2013 na pero Kapaskuhan pa rin ang tema ng post na ito. Ganun talaga ka-late. Lol. Pero hindi naman talaga totally Christmas ang gusto kong ibahagi. Ikaw na ang humusga.
2007 – Movie Night

Top: Ian, Chris, Vince, Aj, Bry, Ako
Lower: Jayson, Zai, Jho, Pao
Ito ang unang Christmas sa MISNet ng IT-PDP Batch 2. Nakalimutan ko na kung anong ibig sabihin ng PDP. Basta IT Trainees parang ganun. Inalis ko na yung ‘costume’ ko dito. Ang pangit kasi kung yung picture na naka-costume ang ilalagay ko dito. Cosplay noob e. Hulaan nyo na lang kung sino ako sa X-Men.
Best Movie: X-Men
Best Actor: Wolverine (Vince)
3rd in Performance (wala kasing practice, Tan taran chu churut churut)
2008 – Gothic Party

“Bakayarou, konoyarou, yeah”
Thanks to my costume from Ukay Ukay sa Lagro. Henna tattoos by Jonalyn and Jig (and me). Beads from SM Department Store. Nail Polish by Pentel.
Best in Costume (Male): Hulaan nyo
2009 – Korean Party
Wala akong participation ng Korean Christmas Party. Hindi ko kasi alam kung paano maging itsurang Korean. Actually, naisip ko si Jumong. Ang problema walang oras gumawa ng costume.
2010 – Hat Party

Hat, Spray Paint and toy swords from Divisoria. Bath Robe and Fan from Mama Alice’s Package.
PS: Yung kanji (na nasa seal sa hat) means ‘Samurai’.
Best in Hat: Hulaan nyo. Pero hindi ako. 😀
2011 – Masquerade Party

Wala akong makitang picture ko nung party na ito. Ok lang kasi as in bumili lang ako ng mask sa Landmark kaya walang effort. Siyempre ang nanalo ay ang special guest namin, si Mr. Manny Pacquiao.
2012 – Character Party

Dapat si Nicolas St. North ang gagawin kong cosplay. Kaso hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pulang sweater at itim na Russian hat (kung yun man yung tawag dun). Naisip ko na lang bigla yun mga napanood kong youtube videos tungkol sa Transformer cosplays na nagtatransform. Kaya yan ang resulta, si Optimus Prime.
Nagtatransform talaga yan. Di ko lang nagawa. Nagkaroon lang ng wardrobe malfunction kasi hindi masyadong na-test yung costume. Dalawang araw lang kasi ginawa (Agile Method).
Cosplaying
It is not really about winning and the prize. Cosplaying as an art, means to bring happiness to those who will get to see.
Ano kaya ang theme next year?
Grabe, nahiya ang salitang “boring” sa parties nyo! Haha. Yung transformer costume, mukhang super comfy nya, pwedeng ipang-araw araw. 🙂
comfy sya talaga. muntik pa nga di kumasya sa taxi e. hahaha.
panalo ang mga costume at make-up! talagang pinaghirapan! winner!
for the love of art 🙂
clap clap clap!! ikaw na pre!
gondo ng optimus prime. hahahahahahaha
salamat po 😀
Di ko alam kung si Son talaga ung nasa unang picture.
Waley. Mga ka batch ko na ITPDP yan. Haha. Ako na lang natira. 😛