Life and Family / Personal Musings

Pluma | Unang Subok

Paalala: Ang akdang ito ay naglalaman ng temang sekwal at hindi naaangkop sa mga nakababatang mambabasa. Kung ikaw ay wala pa sa edad na disi-otso (18) maaari lamang na pindutin ang back button o kaya’y isarado na lamang ang window na ito.

galing sa Google.com

galing sa Google.com

Kahit pa nasa kalagitnaan na ng buwan ng Pebrero, malamig pa rin ang simoy ng hangin lalo pa’t hating-gabi na. Hindi niya ito masyadong maramdaman dahil na rin sa init sa katawan na dulot ng alak na kaiinom lang. Naglalakad siya kasama ang dalawa pang kaibigan na tinatahak ang daanan pauwi mula sa pagbisita sa isa pang kaibigan na taon na rin ang lumipas nung huling makita.

“Diba hindi ka pa nakakapasok sa beerhouse?”, tanong ng isa sa kasama sa kanya.
“Nakapasok na ako, pero walang naghuhubad.”, daglian niyang tugon.
“Hindi beerhouse ang tawag dun kapag walang naghuhubad.”, sagot ng kaibigan na may halong kakaibang ngiti. “Ano gusto mo punta tayo ngayon?”
“Sa susunod na lang.”, tanggi niya. “Isa pa wala akong pera. At saka hindi ko naman na kailangan pa pumunta sa mga ganun.”
“Ako ang bahala.”, sabi ng kasama na tumapos sa usapan na iyon.

Nakarating nga sila sa may kanto para sana sumakay na ng jeepney ngunit ang kasamang nag-aaya ay mabilis na umalis at umakyat sa malapit na overpass patawid sa kabilang kalsada.

“Saan pupunta yun?”, tanong niya sa naiwang kasama’t nagtataka.
“Umuwi sa kanila kumuha ng pera. Tignan mo yung lakad niya sobrang nagmamadali. Ganyan yan kapag seryoso.”, sagot nito sa kanya na parang hindi lang ito ngayon lang nangyari.
“Taga-saan ba yan?”, dagdag niyang tanong.
“Diyan lang sa pangalawang kanto sa kabila.”, sagot ng kasama.

Makailang sandali lang ay nariyan na nga ang umuwing kasama. Karipas pa rin ang lakad nito at hindi na naisipan pang gamitin ang overpass upang tumawid pabalik. Nagmistulang itong isang alupihan na tumalon sa malaking sementong harang na pipigil sana sa mga sasakyang hindi sumusunod sa trapiko at sa mga taong ayaw gumamit ng overpass.

“Tara na!”, hinihingal na sambit nito.
“Saan ba tayo?”, sagot ng isang kasama.
Nakailang atras-abante pa sila sa malawak na kalsada bago nakapagdesisyon yung nag-aaya. “Dito na nga lang.”

Hindi sa kalayuan ay may isang establisamento na nadekorasyunan ng nakahanay na ilaw sa iba’t ibang kulay at pader na kulay mapusyaw na rosas. Malaki man ang nakasulat na pangalan na nakapintura rin sa pader ay hindi na rin niya masyadong pinansin. Hindi rin naman siguro ito importante batid niya sa isip.

May bumati agad sa kanilang mga taong nakatambay sa labas lamang nito. “Ser, pasok na kayo dito.”, paanyaya nito.

Hindi niya alam kung ito na ba o hahanap pa ng iba ang may pakana ng gabing ito pero nauna na rin itong tumapat sa guwardiya ng kulay rosas na establisamento upang magpakapkap. Sumunod na rin ang isang kasama at nahuli siya. Inusisa pa ng guwardiya ang dala-dala niyang plastik na lalagyan na may lamang natirang sarsa mula sa paa ng manok na pinulutan nung kaagahan pa ng gabi. Hindi na rin nagpatumpik-tumpik ang guwardiya at pinapasok na rin siya kasunod ang pagkatok sa isang kahoy na pinto na may maliit na butas. Ang butas ay sapat lamang para gawing silipan ng nagbabantay sa loob kung sakali man may hindi dapat papasukin sa naturang lugar.

Malakas ang tugtog ng musika na sumalubong sa magkakabarkada. Agad silang inasikaso ng isa sa mga serbidor na unang nagtanong kung ilan sila. “Tatlo po,” sagot niya. Isinalansan agad ng serbidor ang lamesa at tatlong upuan sa tapat mismo ng entablado. Hinatag na rin ang anim na botelya ng isang sikat na serbesa. Dalawandaang piso bawat isa para sa dalawang bote at kabayaran sa palabas na makikita mo sa loob nito. Ang sementadong entablado ay may bakal na pasimano at sahig na pudpod na ang disensyo na nagpapahiwatig na nakasaksi na ito ng marami ng pagtatanghal. Kapansin-pansin din ang paalala sa ibabaw ng entablado na maghigpit na ipinagbabawal ang pagkuha
ng video o larawan gamit ang kamera, na sa isip niya ay malinaw naman ang dahilan. Maya-maya pa ay lumapit na ang tagapamahala ng pab. Ang mga serbidor ay agad nagdagdag ng tig-iisa pang mga upuan sa bawat isa sa kanilang tatlo. Ang kumpas lamang ang kamay ng matandang babae ay naging senyales na rin upang lumapit ang tatlong babae na kung tawagin ay puta.

May mga hitsura ang mga babaeng ito na salungat sa iniisip niya sa kadahilanang hindi naman malaki o sikat ang lugar na ito. Maikukumpara sila sa mga nagtatrabaho bilang sales lady. Kaiba sa kadalasan niyang nakikita, walang takip o ikinakahiya ang mga mukha ng mga babaeng ito hindi katulad sa mga nakikita sa balita sa telebisyon o nalalathala sa mga peryodiko. Kaya ganun na lamang ang pasok ng mga barako dito na naghahanap ng medisina bilang lunas sa libog na nararamdaman.

“Ako nga pala si…”, sambit ng katabi niyang babae habang inaabot ang kamay ngunit hindi niya narinig ang pangalan nito dahil na rin sa ingay na pumapalibot sa maliit na espasyo. “Ikaw anong pangalan mo.” Hindi niya agad nasagot ang tanong dahil na rin sa nakasabay nito ang pagtungga niya sa serbesang isinalin sa isang basong may yelo. Inulit uli ng babae ang pagpapakilala at sinagot naman niya ng maayos. “Taga saan ka?”, tanong ng babae habang marahan na kinikiskis ang mapuputing hita sa kanyang hita. “Diyan lang sa malapit.”, sagot niya. Nakailang usisa rin ang babae samantalang nakikipag-usap naman ang isang serbidor sa isang kasama kung pipirmahan ba ang resibo ng tatlong ladies’ drink na nailapag na pala noong umupo ang mga babae. Hindi tinanggap ng kasama ang papel kung saan nakasulat ng presyo ng tatlong San Mig Lights na otsenta ang isa. Ilang sandali lang ay naubusan na ng tanong ang babae at sabay sabay na ring bumalik sa nauna nilang pwesto kasama ang iba pang babae na nag-aabang ng mga parokyano. Napansin na rin siguro ng mga ito na hindi talaga sila magte-table ng gabing iyon.

Tumigil ang musika at nagsalita naman ang tagapag-anunsiyo upang tawagin ang susunod na magtatanghal. Nag-umpisa na ang mabagal na tugtugin na naririnig sa mga pelikulang pag-ibig ang tema. Umakyat na sa entablado ang babaeng impis ang suot at hindi sapat upang itago ang kanyang pagkababae. Naghiyawan naman ang mga manonood kasama na rin ang iba pang mga babae na nakakandong pa sa kani-kaniyang mga kapareha sa kabilang lamesa. Umindayog ang babae sa mabagal na saliw ng musika na parang isang ahas sa masukal na gubat. Dahil nasa harap sila mismo ng tanghalan, bawat lingkis ng babae ay sapat na upang masilip nila ang kaluluwa ng sumasayaw sa harapan mula sa pagitan ng kanyang bukana. Nagpa-indak-indak ito, sa ibabaw ng entablado at paminsan pa’y kumapapit pa sa pasimano. Ang bawat malalaswang tingin ng mga lalaki ay tumutunaw sa matamis na sorbetes na nasa harapan. Ilang minuto lang ay bumaba na ito upang tapusin ang palabas.

Umakyat naman ang susunod na magtatanghal ngunit kumpara sa nauna e mas balot ito ng kasuotan. Mas balot dahil mayroon itong bra at panty na kumikislap dahil sa palamuti nito. Maganda rin ang hubog ng katawan nito katulad na nauna ngunit mahahalata pa rin ang maliit na bilbil na naiipon dahil sa mga gabing tutungga sila ng ladies’ drink. Sa pagkakataong ito, mabilis at masaya ang saliw ng tugtog na pinamagatang “Gangnam Style”. Isa rin itong dahilan para mapaindak muli ang mga kasamahang babae na umaaliw sa mga parokyanong halatang may pera at nasa edad ng kwarenta pataas sa kabilang lamesa. Nang-aakit ang mabilis na pagpilantik at kislot ng mga balakang nito at pagtalbog ng hustong husto nitong dibdib. Ilang saglit lang din ang palabas nito para na rin mabigyan ng pagkakataon makapagpakita ang ibang babae.

Nawala panandalian ang ingay bukod sa mga magkakasalu-salo sa kani-kaniyang mga hapag. Masiglang ibinalita ng taga-anunsiyo na ang susunod na pagtatanghal ay ang show of the night. Dalawang babae ang naka-abang sa hagdan paakyat sa entablado. Nagsimula ng tumugtog ang musika ng Careless Wispher na naging senyales para magsimula ang ang dalawa. Ang mga maninipis na tela na nakasampid sa katawan nila ay hindi upang takpan ang kanilang pagkatao. Ito ay upang lalong magbigay ng mapanuksong intensyon sa mga nanonood. Nagsayaw ang dalawa sa magkaibang saliw hanggang sa unti-unting nagkaisa. Ang sayaw ay dahan-dahang naging romansahan ng dalawang babae na binuksan nung naghalikan ang dalawa sa ibabaw ng entablado.

Napalagok siya ng mas marami sa nakikita. “Bagalan mo lang,” paalala ng kasamahan sa lamesa para tipirin ang alak sa baso na nagsisilbing buhay nila sa loob ng pab. Alerto kasi ang mga serbidor dito na kunin ang mga boteng wala ng laman o kaya naman kung kakaunti na lang ay sila mismo ang magsasalin sa baso para magpakuha ka ulit ng bago, sa halagang singkwenta pesos. Napansin niya na sa isang banda ang hagdanan paakyat nanasisinagan ng isang lampara upang maayos na makita ang trapal na nakasabit rito. Ang trapal ay nagbabansag dito bilang Stairway to Heaven kasama ng ilang imahe ng mga babaeng maaaring naghahanap buhay doon. “Magkano kung aakyat ka dyan?”, tanong niya sa kasama na malapit sa tenga nito upang masapawan ang malakas na hiyawan at tugtugan dala ng dalawang babaeng nagtatanghal sa harapan nila. “P1,500 para sa bar, tapos limang libo para dun sa babae.”, sagot nito. “Ang mahal pala. Mas mura pa sa internet. Sa PSP.”

Humiga sa sahig ng entablado ang isa sa mga babae. Sapat na para makita ng tutukan ng tatlong kalalakihan na nakapwesto sa tapat mismo ng entablado ang puwerta nito na nakaharap sa kanila. Dumapa naman sa kaniya ang kasamahang babae at idinuldol ang mukha nito sa kababaihan niya at gayun din ang kababaihan nito sa kanya. Kahit ang mga buhok na nakapalibot dito ay ma-ingat na ginupitan at inahit para sa gabing ito. Inilabas nila ang dila upang simsimin ang kapareha na halos umabot na sa kuyukot nito. Umiba-iba ang dalawa ng posisyon sa gayung gawain. Mayroon pang patayo. Unti-unting bumulusok ang damdamin papunta sa kanyang pagkalalake. Ang pagkakataon na sa harap lamang ng internet niya nakikita ay nasa harap niya ngayon at buhay na buhay. “Ano iyang ginagawa mo?”, tanong niya sa isang kasama. “Naglalagay ako ng yelo sa batok, pampawala na libog.”, sagot nito.

Ilan sa mga babaeng nasa madilim na sulok ay naging aligaga at nag-anyaya ng mga kalalakihan upang samahan ang dalawang babae sa entablado. Isang binatang lalaki naman ang nadala sa pilit ng mga babae sa tabi niya. Pinaupo ito sa isang monoblock sa tanghalan at pinaglalamas ng dalawang babae. Yung isang babae sa kanyang likod ay inalis ang damit niya samantalang ang isa ay pilit namang ibinababa ang kanyang maong na pantalon. Tumulong na ang isa. Kamakailan pa’y umurong ang bahag ng binata at dahil na rin siguro sa kahihiyang makita ng iba ang pagkalalaki niya.

May pinaakyat kasunod ng binata. Mga nasa ka-edaran nila. Ganoon din ang ginawa rito ngunit sa pagkakataong ito, napagtagumpayan ng magkapareha na maibaba ang pantalon nito. Hinaplos haplos ng isa ang ari nito samantalang ang isa naman ay nilalapatan ng yelo ang katawan ng lalaki. Napasukan din yata ng hiya ang lalaki at ayaw bumandera ng ipinagmamalaki niya. Tawanan ang naging dulot nito sa mga nanonood. Kalaunan ay itinaas na rin ng lalaki ang pantalon at bumaba sa entablado. Maya maya pa ay pati na rin ang dalawang babae. “May bayad yan kung aaykat ka dyan para gawin yan sa iyo.”, ani ng pasimuno ng lakad na ito. Sumagot na lamang siya ng pagtango.

Marami pang babae ang sunod sunod na umakyat para magtanghal sa harap nila. Iba’t ibang galaw. Iba’t ibang musika. Iba’t ibang katawan ng babae. Maraming tumatakbo sa isip niya. Naisip niya ang umiikot na biro sa kanilang opisina na isa sa kanyang mga trabaho ay hindi gumamit ng babae nung lumabas ito kasama ng iba. Naaawa daw kasi ito sa babae. “Oo.”, sambit niya sa sarili. “Nakakaawa ang mga babaeng ito na ginagawa ang ganito para lamang kumain ang kanilang pamilya. Marahil ang iba pa sa kanila na bagamat balingkinitan ang katawan ay mahahalatang may anak na ito.” Sa gabing ito naisulat ng isang pluma bilang karanasan sa buhay niya na hindi na siya inosente sa ganitong bagay. Isang sulat na hindi na mabubura pa. Ngunit sinabi niya sa sarili na maaaring huli ng yugto ng kwento na ito ang masusulat sa buhay niya. Makasalanan ang lugar na ito pero naririto ang mga taong nabubuhay sa pagnanasa. Pagnanasang hinihintay na matugunan at pagnanasang mapapalitan ng pera.

Umalis ang tatlo palabas ng isang tagong mundo. “Sir, balik kayo!”, pahabol ng mga taong nakabantay sa pintuang kahoy. Sumunod siya sa nauunang kasamang tumawid sa kabilang kalsada. May lugawan pala doon. “Nawala yung pambili mo ng bala ng PS3.”, biro ng kasama sa nanlibre ng gabing iyon. “Pabayaan mo na, at least nakaranas na to.”, sabay tapik ng kasama sa balikat niya. Napahigop na lang siya ng lugaw na walang laman at nagprisintang siya na ang magbayad sa nakain nila dahil nasa walongraan din ang nalagas sa isa sa kanila. Naghiwahiwalay na rin sila matapos nito.

Umuwi siya sa pag-aakalang mga nasa alas-tres pa lamang. Mag-a-alas-kwatro y media na pala pagsilip niya sa orasan. Mabuti na lamang at may susi siyang dala dahil alam niyang uumagahin siya. Hindi nga lamang ganito ka-umaga. Nahiga siya sa kamang sumalo sa bigat ng kanyang kalasingan.

“Umuwi ka pa. Anong oras na. Sa susunod huwag ka ng umuwi.”, galit na galit na sagot ng asawang katabi na gising pa pala.

Pumikit na lamang siya. Tumigil na ng pagsulat ng karanasan sa gabing iyon.

———————————————

Ang akdang ito ay hindi na hango sa tunay na buhay dahil may inayos at binawas na ako. Salamat kay Jonalyn na asawa ko na nag-proofread nito at hindi na galit sa akin.

Ang akda ring ito ay ilalahok sa pa-blog contest ni Sir Bino ng Damuhan.com na Bagsik ng Panitik (BnP) 2013 at mumunting umaasa na mananalo ng 500GB Portable Hard Drive.

Salamat po sa pagsubaybay.

Advertisements

16 thoughts on “Pluma | Unang Subok

  1. Parang nakaranas ako ng dejavu sa pagbasa ko nito hehe.
    Magaling, gusto ko ang pagkakadescribe sa mga bagaybagay…. nakaka-immerse sa experience sa storya..

    • medyo nalito nga ako konti (as in konti na pwedeng hindi mapansin) dahil nga di tiyakang ipinakilala ang mga characters pero oo maiintindihan ng mambabasa eventually.
      gusto ko rin namang “you didn’t spoonfeed” the characters at ipinakilala sila through their conversations…
      sabi nga nila, not ( or not immediately) knowing is part of the fun.

    • Hahaha….! Yun lang. Naintriga nga ako kung talambuhay to or kathang-isip pero ngayong tahasan mong inaamin, natutuwa at natatawa ako lalo nat pina-edit mo pa to sa asawa mo. 😀

  2. hahaha.. nakarelate ako sa last part.. dejavu.. pero kame marami kame that time.. it was one of the best experience ng barkada. at tama ang sabi ng may akda. nsa loob ng lugar n yon ang iba ibang klase ng pagkatao.. i strongly agree.. good writings..

  3. tamed ito, cheese, tamed, hihihi… 😉 natuwa rin ako sa may editing ng misis, hehehe. kaya ba sanitized na, ahihi… ang sipag mong mag-recreate at magsulat, wala akong masabi. good luck sa patimpalak. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s