Life and Family

Day Six: Five People Who Mean A Lot

1. Jocelyn Lacbay Elorde. Unang una kasi wala ako dito kung wala siya. Siyempre. Magaling siya sa academics nung time niya kaya naambunan ako ng talino na meron ako ngayon. Nagkataon lang na hirap sila sa buhay kaya high school lang ang natapos niya. Ka-schoolmate pa niya noong si Phillip Salvador sa isang pampulikong mataas na paaralan na nakalimutan ko na ang pangalan.

Nung time na nalulong ako sa masamang bisyo, nag-give up na sa akin ang lahat ng tao pero nagbigay pa rin ng chance yung nanay ko at tinanong ako kung gusto ko pa bang tapusin ang kolehiyo. Dahil sa pangyayaring iyon kaya ako nandito kung nasaan man ako.

Minsan nauubusan kami ng budget kaya may mga pagkakataong sa kanya ako humihingi ng pambaong pera papunta sa trabaho. Ganun din kapag naubusan na ng tangke ng gas o kaya walang pang-ulam. Makakabawi rin ako sa utang kong P XX,000 sa kanya this year.

2. Charlie Ebilane Elorde. Hindi ako magiging ako ng dahil lang sa nanay ko. Kailangan ko ng tatay. Kahit papaano maswerte rin ako na kilala ko sila hindi katulad ng iba na sumusulat sa Wish Ko Lang at Reunion. Dahil sa tatay ko natutunan ko paano maging isang tatay. Napalapit din ako sa Dios at natutong magpatawad.

3. Mitchellin Audrey Joy Llanes Idulan at Jan Asher Jeremiah Idulan Elorde. Hindi ako mahilig sa mga bata. Hindi ako yung tipo ng tao na lalapit mismo sa isang bata at sasabihing, “ang cute cute naman ng bata”. Meron sigurong ganitong pagkakataon pero bihira at situational. May isa lang malaking pero. Mahilig ako sa anak. Sila ang pinanggagalingan ko ng lakas. Para sa kanila ako bumabangon (bukod sa male-late na ako sa trabaho).

Dahil dyan, hopefully next year makita ko na si Kaysa.

4. Jonalyn Llanes Idulan. My supportive wife and partner in life. A partner in almost everything. Masarap kasama. Masarap yakapin. Masarap din… maging asawa. We agree on almost every thing and compromise on the rest. We love each other dearly.

5. Juan Carlos Lacbay Elorde. Sabi nga sa isang kanta ‘learning to love yourself is the greatest love of all’. Isipin nyo na isa akong self-centered pero wala lang talaga akong maisip na ibang importanteng tao sa buhay ko lol. Anyways hindi ko naman lahat makakamit ang lahat ng ito kundi sa pagpupursigi ko sa sarili ko. Kaya importante ang bida sa sarili kong life story. Isa pa tao naman ako kaya pwede kong piliin ang sarili ko. (o_O)

Advertisements

10 thoughts on “Day Six: Five People Who Mean A Lot

    • Off? Wala naman.
      Gustong-gusto ko yung no. 5 kasi sa totoo lang hindi mo mabibigyan ng pagpapahalaga o pagmamahal ang mga taong importante sayo kung hindi ito nakakapagbigay ng kaligayahan sayo.
      Dahil mahal mo ang sarili mo, nagpapahiwatig yun na kahit papaano naging maayos ang pagpapalaki ng mga magulang mo sayo. Dahil mahal mo ang sarili mo, naibabahagi mo ito sa iyong asawa at mga anak mo.
      What better reason there would be for giving importance and love to the people around you than the mere reason that it gives your self pleasure, right?
      Ang pagbibigay importansya sa sarili ay hindi pagiging selfish kundi ang pagkilala, na gaya ng mga mahal mo sa buhay, ikaw ay mahalaga. 😉

    • yes. may mga times na gusto ko na mag-give up sa buhay. pero dahil mga taong umaasa sa akin, kailangan kong pahalagahan ang aking sarili para mapahalagahan ko rin sila.

      sabi nga sa isang kanta, “walang nabubuhay para sa sarili lamang”. maybe that’s the real reason bakit ako (at kayo rin) ay narito sa mundo.

      happy weekends 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s