Life and Family / News and Information

Late Ako (A Public Service Announcement)

Late ako kanina. Kaya ko pa naman abutin ang hanggang 9:05 ng umagang kay ganda pero mas pinili kong huwag na lang muna sumakay sa may Buendia. May mga nakatambay na naman kasi dun sa sakayan na parang pamilyar yung mukha.

Naalala ko yung nangyari nung night shift pa ako. Hindi ko talaga eksakto maalala yung mukha nila. Pero sa galaw pa lang nila e, nahalata kong hindi na gagawa ng mabuti. Magkakalayo sila pero kitang kita ang eye to eye contact nila parang nagsi-signal sa isa’t isa. Yung iba naman e, pasilip silip sa mga cellphone at mga bag ng mga nag-aabang na mga pasahero. Rush hour kaya madaming tao. Perfect timing para sa mga kumag na ‘to.

Una kong naisip e kuhanan sila ng litrato na kunyari e nagtetext lang ako. Hindi ko ginawa kasi wala pa namang nangyayari o kaya naman e wala naman masasabi ang isang litrato na walang nakuhang ‘akto’. Naisip ko din na baka ako naman ang pagbuntunan kapag nakita nila akong kinukuhanan ko sila ng picture. Kitang kita ko na ina-unzip ng isa sa kanila ang bag ng lalaki samantalang may isa pa na dumudukot naman sa bulsa ng isang babae. Gustong gusto kong kunan pero marami sila at isa lang ako.

Kaya para sa mga commuters mag-ingat po sa mga ganitong tao. Simple lang naman ang tactics nila, gagamitin lang yung rush hour para makipag-siksikan para madukutan ang mga kasabay nilang sumasakay sa bus. Along EDSA sila nambibiktima.

Boy Bag
Lalaking naka-bag (dito ilalagay ang nadukot o kaya pang-harang sa pandudukot)
Kayumanggi
Nasa 40 years old
Nasa 40 rin ang waistline
Hindi ganun kataba pero malaki ang tiyan
Nasa 5’7 ang height
Parang flat tops ang buhok na medyo pa kaliwa (pasensya na hindi ako laking barbershop)

Boy Negro
Malamang maitim
Nasa 35+ ang edad
Kamuha ni spongebob ang kutis ng mukha
Siya ang pinaka-payat sa grupo
Nasa 5’7 ang height
Nasa 2 inches ang haba ng buhok

Boy Hikaw
Maitim din
Nasa 30+ ang edad
Marami rin butas ang mukha pero lamang si Boy Negro
May silver na hikaw sa kaliwang tenga
Nasa 1 inch ang haba ng buhok (semi-kalbo na tumubo na)
Nasa 5’6 ang height
Normal ang pangangatawan

Boy Lookout
Nakatayo lang sa gilid at nagmamatyag (kaya hindi ako kumuha ng picture dahil sa kanya)
Medyo mas maputi sa mga kasama (ito siguro ang boss)
Malaki din ang tyan
Nasa 40-45 ang edad
Nakatayo ang maisking buhok na puro puti at gray
Naka-shades para lookout talaga

Meron pa silang ibang kasama pero hindi ko na maalala.

Kaya po mag-ingat po tayo at maging mapag-matyag sa ating paligid. Overtime tong mga gago na ito kasi magpapasko.

Advertisements

7 thoughts on “Late Ako (A Public Service Announcement)

  1. nakakainis ang mga taong ganyan.. tapos kapag nahuli at na-TV sasabihin nila na hindi naman nila ginagawa ito at kesyo maysakit ang alaga nilang aso, etc. etc. Mag-ingat kayo.. ilang beses na rin ako nabiktima, buti na lang laging olats laman ng wallet at bag ko.. ehehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s