Life and Family / News and Information

Random

Christmas Bonus

Mainit pa rin ang balita tungkol sa perang ipinamigay ni Senator Juan Ponce Enrile sa kapwa niya mga senador. Sabi sa palatuntunan sa radyo ni Ted Failon kaning umaga sa sinakyan kong FX papasok ng trabaho, ang gawain ito ay as old as times. So lumalabas na matagal ng gawain ang pagtitipid ng gobyerno para pagdating ng pasko ay mayroon silang mabubulsa magagastos. To think of it, pera ng taong bayan yan. At lumabas lang ang “matagal” ng gawain na yan nung may nagreklamo dahil mas konti yung sa kanya. P1.6 Million each yan. Tapos ang daming naghihirap na mga Pilipino. Wow.

Disiplina

Madali kong maisasalarawan ang pagiging madisiplinang tao ang mga Pilipino sa pamamagitan lamang ng araw-araw kong karanasan sa MRT o Metro Rail Transit. So, disiplinado ba ang mga Pilipino? Oo pero mayroon pa ring mga walang-hiya. Naisip ko nga, kung mayroon lang akong telepono na may magandang camera (ie Samsung Galaxy Note 2), makakapag-poste ako ng mga larawan sa blog na ito ng mga taong naniningit sa pila ng Express Lane (pila ng mga may ticket na). Instant celebrity. Ang nakakainis lang, mukha namang mga may pinag-aralan pero ganun ang pag-iisip (amalayer?). Ngayon pa na laging 10 miles ang pila dun tapos may sisingit? Kahit pa mukha kang artista o kahit pa modelo ka sa FHM hindi kita papasingitin. Unless kapamilya, kapuso o dabarkads kita.

Naalala ko tuloy yung iba nagpapanggap na senior citizen na mukha namang nasa kwarenta o nagpapanggap na buntis pero busog lang pala. Yung iba naman nakaheadset kunyari walang naririnig. Meron isang beses, isang babae na patay malisya at dinaan lang sa kanyang looks para hindi sitahin ng mga kalalakihan na siningitan niya. Mahiya naman kayo.

Greggy en Boogie

Panalo talaga ang mga Pinoy movies. Yung maiksi ko kasing biyahe mula Buendia papuntang Ayala ay napasaya ng pelikulang Greggy en Boogie. Ang pelikulang ito ay pinangungunahan ni Benjie Paras (nung may buhok pa siya) at ni Babalu (nung buhay pa siya, SLN) kasama sina Sheryl Cruz (nung girlfriend material pa ang image niya at hindi kontrabida) at ng magkapatid na Antoinette at Tom Taus (nung bata pa sila).

Typical comedy movie na may nagsasayaw at kumakanta sa may beach. Ang dance step nila dito ay nag-evolve na ngayon at tinatawag ng K-Pop. Meron ding car chase scene kung saan hinahabol ng goons sila Greggy (Babalu) at Boogie (Benjie) gamit ang isang pampasaherong jeep byaheng Cubao. Sa gitna ng habulan ay nagkataon naman (nagkataon talaga) na may dumadaang nagbebenta ng fishball. Siyempre nasagasaan at nawasak ang kariton ng fishball. Dito ko rin perstaym nakitang gumanap bilang kalaban si Jimmy Santos kasi kasama niya ang mga goons na parang mga lasenggo lang sa kanto (o baka mali ako ng suspetsa). Hindi ko na naabutan yung eksena na makikidnap si Anna (Sheryl) kasi pababa na ako (kung meron mang ganung eksena pero malamang meron).

Corny nang matatawag pero ito ay isang pelikulang Pilipino. Bahagi ito ng ating kultura.

Taus Siblings

Hinanap ko sa makapangyarihang Google ang tungkol sa pelikulang nabanggit sa taas. Inisip ko kung sino yung dalawang bata na kasama rito at pamilyar na pamilyar ang mukha. Si Antoinette Taus pala at si Tom Taus.

Sabi ng makapangyarihang Google, ang totoong magka-labtim ay si Antoinette at si Dingdong Dantes bago pa man dumating sa buhay niya si Marian. Si Tom naman ay isa na palang kilalang DJ sa America. Hindi ko lang alam kung gaano kasikat pero good job. Yun lang po.

PS: Naniniwala akong hindi dapat “TOWS” ang pagkakabigkas ng kanilang apelyido kasi nasa Pilipinas sila. Naisip lang siguro ng promoter o manager nila na pagandahin ang kanilang pangalan. Pwede namang “TA-US”. Pero ok lang na “TOWS” na ngayon kasi nasa Tate naman na sila. Wala lang. May masabi lang.

Facebook

Hindi raw para sa lahat ang Facebook. Kasi kung inggitera ka at nakikita mo na ang mga kaibigan mo sa Facebook ay nakakapunta ng ibang bansa para magbakasyon, nakakabili ng bahay, nakakabili ng magarang kotse, nakakapag-asawa ng mukhang artista o kung ano pa man, ay maaaring magdulot sa iyo ng matinding depresyon o pagka-awa sa sarili. Feeling mo ang miserable na ng buhay mo. Payo lang, una huwag mainggit. Pangalawa, lahat tayo may problema, iba-iba lang ng porma.

Kwarta o Kahon

Pumanaw na pala si Pepe Pimentel, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Naalala ko sa may SM North Edsa Food Court pa ginagawa yung programa nila. Makikita mo habang kumakain ka dun. Dahil sa programa na ito nagkaroon ng “Laban o Bawi” at “Pera o Bayong”. Legendary kumbaga ang “Kwarta o Kahon”.

Wala na akong maisip. GLHF.

Advertisements

15 thoughts on “Random

  1. Ayos ang ka-randoman. Swak na swak! Natawa ko sa magkapatid na Taus. Naalala ko tuloy yung isang Shake, Rattle, and Roll episode na andun si Tom Taus. Tungkol sa pag-aalay ng dugo ng bata pag gumagawa ng tulay. Ganun yung plot. Bagong follower ako, brader.

    • salamat po sa pagbisita. na-curious lang talaga ako dun sa pelikula at naisip ko, kilala ko tong child actor na to. the next thing is, lumabas naman yung isa pa (antoinette). kaso talagang hindi ko maalala kung sino. buti na lang may google.

  2. Di ko pa nasubukang mag”speed-dating” pero sa tingin ko ganun din ang feeling nung binasa ko ang post na ito. Astig ang abruptness and randomness…. awesomeness.

  3. Salamat sa pira-pirasong kuwento…may nakakainis sa kwentong senado at pilahan..may recall sa old movie…may paalala sa mga user ng FB(ayos to)…at fan din ako dati ng ‘K o K’. At maraming salamat pala sa pag-follow sa aking munting blog. God Bless!

    • munti ba yun sir e alam ko sikat ka sa mundo ng blogosphere. nagtataka nga ako bakit ngayon lang kita na-follow. akala ko siguro naka-add ka na sa akin, hindi pa pala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s