Life and Family / Personal Musings / Pictures

Wansapanataym Itsa Balentayms

Wansapanataym, sa isang malayong kaharian na nagngangalang Alfonso Cavite, nakatira ang isang damsel in distress na prinsesa. Itago na lang natin siya sa pangalang Prinsesa Kk. Namimighati kasi siya sa paglalapastangan ng kanyang puso ng isang prinsipeng nagngangalang The One. Dahil na rin sa kagagawang ito, pinaghahanap na siya ng mga alagad ng batas ngunit ang mga ito ay bigo dahil pumuga na pala prisipeng ito papunta sa kaharian ng Dubai.

Dala ang mabigat na dibdib ng pighati, itinuon na lamang ng prinsesa ang kanyang oras at sarili upang ibahagi ang kanyang mga natatanging kaalaman sa ibang tao. Isa na dito ang kanyang pagkahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles na naibabahagi nya karaniwan sa mga mamamayan na nagmula sa kaharian ng Korea. Madali nang naisasakatuparan na rin ito dahil na rin sa naimbento na sa mga panahong iyong ang Internet at Webcam. Kapag hindi naman niya kaharap ang mga bata at kung minsan ay matanda na nagpapatulong matuto magsalita ng Ingles, siya ay matatagpuan lamang sa loob ng kaniyang kastilong nakatayo sa Kaharian ng Las Pinas. Dito madalas na naglalakbay ang kanyang isipan at nagiging letra sa kanyang obrang blog. Sa paglipas ng panahon din naghihilom ang sugat sa puso ng prinsesa.

Sa paglalakbay niya sa pamamagitan ng World Wide Web, natagpuan niya ang isang hindi naman sa kagwapuhan at kakisigang hari na ayaw magpakilala na nagmula naman sa kahariang Say Cheese. Ito ay isa lamang maliit na kaharian at may populasyon lamang na apat at kalahati. Yun nga lang ay taken na ang hari na ito kasi may reyna na itong walang katulad at hindi maipagpapalit kahit kanino. Ang una na lang na pumasok sa isip ng hari ay ang kaibigan nitong si Prinsipe Orestes.

“Ipapakilala kita sa isang totoong gwapong prinsipe na nagmula karatig ng kaharian ko na tinaguriang Sauyo Novaliches.” sabi ng mahal na hari. “Siya si Prinsipe Orestes.”

Sa likod ng masayahing imahe at kagandahang lalake ng prisipe nagkukubli ang isang malungkot na kwento ng buhay at pag-ibig. Matindi kasi kung magmahal ang prinsipe na ito. Bigay hilig kapag may time. Kaya sa mga nakaraan niyang relasyon e naa-under siya tuloy ng mga nakakapareha. Hanggang umabot na lang sa punto na nag-iisa na lang siya sa pagmamahalang sinubukan niyang panghawakan. Ang resulta ay ang matindi nitong pagka-irita at pagka-emo sa mga bagay bagay na lumalabas din sa mga status nito sa Facebook. Isang makakasama sa buhay at magbibigay inspirasyon lamang ang kailangan niya kaya gayun na lamang at agad na naisipan ng hari na ipakilala siya kay Prinsesa Kk.

Dahil diyan pinayuhan siya ng mga kaibigan kasama na ng hari at reyna ng Say Cheese na mag-move on at mag-grow up kapag may time. Naisip kasi nilang maaari itong maging mitsa upang mawalan ng pagtatangi si Prinsesa Kk sa kanya. Dahil rin na rin sa ‘Love at First Profile View’ ng dalawa, naging walang kwenta na ang mga hadlang na ito at nanaig lalo ang pagkakagustuhan nila.

Hindi naging madali ang pagtatagpo ang dalawa agad agad dahil na rin sa layo ng kaharian ng Alfonso at kaharian ng Sauyo. Buti na lamang at may Facebook na noong mga panahong iyon at pwede nang magpadala ng mensahe na ‘Sent From Mobile’. Hindi rin naman nagtagal, nagkita rin sila matapos ang mahigit sa isang buwan kasi hindi na rin sila nakatiis at dahil na rin sa pangungulit ng hari ng Say Cheese na laging nagtatanong kung ano na ang status nila.

Dumating din ang pagkakataon upang bigyan ng katuparan at kasiguruhan ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Ito rin ay upang mapatunayan kung ang isa’t isa ba ay ang tangi na lang nilang hinihintay dumating sa kani-kaniyang buhay. Dito masasagot ang mga katanungang bumabagabag sa kanilang mga puso.

Nalaman nila ang pinakaaasam na sagot.

PS: Kung gusto niyo lang basahin, ito yung pinagmulan.

THE END.

wansapanataym

Pakipot pa talaga si Prinsipe Orestes. Ang totoo na-tetense daw yan dahil sa namesmerize sa kagandahan ni Prinsesa Kkk.

THE END TIME TWO.

Ang balak ko talagang isulat dito na status ay ang abangan na lang ang susunod na kabanata. Hindi rin pala tumagal ang susunod na kabanata. Sumunod na agad.

Text

Text mula kay Prinsesa Kkk. Take note, 12:22 am.

THE END TEN TIMES.

PS2: For Love Stories and Love Problems please consult your friendly cardiologist. Lol.

Advertisements

33 thoughts on “Wansapanataym Itsa Balentayms

  1. Pingback: Kk for Kasipagan Challenge – Day Nine | Ang Letter Kk

  2. hindi ko alam kung ano ang nais mong ipahiwatig sa pagpapabasa mo sa akin ng labstory nila prinsipe orestes at prinsesa kk hahahahah! naniniwala naman ako sa happy ending ng ibang tao,pero para sakin? hahah anyway ano ba ? gusto mo din ba ako ifeature o mag aaply ka bilang cupid ko? hahahah

  3. Pingback: BI: Bad Ixample (A FEB-IBIG Post) | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s