Personal Musings

Day Eight: Three Turn Ons

ni-google ko ang picture na ito na galing sa yahoo.

ni-google ko ang picture na ito na galing sa yahoo.

1. Babaeng mapaglaro. Ang nakaka-turn-on sa akin na unang una ay ang isang babaeng mahilig maglaro. Hindi lang dapat isang laro ang alam niya, dapat marami katulad ng mga nasa baba:

Bahay-bahayan: Minsan, may mga tao na ang gusto ay yung mga boyfriend/girlfriend material. Ako ang hinanap ko e yung marunong sa bahay-bahayan o isang housewife material. Oo nga at napag-aaralan naman yun pero maganda na rin kung may kaalamang pangpundasyon. Siyempre dapat magaling din sa tatay-tatayan at nanay-nanayan.

Harutan: Parte ng isang masayang family/partner bonding ang harutan. Maganda kung game siya sa mga ganitong bagay. Isipin mo na lang kung ang syota mo, tapos kiniliti mo at bigla kang sinapak parang Pacquiao. Haha.

Paglalaro ng isports. Ok ka ba tiyan? Minsan kailangan din talaga nito. Para iwas sa mga karamdaman na signs of aging.

Pangungulekta ng mga laruan: May mga bagay na lumipas man sa panahon e patuloy na nagbibigay pa rin sa iyo ng ligaya at nagbabalik sa iyong kabataan (kahit bata pa naman talaga ako). Sinusuportahan ka niya sa iyong hilig na mag-ipon ng mga bagay bagay ano pa man o gaano pa man ito kaiba sa karaniwan. See: SD Gundam 00, MG Shin Musha, other Gundams and Magic Cards.

Paglalaro sa kompyuter: Ito ang pinakaimportante. Dahil kung marunong siya maglaro ng ganito, naiintindihan niya kung bakit kailangan umuwi ng late dahil kailangan rumebanse. Naiintindihan niya kung bakit minsan kailangan magpuyat para mag-level-up. Naiintindihan niya rin na ang ibig sabihin ng last game ay lalagpas ng isang oras. Ayos lang din sa kanya na bumibili ka ng ‘bala’ na nasa halagang dalawang libo mahigit pero hindi ka makabili ng damit na halagang limang daan. Kasama na rin dito ang bibihirang paggastos ng pera para sa isang bagay na sa loob lamang ng elektronikong kahon mo maipagmamayabang.

2. Babaeng malaki at mataba ang pu…so. Dahil sa palagay ko mabuti naman akong tao (pero hindi naniniwala si Jonalyn), kaya dapat mabuting tao rin ang gusto kong makasama. Nakakalibogtun-on ang isang taong may pleasing personality. Ayaw ko na malagay sa posisyon na mabuti ang gusto mong gawin tapos yung kapareha mo yung nagsisilbing demonyo sa kunsenya mo. I’m softhearted to softhearted people.

Kaya siguro nandito ako sa mundong ibabaw dahil hindi lumagpas na ako sa langit. Ang maniwala na mabait ako ay pangit.

3. BBW. Babala: Kung hindi mo alam kung ano ang BBW tanungin lang si Potpot o kaya si Noodles. Huwag i-Google.

Hindi ko alam talaga kung ano ang binibigay na karisma ng mga BBW sa akin. Kung yung iba ‘yuck’ ang ekspresyon kapag nakikita o nakakapanood ng BBW, ako ok lang. Huwag lang siguro yung tipong super na sa BBW na kaya ka ng tabunan. Ganun siguro talaga ang fetish ko. Ang mga BBW kasi malaki ang pu…so. Bow.

Advertisements

7 thoughts on “Day Eight: Three Turn Ons

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s