing, ang aga-aga eh! LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s