Travel and Events

Anong Petsa Na Ba?

Sisimulan ko nag poste na ito sa pagbibigay sa inyo ang kaalaman ukol sa mga holidays na meron tayo ngayong taon. Hindi ko lang sigurado kung ano dyan yung may pasok o wala.

January 01 New Year’s Day
February 25 People Power Day
March 28 Maundy Thursday
March 29 Good Friday
March 30 Black Saturday
April 9 Day of Valor (Araw ng Kagitingan)
May 1 Labor Day
June 12 Independence Day
August 9 Eid al-Fitr
August 21 Ninoy Aquino Day
August 26 National Heroes’ Day
October 15 Eid al-Adha
November 1 All Saints Day
November 2 All Souls Day
November 30 Bonifacio Day
December 24 Christmas Eve
December 25 Christmas Day
December 30 Rizal Eve
December 31 New Year’s Eve

Kahapon kasi may ganitong eksena…

Jonalyn: Bakit andito ka pa?
Me: Walang pasok, holiday.
Jonalyn: Anong meron.
Me: Araw ng Kagitingan yata.

Ang nakakalungkot lang din kasing isipin, marami nga tayong holiday pero mas madalas hindi na rin naten alam kung para saan yun. Mas madalas ang holiday ay isa na lang na oportunidad upang makapag-pahinga sa eskwela at lalong lalo na sa trabaho. Nitong nakararaan lang, nag-observe tayo ng Holy week. Tuwing Holy week din jampack ang mga beaches at mga resorts. Hindi ko naman sinasabing nakalimutan na ng mga bakasyunistang ito ang essence ng holiday na iyon. Siguro naman nagkaroon din naman sila ng time para bumisita sa simbahan at magnilay-nilay. Nagkataon lang wala kaming pang-‘beach’ that time kaya staycation lang muna.

Mahilig naman tayong mga Piipino sa mga piging at mga pagdiriwang. Mayroong Sinulog, Panagbenga, Moriones, Dinagyang at kung anu-ano pa. Yun nga lang, kung ano pa yung mga sinasabi nating National Holidays, yun pa yung mga normal lang na araw. Why the big deal? Wala lang akong mai-post. Nung panahon nandun kami sa Chicago, isang National Holiday sa America ang nasaksihan namin. Yung yung St. Patrick’s day (number 20 sa linked blog post ko). Dito halos lahat ng lugar, damit o kung anu-ano pa e kulay green. Pati yung river at fountain, kinulayan ng green. Hindi ko lang alam kung ano yung nilagay nila dun. Isa pa, as I recall may nagkwento sa akin na kamag-anak na ang Independence Day sa America ay talagang sine-celebrate. Hindi lang yung basta maglalagay ka lang ng National Flag katulad ng ginagawa ng mga Pinoy. (O baka naman hindi pa talaga nae-embrace ng mga Pilipino ang pagiging malaya?)

Tuwing Christmas, gasgas na gasgas na yung Stop Motion movie ni Rudolf the Red Nose Reindeer pero pinapalabas pa rin sa TV tuwing holidays. Bakit kaya wala man lang paalala na katulad noon tuwing Araw ng Kagitingan o National Heroes’ Day? Pwede naman nila ipalabas yung dating series na Bayani sa Channel 2.

Para kasing kapag mga ganitong okayson (na National Holiday kung tawagin), iilan lang naman talaga yung nakakaalala. Nakakahiya man sabihin, hindi ko po alam kung para saan yung Araw ng Kagitingan. Akala ko nga iisa lang yung sa National Heroes’ Day.

Siguro nga ganito lang talaga tayo. Bow.

Advertisements

14 thoughts on “Anong Petsa Na Ba?

  1. “…pagbibigay sa inyo ang kaalaman ukol sa mga holidays na meron tayo ngayong taon. Hindi ko lang sigurado kung ano dyan yung may pasok o wala.” hahaha. 😉 hello! happy summer.

  2. at salamat naman, kuya, sa pagbibigay ng listahan ng mga araw na kami ay may double pay. LOL.
    nakakamiss pa rin pala magtrabaho sa totoong school. mas gusto ko pa rin talaga ang bakasyon kesa sa dobleng kita. walang halong char yan ha. hehe. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s