News and Information / Personal Musings / Religion

Random

  • Hindi ako religious na tao pero natutuwa ako sa mga tao na tumatayo para sa Dios. Kaya ipinagdadasal ko yung matandang lalaki kanina sa MRT, nasa edad na singkuwenta, at nagpi-preach tungkol sa Biblia na mala-radio announcer ang boses. Ang kaibahan lang niya sa madalas na gumagawa nito, wala siyang dalang sobre o kaya donation box. Kaya astig si manong. God bless po.
  • Trending ngayon ang balita tungkol kay Janine Tugonon at sa vocalist ng sikat na bandang The Script. Siguro dahil nga sa celebrity si Janine kaya pumutok ang issue na to at nagiging big deal. Yun nga lang status o kaya tweet ng mga artista e headlines na sa mga showbiz news, ito pa kaya. Hindi naman sa sinasabi kong suntok sa buwan yung maging sila ng vocalista pero medyo malayo pa yata yun sa katotohanan ngayon. Isa pa, bilang isang lalake, kawawa naman yung naiwan ni Janine para ipalit sa isang idolo. To give the benefit of the doubt, baka naman talagang may issues na talaga yung relasyon nila bago pa man umeksena yung ka-tweeter ni ate. Well buhay na nila yun.
  • abs-cbnnews.com

    abs-cbnnews.com

  • Isa pang trending e yung post ni Jhong Hilario sa kanyang tweeter account kung saan nag-hello ang kanyang tweeter. Ayoko mag-post ng picture dito google niyo na lang.
  • Nakakainis yung mga nakaupo sa bus at ayaw umusog pero malayo pa pala yung bababaan. Ganyan madalas sa biyaheng LRT Ayala. Sila rin naman yung naaabala. Fok.
  • Dati Angry Birds at Plants vs Zombies ang uso na application/games sa mga handheld devices. Pero uso man sila, hindi sila yung tipong halos lahat ng makikita mong may device e ayun ang nilalaro. Then came Candy Crush Saga. Parang tuwing nasa MRT ako laging may naglalaro nito. Hindi lang nilalaro, topic pa over lunch nung kumain ako sa KFC. Btw, nasa level 90+ pa lang kame. Tinamad na akong gumawa ng bagong profile kaya yung kay Jonayn yung nilalaro ko. Pa-send na lang ng life joke.
  • Speaking of Plants vs Zombies, inalis na pala yung Michael Jackson zombie dun. Wala lang nagulat lang ako.
  • Nung nag-encash ako ng check sa PNB (Philippine National Bank), nalaman ko sa isang poster/advisory nila dun na merger na pala ang PNB at Allied Bank at ike-carry pa rin ang PNB na pangalan. Ang merging daw na ito ay magdadala sa kanila sa #4 ranking sa mga bangko. Wala lang ulit.
  • bpiexpressonline.com

    bpiexpressonline.com

  • Dun sa mga gustong mag-save pala pero hirap mag-save, meron pala sa BPI (Bank of the Philippine Islands) na BPI Save-up account. Basta meron ka lang BPI Savings account, pwede ka na mag-open ng Save-up account. Ang mangyayari lang e kukuha ng pera from the source account (BPI Savings which in my case e yung salary account ko) papunta dun sa isang account automatically. Ikaw bahala kung ano ang schedule kung kelan magbabawas. Basta ang minimum frequency ay monthly at ang minimum transfer ay P250. Pwedeng ring weekly or twice a month at kahit magkano basta not less than P250, ikaw bahala sa schedule. Wala itong initial deposit na kailangan basta lang hindi bababa ng P1000 yung laman ng Save-up account mo. Huwag ka lang magtataka na lumiliit yung sweldo mo, di mo alam dun pala napupunta sa isang account mo. Madali lang diba? Iniisip ko nga kung bakit ko ngayon lang nalaman to, dapat pala matagal na kami nakapag-save. You can call BPI to know more.
  • Nakaka-inis ang mga commercial ng mga banko ukol sa kung gaano kadali mag-loan sa kanila. Bakit yung sa amin hindi ma-appove?

BB GTG LOL TNT

Advertisements

18 thoughts on “Random

  1. TNT? Haha. May save-up din ako sa debit card ko. Apir! Wala lang.

    Ay nako nilaro ko yang candy crush, tatlong araw lang tinagal At dinelete ko nakakaadik pala talaga. Hakhak.

    Ganyan naman sa Pilipinas, basta sikat ka paguusapan ka na agad at huhusgahan ka na parang kilala ka na nila. Henako. Showbiz!

    Good job manong sa MRT! Ano ba sabi niya? Di mo yata ninamnam sabi ni manong e. hakhak.

    Ay syanga! Ilalagay pa yung bag sa tabi, binayaran mo yung isang upuan? Walang respeto sa kapwa pasahero. Asar much! Perooooo minsan ganun ako e. hakhak. Baka ako yun? HAHAHA!

    • lalaki yun e so malamang hindi ikaw yun haha.

      hindi ka pala matyagang tao. isang level nun sa Candy Crush umabot ng isang Linggo buti na lang nachambahan at nalagpasan pa rin.

      TNT tagalog version ng LOL = Tawa Ng Tawa πŸ˜€

  2. Kung ako man yun, si The Script na! lol. Masyado naman nilang hinuhusgahan si Janine. Kung hindi mo na maramdaman na mahal mo ang isang tao, break na. Haha. Mas ok na yun kesa pagsabayin. TNT Naadik din ako sa Candy Crush kaso lagi ako nauubusan ng Life. TNT

    • yun nga. baka naman talagang rough times na yung relationship. ang masakit lang, sa harap ng milyon na nakatutok sa telebisyon sinoplak mo si guy haha.

  3. sa yo ko lang nalaman yung tungkol kay janine at jhong haha, trending na trending sila nung tsinek ko sa twitter… saludo rin ako kay manong preacher. ano yung BB at GTG? bakit ngayon ko lang yata na-encounter ang mga acronym na ‘ yan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s