Personal Musings

I Blog To Earn

Nung wala pa akong kaalam-alam sa mundo ng blogging, ang alam ko sa mga ito ay napagkakakitaan. Huli na nung malaman ko na halos wala at kung meron man sobrang liit lang. Sa pagba-blog ko ng ilang taon, kumita ako ng malaki. Pero hindi ito pera.

1. I earned grammar 101. Hindi naman sa pagmamayabang e nung estuyante pa ako ay hindi ako napapasama sa mga kaklaseng nahihirapan sa English subject. Impact, feeling ko nasa higher tier ako ng klase dahil nakakapag-report naman akong ng maayos sa harap ng klase in English. Pero pagdating sa blogging, nagkakaroon ang mga katulad ko na mas hasain pa ng husto ang kagalingan sa baralila sa pamamagitan ng pagsusulat. Pero kung ikukumpara naman sa ibang blogger diyan, talagang duduguin ka sa galing nila sa pagkatha sa wikang ingles. Pero mas madugo pala kung sa sariling wika.

2. I earned information. I am a fan of trivias if you might ask. A lot of blogs (or the internet, in general) gives me this.

3. I earned experience. Sa pagba-blog, nararanasan natin ang karanasan ng ibang tao. Maaaring naganap na ito sa atin o hindi pa pero nalalagay tayo sa sitwasyon parang tayo mismo rin ang nakakaranas ng mga karanasang ito. Ito rin yata yung tinatawag na ‘human connection’.

4. I earned friends. Pekeng buhay pero mga totoong tao. Ganyang ang karamihang persona na nagkakakilakilala sa mga blogs. Ilan dito, hindi man deretsahan ay masasabi nating ating kaibigan.

5. I earned an outlet to express me. May nagbabasa man o wala, nakakatulong ang pagba-blog upang maibahagi natin ang sarili. Bonus na lang talaga kung may magla-like at magko-comment kasi validation yun na may nakakita ng ekspresyon mo.

Kung tatanungin mo ako kung gusto ko bang i-monetize itong blog ko o hindi, hindi na mahala ang sagot. I already am earning more than that.

Ito ay sagot sa Blog Life Contest ni Hoshi.

Advertisements

35 thoughts on “I Blog To Earn

  1. hello, cheese… hanep sa compliment, duguan talaga… πŸ˜‰ salamat sa mention at sa pag-tag, kapatid. thanks for the support and appreciation… πŸ™‚

    btw, ang dami mong learnings, ikaw na… warm regards πŸ™‚

  2. Ang gaganda ng mga punto de vista mo kung bakit ka nagbablog. Napapansin ko lamang, napapadalas ang pagsusulat mo. Napapansin mo bang, inaanay na ang bloghay ko? Haist. Pero hindi bale, mga totoong tao ang nagbablog, iba-iba lamang kasi ang paraan ng pakikipagkoneksiyon. Kaniya-kaniyang trip, ika nga, ang mahalaga ay importante. Istoryahe!

    • ganun talaga kapag hindi pa masyadong busy. sa susunod na linggo, program code naman ang titipahin ko dito sa keyboard ko. πŸ˜€

      masyado ka yatang maraming ginagawa ngayon. at mukhang nagpa-praktis kayo para sa marathon.

  3. Pingback: Blogging is earning « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI

    • Hahaha, ngayong araw ko lang na gets to. kung di pa ako napadpad ulit dun sa link, di ko malalaman na yun pala yun. Kakahiya… Tsk tsk, nabuksan ko naman yung link dito pero di ako umabot magbasa sa mga prizes. Medyo alanganin ako sa mga pacontest.
      Hindi ko rin alam ba’t ako sumali pero may nabasa akong tanong sa plinky prompts ko na kapareho nung sa contest kaya sabi ko it’s about time na sagutin ko yung tanong para matahimik na ang aking blogging kaluluwa at sumalangit nawa. πŸ˜€
      Hindi, gusto ko lang talaga yung laser hair removal. LOL!

  4. Kumita ko dati 4k lang tapos bigla ako nadisable ng Google Adsense. Masama pa rin ang loob ko hanggang ngayon. Haha. Pero hindi pa rin ako tumigil kahit bitter ako dati kasi masaya e. Alam natin yan. πŸ˜‰

  5. Pingback: The Win, the Gratitude, and the Prize | JUNE's Day

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s