Life and Family

Ang Pinakamagandang Babae Sa Bus

Kaninang umaga, hindi ko inaasahang makasakay ang babaeng ito sa bus pa Paseo de Roxas, Ayala Avenue. Makinis at maputi kasi ang balat niya. May pagka-tsinita ang kanyang itsura. At dahil alam kong mas matanda siya sa akin, e papasok na rin siya sa kategoryang MILF. Hindi naman talaga siya maganda pero para sa trabaho niya bibihira ang isang katulad niya.

Naalala ko tuloy yung palabas na Undercover Boss. Ito yung reality show kung saan ang isang namumuno ng isang kumpanya ay magpapanggap bilang isang empleyado upang makadaupang palad niya ang kanyang mga ‘lowly’ workers at makita kung ano ang mga pwede pang ikaganda ng kanilang kumpanya. Ganun. Yung tipong ganun siya. Pero parang hindi rin kasi parang sanay siya sa ginagawa niya. Ang pinagtataka ko lang e limang taon na akong sumasakay dyan sa may Buendia pero ngayon ko lang siya nakasabay.

Sa trabahong dinodomina ng mga lalake at kung babae man e may pusong lalake (see Jayross Bus), bihira itong si ate.

Si ateng kundoktora.

Advertisements

27 thoughts on “Ang Pinakamagandang Babae Sa Bus

  1. Gusto ko yung The Undercover Boss at sa trabaho, may gusto akong isali doon haha Not my own boss, pero yung ibang naging boss lang eh… yun na yun hahaha

    At kay Ateng Konduktora, saludo ako sa ‘yo! Magbalance lang sa bus eh extra challenge na sa akin, eh maningil p kaya ng pamasahe? Winnur! Pero nung binasa ko ‘to, nahiya din ako sa sarili ko, feeling ko mas maganda si Ate kesa sa akin. Ako ata ang mukhang konduktora haha

    PS Salamat sa pag-follow ng blog ko at natuwa naman ako dahil nasa sidebar ang blog ko. Madalang mangyari ‘to sa akin eh

    • sabi nga ng dove, nasa sarili mo kung paano mo tinitignan sng iyong sarili. ang gulo ba?

      kung iniisip mo ganun, e yun ang magiging aura mo. think beautiful 🙂

  2. Ay kilala ko ata yan ser! 2X ko na po sya na-encounter! Andami ko ngang iniisip kung asawa kaya nya yung Drayber??? Ang ganda kasi talaga niya! Ganito pa sya magsabi ” Yung kuyang naka-blue, padusog naman po.” “O ateng naka-dress, can you move further inside please?” ANSABEEEHHH? I crush her too! Pretty na fierce pa! 😀

  3. hindi pa ako nakakakita ng kundoktor na maganda.. puro manong at kuya lang.. peor swerte mo at nakakita ka ng magandang kundoktor.. wala bang picture? ehehehehe <– abusado ako.. sorry naman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s