Sa pagkakaintindi ko sa ‘turn-offs’ na tema ng posteng ito, ito yung mga bagay na kapag nakita mo sa isang nagugustuhang tao ay maaari nang mawala ang pagnanasa pagtingin mo dito. Kaya ang mga bagay na ilalagay ko sa baba ay para lamang sa ganoong perspektibo. Kung kaibigan kita at nagkataong may naisulat ako dito na isang katangian mo, hindi ibig sabihin na ayaw ko sa iyo. This post intends to share my opinion, not to offend anybody.
Well unless dati kitang nililigawan tapos ganito ka pala at bigla na lang kitang hindi pinansin. Lol.
1. Kung magkakaroon ng survey tungkol sa kung ano ang bagay na nakaka-turn-off sa mga tao, sigurado ako kung ano ang magiging number 1. At yun ding bagay na yung ay ang nasa unahan ng listahan ko. Nakakaturn off kung meron siyang putok.
Hindi ko alam kung kailangan ko pa i-explain pero sino ba naman ang gusto na may jowa (asawa as in?) na habang magkasama kayo ay nakagas mask ka o kailangan mo pahiran ng deodorant ang ilong mo na parang Vicks.

Q: Bakit hindi mo siya sabihang maligo o magdeodorant?
A: Kailangan pa ba i-memorize yan? Bisyo na to.
2. Alam ko, may mga poste na akong sinasabi kong may pagka-perpeksiyonista ako. May mga oras na umaabot ang pagtanaw ko na ito hindi lamang sa sarili kundi pati sa ibang tao. Isa na rito ang grammar at speech. Kaya turn off yung hindi marunong sa grammar. Hindi ko sinasabing kailangan perfect kasi di naman ganun pero huwag naman yung hindi tolerable. Yung mga simpleng kamalian pwede pa palampasin pero kung pati basic, ewan ko pero ganun e.
ex. Apple are red. The balls is bouncing.
Turn off din sa akin kapag may punto. Kahit siguro dropdead gorgeous ang isang babae pero kapag nagsalita e ganun, yun na. Although we know it can be fixed, wala lang akong tiyaga siguro na turuan siya within the span of the relationship.
3. Tinanong ako ng ilang mga kaopisina kung ‘under’ daw ako. Siyempre sagot ko hindi. Kung may mga bagay o pagkakataong nagiging sunod-sunuran ako sa asawa ko e dahil mahal ko siya (excuses?). May follow-up question pa na, “Paano kung ganoon din yung asawa mo, terror at bungangera?” Unang una hindi ako magge-gelpren na ganun ang ugali. Kung nagkataon man na nalaman ko o lumitaw lang yung ganung ugali niya nung kasal na kami, kung hindi siya magbabago e hihiwalayan ko siya. Hindi ako makakapayag na yurakan niya ang aking pagkalalake. Ayoko maging isang battered husband katulad nila —–.
4. Kung ayaw ng mga babae sa mayabang, ayaw naman ng mga lalake sa maarte. Ok lang naman siguro na maging maarte pero sana ilugar. Tipong ang kausap mo ay isang common na tao tapos kakausapin mo ng puro ingles na may halong kolzener accent. Hindi ka naman magmumukhang matalino kahit ganun ang gawin mo. Kung ayaw mo naman sa isang bagay, pwede mo namang sabihin ang simpleng, “No” kesa sa “Eww yuck kadirs.”
Kapag kasi maarte ka, it prevents you to be humble and kind-hearted. Hindi ka makakahalubilo sa mga tao kung ganun ka. Ikumpara na lang si Jose ng All for Juan, Juan for All ng Eat Bulaga versus mga politikong lumilitaw lang tuwing panahon ng halalan. Impernes to Jose, nakikita ko yung sincerity. Kapag politiko yan, pagtalikod nyan maliligo na yan ng rubbing alcohol. Parang si Richard Gutierrez versus Paolo Bediones ng Extra Challenge. Dati ang ganda ng Extra Challenge, ngayon no comment. Hindi ko kasi pinapanood. Haha.
Sorry naging random ang post. Hanapin na lang ang connection.
This are a good post. I mean posts. I mean is. :b
hindi tayo magkakasundo. joke.
Ahahahaha!
By the way, ang ganda po ng dalaginding nyo! Cute cute~!
matutuwa nyan yun nanay niya 😀
Hawig nga po sila ni nanay niya! 🙂
pumapalakpak ang akin tenga ahem. . .ahem
kanino pa ba magmamana kung sa akin sadyang malakas ang dugo ko kaya kamukha ko.
bakit ata ang babae kapag sinabihan ng maarte kahit pabiro, sobrang nasasaktan? hihi
ask mo jowa mo 🙂
hindi naman kasi ganun yung akin hehe
i am is not comment to this. hahaha.
naku, buti na lang tagalog ang mga posts ko. Kung nagkataon, tadtad pala ako ng kritisismo. At ewan ko rin, hindi naman ako marunong mag Inglis pero kumukunot din ang noo ko kapag may nakikita akong pagkakamali sa basic na subject-verb agreement. Grammar nazi!!
Kaya ko pang palagpasin yung mga ganyan at yung mga punto sa pagsasalita.. wag lang ang putok… naku, nakakainit talaga ng ulo…hehehe
huwag kang mag-alala sir, di naman kita syosyotain haha.
alam ko naman pangit sa paniingin yun ganun pero rude at unethical naman kung maninita ka. kasi kahit naman tayo e nagkakamali paminsan minsan.
Ows my golly! I am very much sorry if i made you turn-off to me.. I pramis to be more than ever correctness my grammarization… I sorry much very… Eeewwww….
hahahaha. sabi ko na nga ba issue tong ‘turn off’ ko. kaya nga may disclaimer hahaha.
Apple were red. The balls was bouncing. Is those right? Lol. Pano kung sobrang ganda pero may putok? Paliguan mo na lang. Hahaha.
yun din ang tanong sa akin ng asawa ko, paano kung mukhang miss u tapos may punto. sabi ko hindi pa rin. lol.
kung maganda yun tapos may putok malamang may problema yun. unless bumbay siya.
Naaliw naman ako dito, Kuya. As always. Hahaha.
Grammar Nazi. Pero mahirap naman talagang hindi mapuna kung alam mo kung ano yung tama at dapat diba? Hehe.
At may naalala akong joke na narinig ko lang sa mga katropa ko. Hulaan mo na lang kung ano ang sagot ni A! Hehe! 😀
A: Honey, alam mo, amoy tinapay ka..
B: Ah talaga? Anong tinapay naman yun? *excited*
A: _____________.
Ganyan din yung tema ng joke namin sa isang dating magsyota dito (pero hiwalay na ngayon) na ukol naman sa tawagan ng magjowa.
Ano ang magandang tawag sa syota mo?
Maganda yung parang tinapay.
Buttercup, babycake, sweetiepie.
Pwede rin ‘putok’.
Sabay tawa ng grupo.
Hahahaha! E amoy putok naman nga ba yung syota? Major turn off talaga noh? Hihi.
hindi. pang asar lang talaga. naalala ko nung sa isang parang Ocean Park sa Chicago. Isipin mo na lang kung gaano kakulob ang lugar. Tapos may makakasama ka sa tour na isang grupo na may BO. Parang na tear gas kami dun.
Wahahahahahaha! Unimaginable! Haha! XP
Di ko lang na-imagine, na-experience ko pa. Hindi ko lang mabanggit ng diretsa kasi lalabas na offensive pero isa po silang ‘Pana’ family.
hahahaha! meron din akong alam na ganyan din ang amoy e. pagkain naman.
na-try mo na ba ang chili con carne ng isang fastfood chain na mahal ang mga burgers? it’s a must-try. hahaha. XD
at anung burger naman yun?
Hindi po sya burger. Hehe. Rice meal sa Wendy’s. Epic pag naamoy mo. Mas epic pag naubos mo. At pinaka-epic pag dumighay ka. Wahahaha. 😀
lol bihira na kame sa wendy’s e. ang mahal na ng burger dun. dati mura lang.
haha. yun nga. yun na lang yung affordable nilang meal. tapos, boooom! napag-isipan ko pa ng masama yung katabi ko sa pila kasi kasabay nyang lumapit yung pagserve nung chili con carne. hahaha. salbahe talaga ako.
akala mo bumbay hahaha
hahaha! mismo! e hindi naman mukhang indian. hehe. nung unang pagsubo ko, ayun, check! yun pala. haha. buti di talaga ako napa-dighay. kung nagkataon, baka isipin ng iba na cannibal ako. hahaha. 😀
cannibal na kumakain ng… bumbay? hehe. actually ako namimiss ko ang persian foods. ang mahal kasi dito. lol. masarap tumikim ng mga kakaibang putahe.
hahaha! tama! kumakain ng pana! hihi. matesting nga din minsan ang persian foods. hehe. wala ba yang mga kakaibang aroma? hihi
yun nga ang bentahe nun e. yung kakaibang amoy at lasa. minsan kasi nakakasawa na rin yung lasang inihaw, nilaga at sinigang. haha.
at prito pala.
subukan mo naman ang paborito ko. bicoool expreeeeeees! hahaha. 😀
ang totoo nagluluto rin ako nyan 🙂
wooow! yung may kasamang espesyal na plastik? hihi. 😀
siyempre yung wala 😀
eto mga luto ko: http://ulamazing.wordpress.com/
TUNA SKYFLAKES! masarap na pulutan. hihi. 😀
you is not perfectionist to english grammars?. Well I was. hahaha
yung putok na tumatambay sa ilong. hindi ko rin yata kayang itolerate. hahahha
what if katabi mo sa kama? haha
malambot ang kama. di sanay ang likod ko . mglalatag ako ng banig :p
Hahaha natawa ako sa Question and answer, maganda. Nakaka aliw basahin
salamat po 🙂
natawa ako dito pramis… 🙂 naalala ko lang ang pinakamasamang experience ko sa mrt. noon hindhi pa hiwalay ang babae at lalaki.. sa sobrang siksikan nangudngud ako sa isang lalaki.. kaguapo pa naman. ok na sana dahil gentelman.. kaso mo dahil sa kagustuhan maging sandalan ko (siguro) sya humawak sa hawakan so itinaas ang kamay! omaygash!!! teargas!!! hahaha (nakarelate)
buti pa ang badbreath candymint lang katapat..
naki-saya, nakibasa, naki comment at naki follow na din po.
P.S. di ko nakita ang about?
kahit gaano talaga kaganda o kagwapo ang isang tao, malaking factor yung amoy nya lol. salamat din sa pakikibasa, pakikisaya at pakiki-follow.
PS: meron dati inalis ko para i-edit. dati kasi isa lang ako. ngayon tag team kami ni wife. 😀