News and Information

Shoe Mart Strike Three

Strike three na ang SM dahil sa pinaka-latest na pangyayari nitong nakakararaan lang. May namili kasi sa ACE Hardware ng martilyo at nagkarpintero sa loob mismo ng SM Megamall. Nauna na silang umi-strike nung may namasyal na ate sa SM North at nung may nagkaselosan na mga bata sa may SM Pampanga.

Nakakalungkot isipin na nakakailang beses na itong nangyayari pero hindi pa rin yata nagtatanda ang pamunuan ng Shoemart. They got it all for us. Well, except the security. Surely, mahaba na naman ang pila papasok ng mga mall especially sa SM. Expect this for about a month or so tapos balik gawi na naman. Ningas cogon ika nga.

Gaano ba kalaki ang kinikita ng SM at hindi sila makapag-invest ng isang malaking metal detector. Bakit sa Trinoma meron? Bakit hindi ata trained ang mga guard sa SM at hindi nila na-handle ng maayos yung selosan sa SM Pampanga. Nailigtas sana yung bata sa kamatayan. Para malinaw, hindi ko sinisisi ang mga guwardya ng mga establisyimentong nabanggit. Ang sinisisi ko e yung sistema ipinatutupad nila. Anu ba ang magagawa ng isang stick para sipiin ang laman ng isang bag? Paano kung bomba pa yung maaaring laman ng bag na maipapasok sa mga naturang mall. Hindi ko na lang ma-imagine kung anong susunod na kabanata. Kota na kayo mga ser.

PS 1: Laglag din sa customer service ang mga guwardiyang nagbabantay sa mga taxi bays.

PS 2: Sana sa MRT rin magkaroon ng mas maigting na seguridad. Dito pa naman sobrang tumpok ang mga tao at isang maliit na pasabog ay siguradong daan daan ang madadamay (at libo libo ang male-late sa trabaho).

PS 3: Gusto ko ng No Ni Kuni sa Ps3. Wala lang akong pambili.

Advertisements

22 thoughts on “Shoe Mart Strike Three

  1. salamat po sa follow sir cheesecake! at ni follow na rin kita ngarud. start plang ako backread. pero tong sa SM, yup currently watching sa balita dine. sana nga’y mglaan na ng budget si Henry Sy para sa “detector doors,” hays…

  2. SM is big enough that services like security is bidded out … to the lowest bidder, unfortunately. Wala ng pake ang management kung ang mga baril ng sikyo nila ay gawa sa kahoy ng bayabas at nag train sa pamamaraan ng panonood ng seryeng Shaider, Pulis Pangkalawakan.

    • feeling ko nga kung nagkaroon ng disgrasya baka yung mga sekyu pa nila unang tatakbo. naalala ko pala may nagsabunutan sa mall (naipalabas na sa foreign channel top 20 outrageous videos or something), at ang ginawa nung mga guard e nanood. hahaha.

  3. Sa SM nga ngayon sobrang haba na rin talaga ng pila, pero after a month or so wala na rin yan. Pero actually tama ka kahit sobrang naghahalungkat sila ng bag parang wala din silbi since stick lang yun gamit nila. Paano pag may hindi pala sila nakitang hazardous na bagay dun. They should at least provide metal detectors. Kahit din sa lrt di masyado mahigpit e. Buti pa nga sa entrance sa EK, mas mahigpit. Huli lahat nang pagkain na tinago ko sa bag. Hahahahah.

  4. Gusto ko sanang pumunta sa Africa para maexperience ang thrill ng jungle pero sa isip ko punta na lang ako ng SM, mukhang pareho din ang experience. Maraming animals ang biglabiglang aatake. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s