Life and Family

Kwentong Barbero

“Matagal na akong hairstylist. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong parlor”
~Fanny Serrano commercial spoof, Bubble Gang

Matagal ng nag-aayos ng buhok ang nanay ko. Naggugupit, nagkukulot at nagkukulay. Hindi pa uso noon ang rebond, relax at hair spa. Pero katulad ni Funny Sirano, wala rin siyang parlor. Yung mga kapitbahay namin na gustong magpa-ayos sa kanya, pupunta lang sa bahay namin. Wala man parlor, meron naman kaming dresser na may malaking salamin. Wala lang ilaw sa gilid katulad ng ginagamit ng mga artista. Hindi ko alam kung saan nagmula ang hilig ng nanay ko sa ganitong hobby pero bata palang kami, naka-block na ang isang oras (o kalahating oras yata) noon sa hapon para sa panonood niya ng Ricky Reyes: Beauty School at Ricky Reyes: Beauty School Plus. Helpful naman talaga yung palabas na yun para sa mga gustong kumarir sa pangungulot. Buti na lang hindi ko masyadong pinapansin dahil kung oo, malamang nasa parlor ang career ko. Lol. Nagkaroon pa nga ito ng competition/certification ceremonies at syempre andun yung nanay ko.

Hindi na ako umaasang magkaroon ng silky soft hair na sumusunod sa galaw. Naisip ko rin naman na hindi bagay lalo’t kulot ang buhok ko. Pero hindi naman yung kulot na kulot na parang scotch brite. Hanggang pangarap lang ang pang-rockstar na buhok na hume-headbang. Kaya sa kalbo na lang ang bagsak.

Dahil naggugupit ang nanay ko, ever since bata ako, halos walang ibang tao na nakagalaw sa buhok ko. Dalawang klase lang naman ang gupit na yan e, barber’s cut (kasama na yung gupit three by four o yung pang CAT) at semikal. Kaya ko nasabing halos walang iba naka-gupit sa akin e dahil meron din namang lima (sa pagkakaalala ko). Ikukwento ko sila sa baba.

Alyas Boy Long Hair

Shop: Tricycle Terminal, Verde Heights, SJDM, Bulacan

Dun pa kami nakatira nun sa Verde Heights nung nagpagupit ako kay kuya. Nasa mid twenties siya kaya siya ang napili kong gumupit sa akin para sa aming Christmas party noong ang theme ay gothic. Mukhang maayos naman yung kinalabasan. Hindi man siya eksperto sa ganitong istilo ng pag-gugupit, at least ginawa niya ang lahat para magawa ang request ko. Iniisip ko nga baka ako lang nagpa-ganito sa kanya.

Alyas Boy Masahe

Shop: Lanting College (sa labas siyempre), Quezon City

Nakalimutan ko na yung pangalan ng barber shop na ito pero sa pagkakaalala ko e ito ay French word(s) na ang ibig sabihin ay may kinalaman sa ‘Artista’. Hindi ito yung tipo na classy na barber shop, ganun lang yung gustong pangalan ng may-ari. Napunta ako dito dahil na rin sa referral ng isang kapit bahay na isa ring barbero ng barberyang ito.

Naka-dalawa din ata akong pagupit dito. Kung saan ang huli e, sinabi na lang sa akin ni Boy Masahe na umalis na daw dun yung kapitbahay namin. Sinama pa niya yung ilang kagamitan ng barberya. Sinabi ko na lang na, wala akong kinalaman dyan. Lol.

Boy Masahe nga pala kasi dun lang ako perstaym namasahe sa barbershop, Baby Powder mode.

Alyas Boy Toothbrush

Shop: Muzon, SJDM, Bulacan

Dito kay Kuya Boy Toothbrush ko naranasan ang nakakalalaking paraan ng pag-gugupit. Kalbo ang pinagupit ko sa kanya. Pero matapos ang cutting session, imbis na yung usual na pang-alis ng buhok ang gagamitin niya, e toothbrush. Lol. Nakakalalake. Hindi ko maipaliwanag. Subukan mo na lang toothbrush-in ang ulo mo.

Alyas Boy Tanda

Shop: Sauyo, Quezon City

Base pa lang sa mga address ng mga shop na naka-poste dito, mapapansin na palipat-lipat kami ng lugar. Kaya naman hindi ako nakakapa-gupit sa nanay ko kasi may distance na. Anyways, si Kuya kasi parang mahaba na ang barber career kaya ko nasabing Boy Tanda. Nasa singkuwenta siguro. Walang kinaibahan sa ibang barbero bukod sa isang bagay. Rubbing alcohol ang gamit niya sa masahe. Di lang pang pamilya, pang masahe pa.

Alyas Boy Abunda

Shop: St. Catherine College (sa labas), Sangandaan, Quezon City

Kaya ‘Boy Abunda’ kasi, skinhead si kuya parang si Boy Abunda. Isa pa, hindi talaga siya kuya, ate siya. Hindi kasi barber shop yun, parlor talaga. Sarado kasi nun si Boy Masahe. Nalaman ko na lang na lunch break pala niya nung di kami nagka-abot. Sa experience ko na to kay Kuya Boy, ayoko na ulit magpa-gupit sa bading. Paunawa, hindi niya po ako hinarass o minolestya. Naramdaman ko lang kasi na hindi makalalake ang pag-gugupit niya. Paano ko nasabi? Habang kinakalbo niya ako e hawak ng kamay niya sa ulo ko e parang kinukulot ako. Yung dulo lang ng daliri ang tumatama sa ulo mo. Kapag sa lalaki, kulang na lang e baliin ang leeg mo. Lol.

It all falls down to preference na lang siguro. Naramdaman ko lang kasi na parang virgin siya nung ina-ano nya ako o baka lang type nya ako. (o_O)

Cheese and Choco (puyat at inaantok) with cousins Ivy and Dean.. and Red Horse and Red Horse and Red Horse and Red Horse.
Thanks to Nanay for my recent haircut.

Advertisements

21 thoughts on “Kwentong Barbero

  1. sa tingin ko, kursunada ka niya.. kursunada ka niyang kulutan.. ehehehehe… gusto ko lagi magpa semikal, may lahi kasi kaming HIV, Hair Is Vanishing, pero sabi ng asawa ko na kapag nagpakalbo daw ako, lalayasan niya ako.. at syempre joke lang yung lalayasan ako, pero parang narinig ko na puputulin daw niya kaligayahan ko, kung ano man yun… ehehehehe

    at natatandaan ko pa yang commercial na yan!! ahahahahaha! memories.,..

  2. First time nagpakalbo, nagulat sa tunog ng razor. Walang natira sa long black silky hair (noon silky hair nagtampo n ngayon ei ), parang nakakaiyak ng maglalaglagan…. Walaman lang kahit anong brush na ginamit, o kahit isang patak ng pulbo! Ang lupit nung barbero… ๐Ÿ˜ฆ

  3. meron lang akong dalawang tanong?

    1. bakit kaya tinawag na kwentong barbero ang mga kwento-kwento?
    2. meron din kayang โ€œbarberโ€™s storiesโ€ sa US, hehe?

    ayun. smile, say cheese… (click)

    • 1. sa pagkakaalam ko, mas chismoso daw ang mga kalalakihan. tapos tatambay sila sa isang barberya para magpagupit at dun mabubuo ang mga kwento at chismis. pero siyempre di ito tinatawag na ordinaryong chismis lang dahil kapag ang mga lalake nagkwentuhan, may halong yabang (“wala yan sa lolo ko”). dyan nabuo ang kwentong barbero…

      …ayon sa akin at walang historical basis. pero malay mo tama din pala ako. lol.

      2. bedtime stories lang ata. hahaha.

  4. Saktong-sakto ang kwento sa title ah. naintriga ako sa toothbrush na nakakalalake, masubukan nga.
    as usual, abot tenga na naman smile ko sa post mo. ๐Ÿ˜‰

  5. Tumpak, masarap talaga pag lalakeng lalake ang barbero, sa higpit ng hawak sa ulo pa ra ka na rin minasahe, at sa diin ng pagsuklay para ng kinakamutan ang anit mo, hihihihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s