Food / Personal Musings / Quotes

Ang mga Ayaw ni Chocolatecake.

got from: bitsandpieces.us/wp-content/uploads/2012/11/u-dont-like-what-im-posting.jpg

got from: bitsandpieces.us/wp-content/uploads/2012/11/u-dont-like-what-im-posting.jpg

Ilang buwan na akong kating-kati mag-post sa blog wala lang talagang oras at sa dami di ko na alam kung ano uunahin.Kaya ito na lang ang napili ko tema,Lahat naman tayo may kanya kanyang di gusto o kinaaayawan maaring sa pagkain, materyal na bagay, o kaya naman TAO..Kung tutuusin marami akong di gusto kung isusulat ko mahaba-habang post ito kaya pinili ko yun mga pinaka-kinaaayawan ko:

1.Sa dami ng klase ng mushroom na pwedeng kainin isa lang di ko maatim kainin ang SHIITAKE,yun iba nasasarapan pero para sa akin nakakasuka.Noon nagluto si Jc na may ganon mushroom napakadulas at may kakaiba syang lasa na ayaw ng dila ko.Siguro iisipin ng iba na maarte ako pero anong magagawa ko kung di ko talaga gusto.

2.Animal lover ako mahilig ako sa pusa at aso and gusto ko din mag-alaga ng lovebirds pero ayaw ko ng ahas di lang sila sa gubat nakikita minsan nga katabi mo lang at yun mga isdang bumubukol ang ulo. Noon minsan pumunta kami sa petshop ng kaibigan ni jc pinakita nya ang koleksyon nyang ahas, nahawakan niya yun isa pero ako tinitignan ko palang natatakot na ko.

3.Di ako pihikan sa pagkain pero di mo ko mapipilit kumain ng mga exotic food mga tipong matatabang uuod na galing sa puno, kuliglig, basta mga ganon klase.Kahit pa sabihin napakasustansya ay ayoko pa rin subukan.

4.Maganda ang mga make up lalo na kung marunong gumamit o maglagay sa mukha pero kahit siguro marunong ako maglagay di ko gagawin kasi feeling ko ang daming paru-paro na nakadapo sa mukha ko,kuntento lang ako sa powder and lipgloss. Simpleng babae lang ako.

5.Di naman ako madamot pero ayaw ko lang pinakikialamanan ang mga bagay at mga tao na pag-aari ko siguro naman marunong kang umintindi.Sino bang tao gustong may kahati lalo na sa asawa.Ang pag-ibig parang tubig lumalabo lang pag may nakikisawsaw.Try mo sumawsaw baka dugo na hahalo sa tubig.

6.Allergic ako sa pangalan MICHELLE wag na kayo magtaka kung bakit,marinig o mabasa ko pa lang ang pangalan yan nakakapang-nginig ng laman sa gigil.Kaya kung yan ang pangalan mo naku teh wag ka ng umasang magiging kaututan dila mo ako.

7.Backstabber ito yun mga tao feeling close pero pag nakatalikod na sandamukal na pamumuri at magagandang bagay lang ang maririnig mo mula sa kanila. mga taong perpekto ang tingin sa sarili.

8.Pag galit ako ayaw na ayaw ko yun kinakausap ako na para bang walang nangyari,wag plastik unless ako talaga ang may kasalanan ako mag-gigiveway.  i can forgive but i will never forget your name Bitch!

9.User o manggagamit yan ang mga taong dikit ng dikit dahil alam na may makukuha sayo.Daig pa ang linta before kasi may ganyan ako kakilala pero dahil ilang beses na nya ako nabiktima nagdesisyon akong putulin na ang friendship namin.

10.Mind your on business kung di ka naman involved sa issue bat makikisali ka,bat makikisawsaw ka sa problema ng iba bat di mo itry na intindihin ang sarili mong problema. Ok lang makialam kug makakaresolve ng problema pero paano kung mas lalo pang nakasama.

para sa taong ayaw ko:

“hindi MAHALAGA kung AYAW mo sa akin,ang IMPORTANTE hindi kita GUSTO”

“mabait akong kaibigan pero masama din akong kaaway”

Advertisements

22 thoughts on “Ang mga Ayaw ni Chocolatecake.

  1. hello, cheese… ala pang bagong post dine? ei, di ba may sariling site si choco- tama ba? 🙂 medyo nalilito lang me kasi from time to time, featured or guest post sya rito sa simplysaycheese, ahehe. paliwanagan mo nga me ng onti… regards. 🙂

    • parehas po kaming author ng blog na to. mas madalas lang ako mag-post. 😀

      super busy kasi ngayon e. dami kong iba-blog walang oras. patingin-tingin lang ako ng comments at pa-hop-hop paminsan-minsan. siya muna nag-fill in the blanks for the mean time.

  2. ang taray ni ate… mukhang similar ang mga ayaw at gusto natin ha… hehehhe! aren’t we all? anyway, hinay hinay lang baka atakihin sa puso si ate… see you around! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s