Life and Family

Lipat Bahay Tips

Nitong Sunday ng gabi isang Sunday na sa tagal ng draft na to, lumipat kami sa aming ika-anim na bahay bilang magpakner ni Jonalyn. Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Ito kasi yung second to the last, hopefully, na bahay na lilipatan namin. Second to the last kasi yung last house e yung house na we can ‘somewhat’ call our own. I tend not to explain more kasi complicated.

There are several reasons bakit hindi kami mapirmi sa isang lugar. Saka yang paglipat-lipat naman na yan ay hindi naman ganun kabilis kasi within the span of 8 years kaya masasabing tumatagal din kami sa pwesto. Hindi man masasabing eksperto na kami pero ito lang naman yung pwede naming ibahagi para makatulong sa inyo kung naghahanap kayo ng uupahan o kaya naman balak niyo ring maglipat.

ang nakaka-stress na paglilipat. πŸ˜€

1. Kung uupa kayo, i-consider na depende sa lugar yung presyo ng renta. Mas mahal kapag mas malapit sa syudad kesa sa malapit sa ka-nayunan. Alam ko naman na alam mo na yan pero kasi isang beses, naghahanap kami ng bahay, porket malapit lang sa palengke e malaki na agad yung difference. Kaya kung medyo tight sa budget, huwag na maghanap ng bahay na malapit lalo na sa mga mall.

2. Inspeksyunin ang bahay structurally. Silipin kung baka ilang araw lang ay guguho na yung bahay o kaya naman babagsak na yung kisame. Baka rin kasi bahay na pala ng daga, ipis o anay ang prospect ninyo.

3. Tignan din kung maayos at legal ang linya ng tubig at kuryente. Nasa pag-uusap niyo naman yan kung papayag kayo kung ganun man ang setup pero ang mahalaga alam niyo. Isang beses kasi umupa kami tapos ang sabi sa amin MWSS daw yung tubig. Later on, nalaman namin na hindi pala at galing lang pala sa ilalim ang tubig (deepwell) gamit ang isang pump. Mahirap kasi sukatin yung totoong consumption mapa tubig man yan o kuryente kung walang sariling kuntador.

Pero katulad ng sabi ko, call nyo yan kung gusto niyo ng unlimited na ilaw at tubig. Alam rin naman naten din yung risks nun.

4. Humingi ng kontrata sa pag-upa at resibo sa mga binayaran na. Proteksyon kasi ng umuupa at nagpapaupa ang dokumentong ito. Dito kasi masasaad yung mga pwede at hindi pwede gawin ng umuupa at nagpapaupa pati na yung mga responsibilidad ng parehas partido sa pag-uuupa. Hindi man detalyado yung ginagawa iba, ang mahalaga e meron signed document. Ang mahirap nyan baka makakalimutin pa yung nagpapaupa sa inyo at pagbayarin kayo ng dalawang beses sa isang buwan.

5. Kung mayroong mga sira sa bahay na titirhan ninyo, ipaalam agad ito sa may-ari bago pa lang kayo lumipat. Ito ay maaaring sirang doorknob, basag na salamin o kaya sirang kabinet. Ipaalam kaagad kasi baka pagdating ng oras na aalis kayo sa bahay na iyon e sisingilin kayo sa damages na in the first place e nandun na talaga.

6. Kung may alaga kayong hayop, itanong agad kung pwede ba ito sa bahay na uupahan. Karaniwan nalasaad na ito sa advertisement kung online kayo tumitingin. In case hindi, better ask.

7. Totoo yung sinasabi sa mga advertisments na ang lugar nila ay five minutes aways from somewhere. Kadalasang sinusukat e yung layo nila sa pinakamalapit na mall. Totoo naman yung mga sukat nila, basta may sarili kang sasakyan, patatakbuhin ito ng 120 km/h at dapat walang bumabyaheng ibang sasakyan para walang sagabal. Magagawa mo ito malamang mga alas-dos ng madaling araw. Ang problema, sarado yung 5 minutes away na mall ng ganitong oras.

8. Siguraduhin ding flood free ang target niyong lipatan. Basta pa naman tag-ulan sa Pilipinas, automatic tag-baha din.

9. Kung may mga anak na kayo na may isip na, ipaalam sa kanila ang gagawin ninyong paglipat. Para din ma-mentally conditioned sila sa pangyayaring ito. Hindi naman kasi ganun kadali mag-adjust ang mga bata. Bagong environment, bagong school, at bagong friends ang kailangan nilang pag-adjust-an. Bukod pa sa mga mapuputol nilang ties sa dati nilang lugar. Let them know and explain to them why you have to.

Kami tinayming talaga namin na summer vacation para walang pasok ang mga bata. Excited naman sila sa magiging bagong school nila na hindi pa namin actually nai-inquire pa.

10. Isang no-brainer tip naman e yung i-organize yung mga gamit ninyo sa paglilipat. Una, depende kung saan siya nakalagay. Kunyari, pagsama-samahin yung mga gamit na dapat nasa kwarto o kaya naman gamit sa kusina. Para sa gayun, kapag ibinaba sila, alam na agad kung saan ilalagay. Ihiwalay din o lagyan ng label yung mga babasagin, electronics o mga gadgets. Ingatan ang mga jewelries at mga importanteng dokumento.

11. Kung naitabi ninyo ang mga box ng mga appliance ninyo, malaki itong tulong para sa pag-liligpit ninyo nito. Lalo na kung andun pa yung mga styro o the likes. Too bad for us wala na yung sa TV at sa entertainment system kaya kailangan silang isakay separate from the other things. Mabuti ng sigurado.

12. Ang karaniwang upa sa mga ‘movers’ na maglilipat ay nasa P2,500 to P3,000 depende sa laki ng truck. Baka may dagdag pa kung masyadong malayo. Kasama na diyan yung bayad sa magbubuhat. Mas mabuti kung may kakilala para makatipid, katulad ng ginawa namin.

13. Mag-secure ng dokumento sa inyong lokal na baranggay (paggagalingan) upang magpatunay na naglilipat kayo ng bahay. Hindi ko alam actually ang tawag dito. Hindi naman siya necessary pero makakatulong ito sa ilang checkpoints o authorities na haharang sa inyo para mangotong at sasabihin nakaw o smuggled yung mga daladala ng truck nyo.

14. Siguraduhing kayo lang ang nakatira sa bago ninyong tirahan. Ang ibig kong sabihin e merong unseen forces lol. Unless, mahina ang inyong pakiramdam sa ganitong bagay, nevermind.

15. Kung may plano maglipat, huwag muna bumili ng mga malalaking items hangga’t maaari. Kayo rin kasi ang mahihirapan sa paglipat at maaari pa itong ma-damage along the way. Kaya right now, wala kaming sofa at dining table. Balak namin bumili ng simple lang. Saka na lang kami bibili ng maganda kapag permanente na kami.

Wala na akong maisip dala ng runny nose at ubo. Magi-install pa ako ng MS SQLServer. πŸ˜€

Advertisements

29 thoughts on “Lipat Bahay Tips

  1. Ay sayang! Nahuli na tong tip nyo ser sa paglipat ko, hehe.

    Pero oks padin! πŸ™‚

    Problema ko/namen ng housemates e maipis pala sa bahay! Anyare? Nalaman ko nalang may kanal pala somewhere na medyo hidden na malapit sa bahay! Hayyyy. pero wala ng magagawa. Baygon lang katapat!

    Maligayang paglipat! πŸ˜€

  2. pitong beses na ko nakakalipat bahay sa buong buhay ko at parang more to come pa, tawa ako sa number 7 at 14 hehe, tama lahat mga suggestion mo dito, very useful tips sa mga maglilipat

    • ang totoo kasi nakakailang beses na kami (actually almost lahat) e may experience kami sa ganito. ang pinakamatindi e yung may nagbagsak ng pinto sa kwarto namin. yung tipong may galit na galit na taong lumalayas at binagsak na lang yung pinto. naganap ito mga alas otso ng umaga at fair weather. meaning walang bagyo o malakas na hangin. kahit pa may malakas na hangin, imposible bumagsak yung pinto kasi nasa loob ng bahay yung pinto ng kwarto.

      yun lang. (O_O)

  3. wow ang saya naman. di ko na naranasan maglipat nun sa Pinas kasi andito ako sa SG nun. sigurado andun ung stress at excitement nila. kami din lapit na lumipat ng bahay / bansa. super excited na πŸ™‚

    God bless sa new house nyo. I’m sure it will be a home sweet home para sa family nyo πŸ™‚

  4. Tuwing maglilipat kami noon, lagi akong nare-reconnect sa mga kagamitan kong matagal nang “nawawala”. Pero pagtapos ng paglilipat, kung gano yung nahanap kong gamit, ganun din kadami yung di na rin makita kasi di na maalala kung san nailagay. Problemang malupit ng mga nangongolekta ng mga junk.
    Congrats at natapos na ang paglilipat, time to enjoy ang bagong tirahan. πŸ™‚

    • salamat po.

      hindi ko na rin kasi ugali maghorde ng maraming bagay. usually kapag hindi na kailangan tapon na. yung nanay ko naman ang mahilig magtago. nakakatuwa rin makita yung mga bagay na 20 years mo nung last makita.

  5. hindi ko pa nasubukan maglipat ng bahay pero soon baka mag-bedspacer na ako. kaya kailangan ko rin nito. hehehe

    mabuhay at salamat sa pag-share.

  6. hello, musta ang pagsi-settle? tumutulong ka sa pag-aayos, kapatid? hehe. di naman halatang stressed out si chocolate sa paglilipat, sumexy pa nga, hihi. pero, medyo bumilog sya ng onti? πŸ™‚ siguro, panay ang kain nyo sa labas, hala… hano, natuwa ang mga batits sa bagong tirahan? πŸ˜‰

  7. Ano po b ang best dates sa paglilipat bahay, blak ko po lumipat dis coming october . Alin po sa dlawa ang maswerte october 8 or october 16, 2016….tnx po sa magrereply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s