News and Information / Personal Musings / Religion

End of the World Day

Sayang. Akala ko end of the world na ngayong araw na to. Oo, ako na ang gullible at naniwalang si Psy at ang Gangnam Style ang signos sa pagtatapos ng sangkatauhan. Well, hindi pa naman natatapos ang araw. Mahaba pa ang oras. Magpo-post na muna ako.

Pwede na sa pasko mag-open.

Pwede na sa pasko mag-open.

Sayang kasi ready na ako. Hindi dahil mas marami na akong halo kesa sa rings ng planetang Saturn. Hindi pa rin ako mabait. Nagkataon lang na kahit ano pa mang gawin natin, kung darating man yan, darating talaga yan. Kahit nasa bahay ka pa, sa opisina, sa eskwela o kaya sa kubeta.

Mas ready ako ngayon kesa sa Y2K na doomsday. Nagdasal kasi ako noon ng mabuti na sana huwag magunaw ang mundo. Ayoko kasi mamatay ng virgin. Nagdasal ako na sana huwag magunaw ang mundo na hindi pa ako nakaka-experience. Dahil sa dasal ko, napigilan sa paggunaw ang mundo at nailigtas ito. Ako ang superhero. Ngayon araw na ito kung may magaganap man, wala na akong kapangyarihan. May dalawa na kasi akong anak. Alam na.

In case matuloy mamaya, naka-ready na ang mga tanong na itatanong ko kay Lord. Magmumukhang kakatwa pero seryoso ako sa mga gusto kong malaman. Sabi nga nila, ang batang matanong ay batang matalino. 😀

1. Ano po ang nauna, ang tao o ang mga dinosaur? Kung ang mga dinosaur, araw araw po bang Jurassic Park ang buhay ni Adan at Eba?

2. Naniniwala po akong sa Inyo galing ang mga tao. Pero may pagkakataon po ba na totoo ang Missing Link?

3. Fact o hoax po ba ang Moon Landing na ipinagsasabi ng bansang Amerika?

4. Sino po ba ang pumatay kay Andres Bonifacio? Si Aguinaldo? E kay Ninoy? Si Marcos?

5. Ano po ang nangyari kay Emelia Earhart?

6. Totoo po ba ang mga myths sa Bermuda Triangle?

7. Sino po ang may pakana ng 911 Bombing?

8. At ito.

9. Nakalimutan ko na yung iba. Kapag naisip ko, update ko to.

Let's do it!

Let’s do it!

May oras pa. Ipakita sa mga minamahal kung gaano sila ka halaga sa ating buhay. End of the world man o hindi.

PS: Sabi ko sa sarili ko, kapag hindi nagunaw ang mundo, magwo-workout na ulit ako. Lol.

Advertisements

11 thoughts on “End of the World Day

  1. alam ko matagal na ko nadeads kase di ako nagpapasa ang mga chain letters at kung ano ano na gugunaw na raw ang mundo kaya di na rin ako worry kahapon

    mag work out ka na ulet 🙂

  2. Thanks God and it was just all false alarm… and God won’t give the specific date when it will happen. He will just vanished us without any notification.. hahaha,, parang facebook lang… 🙂

  3. Hahaha! Inalala pa yung pagbukas ng mga regalo. E pag end of the world wala na rin yun. Kung sa bagay, last minute na kaligayahan. Hakhakhak. Ang kulit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s