Personal Musings / TV and Movies

Day Five: Six Things You Wished You’d Never Done

First Half Finished

Nung bata pa ako, mahilig na akong magdrawing ng kung anu-ano. Naalala ko pa noon na pinag-do-drawing pa ako ng aking mga tito ng isang kalabaw na nakikita ko sa probinsya. Nararamdaman ko naman na inborn na yung talent na ito. Hindi nga lang siguro tipong pagkakakitaan katulad ng mga visual artists ng iba’t ibang field. O baka lang hindi ko lang din kasi pinagtuunan pa ng panahon at pagpapraktis ang skill na ito. Nevertheless, hindi pa rin naman nawawala sa akin ang aking creative eye. Nakikita ko pa rin ang ganda (o kapangitan) ng isang bagay kung ang pagiging artistic ang pagbabasehan.

Nung elementary, gumawa ako ng comics na ako ang gumuhit at nag-isip ng story line. Tinawag ko itong “Time Warriors”. Hindi ko na alam kung nasaan ito at mas malamang na-recycle na ito o nabulok na somewhere. Action ang tema nito dahil na rin sa ang uso ng mga panahon na iyon ay Street Fighter at Dragon Ball Z. Hindi ko na maalala kung ano at sino ang mga characters nito pero ang labanan ay hindi bounded ng time. Nakakapag-time travel kasi ang mga ‘warriors’ dito. Hindi ko natapos ito kaya nagwakas na rin ang pangarap kong maging comic artist. Lol. Nagkaroon kasi ng complication sa story dahil sa complexity ng idea ng pagbabago ng mga pangyayari dahil na rin sa time travel. Naguluhan na ang mura kong isipan kung paano tatakbo ang istorya.

got from Wikipedia

got from Wikipedia

Ang haba ng introduction ko pero wala itong direktang kinalaman sa paksang nais kong ibahagi sa inyo. Pero kung may makukuha akong ideya mula sa mga naisulat sa itaas, yun ay ang ‘oras’.

Ang buhay naten ay nasasakupan ng oras. May oras para gumising. May oras para matulog. May oras para kumain at magbanyo. May oras ang lahat ng bagay. Ang hindi lamang pupwede ay yung balikan yung natapos na. Ganun din siguro ako mag-isip. Para sa akin, ang mga bagay na nagawa na ay hindi na dapat balikan pa. Para sa akin, dapat nating gawin ang lahat ng nakakayanan natin upang wala tayong pagsisihan sa huli. Hindi ko sinasabing nagawa ko ng tama ang lahat ng walang pagkukulang. Tao rin ako (akala mo ba alien?) na nagkakamali. Kung anuman yung nagawa kong mali dati tapos na yun e. ‘Damage has been done’ ika nga. Nasaktan na yung tao o nasira na yung bagay dahil sa pangyayaring iyon. Kung meron man tayong magagawa ay magagawa mo lang iyon sa ngayon at pwedeng pagplanuhan para sa hinaharap.

Kung kaya kong baguhin kung anuman pagkukulang na nagawa ko dati, malamang baka wala ako rito. Baka iba akong tao. Pwedeng mabuti akong tao o mas masama pa sa ngayon. Lol. Pero pogi pa din. WTF. Baka hindi ako naging programmer baka artista. Maaari pang mangyari e naayos ko man yung isang bagay e maaari namang ibang bagay naman ang magkaroon ng pagkakamali. Parang kung sa pelikulang ‘Butterfly Effect’. Ang buhay kasi ay isang malaking chain reaction o web. Ang isang pagbabago, maliit man, ay may epekto sa kabuuan.

So to answer the question 6 Things I Wish I’d Never Done:
None

Advertisements

6 thoughts on “Day Five: Six Things You Wished You’d Never Done

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s