Personal Musings

Heart To Get

Mr. Kupido
Ako nama’y tulungan mo
Ba’t hindi panain ang kanyang
Damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya’y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko

Kung mga nasa kasing-edaran ko kayo, maaalala niyo ang dating game ng Eat Bulaga na Heart To Get kung saan isang lalake o babae ay pipili ng makaka-date niya mula sa tatlong contestant na dadaan sa ilang pagsubok. Yung nasa taas ang theme song ng segment na ito. Inaalay ko rin ang kantang iyang sa dalawang ito sa baba:

boy_heart

Ito si Boy, hindi niya tunay na pangalan. Nasa edad na humigit kumulang trenta. Wala siyang profile picture sa Facebook niya na kamukha niya kaya naghanap pa ako sa mga naka-tag na pictures. Mahilig siya sa videogames at kasalukuyang admin ng isang page sa Facebook kung saan pwede magbenta at makipagpalitan ng mga bala sa PS3 at PSP kasama na ang iba pang klase ng mga videogame consoles sa mga nasasakupang lugar na malapit sa kanila.

Medyo may pagka-emo ang mga poste nitong statuses sa Facebook. Nagkakasundo naman ang mga kaibigan sa paligid niya at sinabing babae lang ang kulang sa buhay mo. Gentleman, mabait at may good sense of humor siya. Yun lang din, mukhang kailangan ng training ni kuya dahil may pagka-torpe sa mga babae. May hitsura naman. Kulang lang sa ‘push’ at self-confidence. Abala siya ngayon sa pag-aalaga ng mga pamangkin sa kapatid na kumakayod sa ibang bansa. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Sauyo, Novaliches, Quezon City.

girl_heart

Ito naman si Girl, mas malamang hindi niya tunay na pangalan. Nasa mid twenties naman siya. Aaminin ko hindi ko masyadong kilala si girl. Pero alam ko meron siyang mabuting kaluluwa, as in ten times. Matagal na dapat itong post na ipinangako ko sa kanya kaso naging busy ako kaya medyo quickie mode ito ngayon. Ayan wala na akong utang.

Kasalukuyan naman siyang nagtuturo ng mga Korean students sa pamamagitan ng isang call center. Mahilig din yata siya sa videogames. Nakatira naman siya sa Cavite.

Single sila parehas kaya may post na ganito. Alam na. Malalaki na sila.

Advertisements

23 thoughts on “Heart To Get

  1. Pingback: Wansapanataym Itsa Balentayms | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s