Humor / Personal Musings

Day Nine: Two Smileys That Describe Your Life Right Now

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng gumawa ng blog challenge na ito at ang number 9 e tungkol sa smileys. Dahil ang tanong e yung tungkol sa buhay ko right now e ito ang tamang tamang smileys. By the way hindi pala ito smileys but meme faces na kinuha mula website na ito.

haters gonna hate

haters gonna hate

Daddy naiingit daw sa atin si —— kasi mayaman daw tayo. Marami daw kaming laruan at masasarap daw yung pagkain naten.
Kung talagang mayaman tayo, hindi dapat tayo umuupa. May sarili tayong magandang bahay at magarang sasakyan. Hindi tayo mayaman. Nagsisikap lang kami na hindi tayo maghirap.

May isa pa akong narinig na mga parinig o mga kwentuhan sa isang umpukan sa kalapit. Ansabeh: “Darating din na babagsak din sila. Parang gulong lang ang buhay minsan nasa taas ka minsan nasa baba.” Sa isip ko: “Oo ang buhay parang gulong, pero kung patuloy kayong walang gagawin para umangat kayo mananatili kayong nasa ilalim. Kailangan din nating magsikap para gumulong ang ikot ng buhay. Isa pa, kahit anung gawin niyong tapak sa ibang tao hindi kayo aangat. Bumababa man sila, kayo nasa dating pwesto pa rin kayo. Hindi pag-angat yun. Tandaan na hindi lang gulong ang meron sa buhay, may karma din.”

Ito ang itsura ko ngayon lol.

Ito ang itsura ko ngayon lol.

Ganyan ako kapag nagtatrabaho tapos kapag gumana ang ginagawa ko… BOOM!

Advertisements

35 thoughts on “Day Nine: Two Smileys That Describe Your Life Right Now

  1. “Oo ang buhay parang gulong, pero kung patuloy kayong walang gagawin para umangat kayo mananatili kayong nasa ilalim. Kailangan din nating magsikap para gumulong ang ikot ng buhay. Isa pa, kahit anung gawin niyong tapak sa ibang tao hindi kayo aangat. Bumababa man sila, kayo nasa dating pwesto pa rin kayo. Hindi pag-angat yun. Tandaan na hindi lang gulong ang meron sa buhay, may karma din.”

    May Punto ka dito :)))))

  2. nakaka-tats naman yung usapan nyo ni anak.
    di talaga maganda ang crab mentality…mas maganda sa pag-angat natin kasama natin ang iba.

  3. Ah, crab mentality talaga ng mga Pinoy, oo. Hayaan na, wag silang pansinin. Basta ang mahalaga ay ginagawa mo ang lahat para sa family mo. At isa pa, mapapagod rin ang mga yan hehehe

  4. Ang cute lang nung meme na haters gonna hate. Ang bouncy! Parang buhay nga naman, bounce lang ng bounce. 🙂

  5. bravo i like this post! That’s why i keep on suggesting sa mga kakilaka ko na kung magsisikap ka na rin lang go for extra ordinary. kung ang motivation mo ay mairaos lang ang maghapon mo na makakain ganoon ng ganoon. kung ayaw mong mag-aral dahil tutal mahirap naman maghanap ng trabaho, ngayon pa lang sinelyuhan mo na ang future mo. kung nakadepende ka lang sa ibang tao para sa iyong buhay. shadow ka na nga lang nila.

    ang hirap gumawa nang malaking hakbang pero kung hindi ka hahakbang nandyan ka lang sa iyong kinalalagyan. Hindi ka dapat manisi ng iba kung napag-iwanan ka, ginagawa lang nila ang nararapat. ‘Wag lang sila mang-aapak ‘di ba? hehe!

    mabuhay!

    • kaya ako ginagawa ko na lang ang lahat para umasenso sa buhay. wala akong pakialam sa iba na puro inggit ang nasa isip. wala rin naman mangyayari kung papansinin pa sila.

      siyempre kung anu man yung ginagawa naten dapat malinis at mabuti hindi yung umaangat ka kasi nandadaya ka o nanloloko ka ng iba.

      cheers!

  6. Ah, the famous crab mentality rears its ugly head again. I’ve been hearing about this from family. indeed , it’s hateful (not that I’m a hater^__^)

    Cheers !

  7. Nakakalungkot lang na imbis na pagbutihin nila yung sari-sarili nilang buhay eh kailangan pa nilang manghila ng tao pababa para maramdaman lang nila na “angat” sila sa buhay 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s