Food / Life and Family / Pictures / Travel and Events

2013

We have survived again for a new year past x doomsdays.

Wala na akong masabi kaya ito na mga pictures. Inaantok na ko may pasok pa bukas.

menu

Ito ang menu para sa Noche Buena. Ang totoo hindi 100% nasunod ang listahan na ito. Una, hindi na inilabas pa ang Fiesta Ham c/o MISNet Inc. Madami na kasing pagkain at walang ibang kakain. Inulam na lang namin kinabukasan at binaon ko nung first day of work nung January 2.

Hindi na rin nakagawa ng biko. Instead, Maja Blanca na lang.

Hindi rin kami bumili ng Krispy Kreme. Hindi kasi bagay. Mango Cake na lang mula sa Red Ribbon (na walang picture kasi kinabukasan na rin kinain).

Grilled Pusit x7*. Fail lang kasi hindi namin natanggal yung tinta. Masarap lang yun tinta sa adobong pusit. Sa inihaw, malansa. Mali rin yung marinate na toyo. Umalat tuloy ng sobra.

Yung pasta na ‘no meat’, may hotdog.

Wala sa listahan yung Brocolli Cheddar Soup a la moi (with baguette, with proper pronunciation lol).

squid

Ang pusit lumot, bow. Walong piraso, P360 sa may Balintawak. Dapat pala tinatanggal yung tinta as mentioned above. Minarinate ko sa Mama Sita’s Barbeque Marinade kaso may toyo. Ayun, sodium overload. Sinama ko na sa marinate yung sibuyas at kamatis para kapag iihawin na, isu-shoot na lang sa loob ng pusit.

fried chicken

Chicken + Salt + Pepper + Cayenne + Paprika + Canola Oil. Voila! Ulam sa tanghali ng bisperas ng bagong taon.

pansit

Pansit na bigay ni nanay para sa tanghalian.

stapegi

Dinner time. Tinanong ni nanay kung saan namin nabili ang spaghetti na may kasama ng hotdog. Natawa kami ni Jho. Sabi ko tinusok lang namin yung pasta sa hotdog bago niluto. Tignan maigi ang larawan sa ibabaw. Lagi naming issue kung anong red sauce ang lulutuin, yung matamis ba (Filipino style o yung may condensed milk) o yung maasim (Italian style). Ang nananalo e yung Gangnam style este yung Filipino style kasi ako lang naman ang may boto sa maasim na red sauce.

maja

Ito yung Maja Blanca ni Jho na bumenta nung Christmas Party with High School friends. This time hindi na siya pudding kasi matigas ito dahil nai-ref.

brocolli cheddar soup

Brocolli Cheddar Soup. Nagawa ko naman siya ng maayos pero masasabi kong far from perfect. Nagbuo buo kasi yung flour. Maso-solve sana yung ganun kung nahalo ko ng maayos at dahan dahan yung flour o ni-blender ko. Malayo din siya sa nakain namin ni Ma’am Che sa US. Mura kasi ang cheese dun kaya ganun. Kraft Eden lang kaya ko. Lol.

Grill

Portable Kettle Grill. P649 from Landmark. Pork and hotdog are not included.

grill all

Natapos din ang pag-iihaw ng mga 9pm.

sky lanterns

Maganda tignan ang mga sky lanterns sa kalangitan. Nagkataon lang na hindi ako marunong gumamit ng DSLR na camera kaya hindi ko nakunan ng maayos ang nasa ibabaw. Kapag lumanding nga lang ito, lalo na sa isang urbanisadong lugar, sunog bahay ang ending. Kaya nga ipinagbabawal ito e. Yun lang marami pa rin ang pasaway.

stray bulet

Speaking of more pasaways, hindi pa rin natitigil ang pagpapaputok ng baril tuwing bagong taon. Kung ititira lang din nila ng pataas, sa sentido na lang nila itutok para walang ibang biktima. Let’s hope justice for Stephanie Nicole Ella. Sana mahuli na yung may sala tapos suotan ng sinturon ni hudas. Yung 5000 rounds.

lightning

Kasama ng gift this holiday e itong si Lightning. As in Lightning Bolt lol. Isa siyang Japanese Spitz without papers. He’s now two months.

family

Ngayon lang taon na to hindi ako humawak kahit anong uri ng paputok. Sabihin na natin na takot akong magpaputok. Takot ako na sa isang pagkakamali maaaring isang daliri o kamay o kaya naman buhay ang kapalit. Noong bata rin kasi ako naputukan din ako sa likod ng kwitis na mala-Angry Birds ang trajectory instead na pataas. Kumakain ako nun sa isang kasal ata kaya may kwitis. Boom!

fireworks

Ang post na ito ang magbubukas ng 2013 ng blog na ito. Happy new year sa lahat.

Advertisements

20 thoughts on “2013

  1. Happy new Pi sa inyo.
    Ang daming handa… Parang gusto ko subukan ‘yong spag na nakatusok sa hotdog… Tinitigan ko talaga ng husto =)
    Nakakamiss ang pamilyang sama sama kapag may okasyon…

    Gandang gabi po!

    • in time you will. happy new year din po.

      parehas lang din yung pasta. ang difference lang, kapag tumusok ka ng hotdog me kasama ng pasta nakasabit. ๐Ÿ˜€

  2. Happy New Year!
    Haha ang saya! Medyo tinamad ka pang magpost ng lagay na yan ha. ๐Ÿ˜€
    “Inaantok na ko may pasok pa bukas.” Parang linya lang ng KJ tuwing may happenings. ๐Ÿ™‚
    Medyo nakakalungkot dun sa part ng putukan. Samin bawal paputok pero maingay at masaya parin.
    Nakakaaliw ang captions ng mga pic. Feeling ko komedyante ka entablado sa past life mo.
    Have happy new year of blogging!

  3. Lami gyud, uy, ang foods! hehehe

    After seeing the second to the last photo, naalala ko bigla yung post mo tungkol sa note ng daughter mo yata yun hehehe. katuwa naman at malalaki na ang mga kiddos.

  4. bago ang lahat nais kitang batiin ng Maligayang Bagong Taon.

    Natuwa naman ako sa mga naging solusyon sa balakid na iyong nabanggit sa paghahanda ng mga putahe (at parang may botohan pang nangyare, hihi). Yung pusit at Liempo, ang sarap kainin, naglalaway ako sobra, haha.

    smile…

  5. Pingback: Year End Selfies | Say Cheese!

  6. Pingback: Date Taken | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s