News and Information

Dapat Tama, Sana Tama

Patapos na ang bilangan para sa kararaan lamang na eleksyon. Isa ako sa mga nag-excercise ng right ko bilang isang Pilipino. Aaminin ko hindi ako magaling sa pulitika. Pero ito lang yung mga repleksyon ko sa mga pangyayari.

1. Sa tingin ko, mas mapayapa ang eleksyon sa ngayon kumpara sa dati. Noon kasi, kabila kabila e mayroong karahasan sa araw mismo ng eleksyon lalo na sa oras ng bilangan. Madali kasi dati nakawin ang mga balota. Ngayon kailangan ng at least dalawang maskuladong tao para buhatin ang PCOS machine. Hindi pa nila mahahawakan yung baril nila. Fragged agad.

2. Isa lang na ‘Da Hu’ si Grace Poe bago ang panahon ng kampanya. Pero siya pa rin ang nag-number one. One of the reason maybe because anak siya ni FPJ. If it is, nagsisilbi itong isa sa mga patunay na nadaya si FPJ nung time niya.

3. Pinaguusapan sa telebisyon kaninang umaga yung tungkol sa mga sinasabi at pangako ni PNoy na ‘Kung walang corrupt, walang mahirap’. Ang problema marami pa rin ang mahirap. Ibig bang sabihin nito…(alam na!)

4. Aminado ako hindi ako nag-research tungkol sa mga kumandidato. Ako pa na masasabing edukadong tao. Paano pa kung para sa isang taong hindi nakapag-aral at walang access sa mga impormasyong ganito?

5. Humihingi ako ng pasensya sa sambayanang Pilipino kung nagkamali ako sa pagboto. Dapat kasi isa sa mga boboto ko ay si Jun Magsaysay. Ang problema dalawa pala ang Magsaysay na senatoriables. Ayun. Though naboto ko pa rin si Ramon na akala ko ay si Mitos, nasayang pa rin ang isa kong boto. Kung ako nagkamali, baka may ilang porsyento din dyan ang nagkamali dahil dito. Ang alam ko nga minsan ginagamit pa yung ganitong plot dati para ma-force na magkamali yung mga botante.

PCOS CD-R King

6. Matyaga ang mga Pinoy na pumila at maghintay ng matagal (kahit pa may mga instances na nasira yung PCOS na galing sa CD-R King) para lang makaboto. Magkakamatayan din kung may nangdaya dun sa mga balota. Nagpapatunay lang din ito na importante pa rin sa mga Pinoy ang future ng Pilipinas. Marami pa rin ang umaasang uunlad din ang Pilipinas.

7. Naniniwala akong nanalo si Nancy Binay dahil sa pagkahilig ng mga Pinoy sa mga telenovela. Nitong nakaraan kasi laging pinagtatawanan at inaapi si Binay sa mga social networking sites. E ang mga Pinoy, maaawain sa mga naaapi dahil nga sa mga panonood ng mga ganito kaya ayun, number 4 siya sa mga Senatoriables.

8. Usapang telenovela na lang din, kaya din uso ang mga political dynasty ay masisisi rin sa panonood nito. Sa mga Koreanovela kasi andyan yung mga Kings at Queens at gayun din ang mga monarchial dynasty. Sa tagalog naman, andyan ang ‘Ina Anak Kapatid’. Kulang nga lang kasi minsan may Lolo, Lola, Tito, Tita at mga pinsan pa.

9. Ang pagse-shade ng bilog na hugis itlog ay para na ring pagtaya sa lotto. Siyempre yung mga gusto mong manalo yung mga tinayaan mo. Nakakalungkot rin na may ilang mga kandidato na sana e pumasok sa top 12 dahil mas deserving sila para sa akin. Pero kailangan naten irespeto ang gusto ng nakakarami. Ang tanong lang, ito ba talaga yung gusto nila? Sana lang oo. Kasi hindi tayo makakaalis sa gulong ng hirap na paikot ikot lang kasi paulit ulit din tayong bumubuto sa walang kabuluhang rason at walang kwentang kandidato.

10. Pinasok ko sa PCOS machine ang balota ko kasama ang isang maliit na panalangin na sana, umusog papabuti naman ang Pilipinas sa lugmok na kinalalagyan nito. Mayaman ang Pilipinas pero marami pa rin ang naghihirap. Mayaman kasi bilyon ang nananakaw mula sa kaban nito. Kung talagang naghihirap tayo e sana walang mananakaw.

nancy_binay

Advertisements

29 thoughts on “Dapat Tama, Sana Tama

  1. hahaha! agree ako sa mga nakalagay dito. lalo na sa #2. haha. kaya lang, kala ko gusto ipagpatuloy ni Grace Poe ang nasimulan ni FPJ? bakit kaya hindi sya nag-action star? hahaha. πŸ˜€

  2. ako naman. nagresearch. kasi available naman sa internet. hirap nga eh. di mo naman talaga ma kumpleto ang 12 kung choosy talaga. almost mga binoto ko nasa ilalim! the unpopular ones. altho meron akong 3 nakapasok sa 12. pero given na rin kasi sila. *sigh* so far sa local naman (city) okay ang turn out. sa national lang ung walang pagbabago. yun pa rin. ung sad lang…. baka binili naman nung iba ung boto. πŸ™‚ pero sabi nga ung nasa bottom na votes un daw ung nagisip. mga around 800K rin. so i guess.. marami rami na rin ang nagigising. tsaka marami rin nag-iisip kaso di sila registered voter. πŸ˜› kasi yun nga mga katwiran na… “idontcare” or “yun pa rin eh kahit vote ako”. kelangan lang talaga magkaisa ang mamayan kung gusto natin magbago talaga. and bonggang BAYANIHAN ang kailangan. πŸ™‚ sa 2016 may pag asa pa. sana naman… wag na ibalik si Erap o si Gloria :/ (nanalo daw sila eh). tsaka sana… kung mapag isipan ni Kris Aquino tumakbo bilang Presidente.. eh…magisip na talaga ang lahat. πŸ™‚

    • sabi nga ng isang tula o kanta, dapat magsimula yung pagbabago sa sarili naten. kasi kung babaguhin muna naten ang mga sarili naten dun magwo-work yun parang ripple palabas upang mahawa din yung mga nasa paligid naten hanggang sa buong bansa o buong mundo ang magbago.

      kung patuloy lang din naman tayo magpapabayad sa mga pulitikong sa huli e babawiin din yung nagastos, wala rin talaga mangyayari sa aten.

      kailangan naten bantayan ng mabuti ang paligid naten at mahalin ang ating bansa. hindi lang naman trabaho ito ng gubyerno kundi lahat tayo.

    • haha tama ka. that is actually the bottom line. hindi naman talaga ung nasa posisyon ang solution. im actually working with a civil society movement (not ngo its just a movement)…mag 2 years na rin and that was the main thing. inner change. and we even created an event… liwanag world festival just to highlight the positive initiatives existing globally. πŸ™‚ may event sa 2014 ulit sa iloilo. πŸ™‚ its just disappointing. yung results. pero move forward na. just keep swimming ika nga. hihi

    • ahaha, kainaman ka. kakaiba yon no? anyway, several years back, i had the chance na marinig at makita yaong lolo – ang lolong tinalo, haha – mahusay raw, raw, yaon sa admin and exec tasks, sabi… ang natatandaan ko, bukod sa House floor, nakikita ko syang nakikain sa Office of the Speaker, ahaha. ang sama… πŸ˜‰ anyway, pogi ba ang apo? errr, governor na pala? πŸ˜‰ πŸ™‚

    • ang totoo hindi ko na-gets ito:
      “nakikita ko syang nakikain sa Office of the Speaker”

      yun daw ang naging pinakabatang governor e. hindi lang siguro usual na hitsura ng isang governor ang makikita mo sa batang ire. lol.

    • a, yong lolo, matagal na congressman yaon…sa congress ko sya nakikita dati… but before his stint in congress, medyo high level na bureaucrat na ata sya… medyo magiit syang tao, medyo go-getter…^^

      taka ako ba’t at paano si lolo naungusan ni apo, hehe. ma-google nga ang fes ni apo, hakhak… πŸ˜‰

  3. hello, cheese… na-google ko na, shaks lang. hangganda ng katawan ni apo, hihi. pati face, wapo, ahead na kay lolo, hakhak. πŸ˜‰ model pala sya, naman. wakeboarding pa ang sports, wamemasey… shaks, asan ba ako dati, di man lang naka-tsismis about him until gov na sya, pambihira… ^^

    anyway, may itsura rin ang tatay nya, yong dating gov (mas pogi na sa tatay, hakhak). in fairness, marami silang naipagawang infrastructure doon sa cam sur in the last several years. kasi, sabi, mahusay nga raw si lolo sa ins and outs ng bureaucracy, alam nyang mag-speed up ng SARO, maybe, ahihi…^^

    ay, mas pogi sa ‘yo ang new gov, paano ba ‘yan, cheese? at sa tate raw, nag-aral. sya na… πŸ˜‰

    • hindi ko nga alam kung anong pinagmulan ng ayaw ng ‘Ama Anak Apo’ na mga ito e. Ang tanong lang, talaga bang may ‘say’ si kuya o nadala lang ng looks ang kampanya.

      taga-camsur ka ba?

    • ahihi, ama, anak at apo nga ang wento. πŸ˜‰ feeling ko, uso these years. cool, usapang ancestry sa politics natin, whehe.

      hindi me taga-cam sur, kapatid. nagpunta lang me sa bicol region last year at medyo nadaan sa cam sur area, na-observe na marami-rami rin nga ang bagong pagawang infra roon. ayon… regards sa family mo pala. πŸ™‚

    • ay singol man me, makakagala from time to time, ahihi. saka mas mura pag isa lang, ahaha. trade off ata ang tawag. me family ka naman, better yaon, hala… ^^

      hamo, maliliit pa naman mga bata. pag malalaki na sila at may budget over the tuition, ahaha. mabigat raw kalaban yon, bali-balita, hehe.

      a couple of years from now, kayang kaya mo yon, sus. πŸ™‚

    • sa sobrang bigat na kalaban, hindi ko alam kung saan kukunin yang punctuation ng mga bata. hahaha.

      kaya nga humihingi na ako ng tulong kay jonalyn na mag-work. ang problema, bwisit yang AMA, ang tagal na nung diploma nya wala pa din. march pa namin natapos maasikaso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s