Personal Musings / Pictures / Travel and Events

FO

Ano yung F.O.? Fuck off?
Hindi. Friendship over.

15 years seems like forever between us. Labing lima taon na yung lumipas nung una akong pumasok sa Ismael Mathay Sr. High School bilang isang 3rd year transferee. Nakilala ko siya dahil gelpren-gelprenan siya ng isa kong kabarkada noong 3rd year high school. Noong mga panahong iyon alam ko naman na parang laro lang ang iyon sa mga pumapag-ibig. Isa lang siyang babae sa grupo namin kasi isa lang naman ang may gelpren nun. Naging almost one of the boys pa nga siya dahil sa pagsama-sama sa amin habang naglalaro kami ng Magic Cards kasabay ng pang-aarbor nya ng mga NBA cards ni Dennis Rodman.

Nagkahiwalay din sila ng barkada ko nung sumunod na taon. Fourth year yun. Ayon sa kanya, Magic daw yung dahilan. Sinubukan ko pang tulungan na maging sila ulit pero siguro hanggang dun na lang yun. Umabot din sa punto na akala ko nagkakagusto na ako sa kanya. May isang beses na muntik ko na siyang nakawan ng halik sa pisngi pero hindi ko itinuloy. Pinagtatawanan na lang namin ang bagay na iyon ngayon. Hindi talaga kami para sa isa’t isa. Kapag tatanungin nga ang isa’t isa kung magkakaroon ng pagkakakataon na magkakagustuhan kami, parehas lang ang sagot namin: “Hindi ko siya type”. Siguro may tama rin talaga ang mga sinasabi sa mga horoscope. Sabi kasi dun, ang Libra at Gemini e hindi compatible sa isa’t isa pero they can be the very best of friends.

Dumating sa punto na nasubok ang aming pagkakakaibigan. Anu pa kung hindi lablayp ko. Sinamahan at sinuportahan niya ako sa lahat ng bagay. Mula sa pagpapa-imprenta ng isang libro ng mga tula at pag-aalay ng mga itlog sa St. Claire Monastery. Hindi nagbunga yung mga pinaggagagawa namin noon. Ito lang ang kinalabasan:

Covenant of Friendship

Covenant of Friendship

Sayang lang at hindi namin nalagyan ng petsa kung kailan namin ito pinirmahan. Ang pagkakakaalala ko, nung first quarter ito nung 2005. Sabi ko sa kanya sulatan na lang niya ng 2005. Agad na binago ko ang isip at sinabing 1998 na lang. By the way, hindi na Cruz ang last name niya kundi Dabbay na ngayon.

Ebidensya

Isa lang ang gustong sabihin ng kontrata na yan. Yan ay yung kahit anong mangyari, nandyan kami para sa isa’t isa. Simple diba.

Pinetition na siya ng asawa niya papuntang Australia. Inipon muna namin ang luha kasi babalik pa naman siya sa December para sunduin yung anak nila. Magpapaka-stable muna sila bago kunin yun bata. Pagkatapos nun, limang taong walang uwian para makakuha ng Australian Citizenship. Cake lang ang nadala namin kasi sabi ko sa kanya: “wala akong pera, sa December na lang yung token mo”. Sabi ko rin, “Buksan mo na yung cake at basahin mo yung message, ‘Umalis ka, Walanghiya ka'”.

may cake

Sa Lunes na ang lipad niya. Iniwanan ko na lang siya ng isang mahigpit na yakap at halik sa malapad niyang noo. Hahaha.

I wish you, Arman and Diane (and future babies) all the best. Hindi pa ito FO. BFF ito.

BFF

BFF

Advertisements

23 thoughts on “FO

  1. Sweet naman neto. (in a friendly way πŸ™‚ ) Dahil maituturing nang common household commodity ang internet connection ngayon. I doubt na FO na talaga kayo. Keep in touch na lang online. Virtual mode na ang friendship nyo. πŸ™‚

  2. i can relate to this… we really have buddies na kahit ipagtulakan na sakin, kahit malasing na kami pareho, matulog magkatabi, magkasama sa lahat ng kaemohan, it just cant be… incest ang dating… hahaha… Friendship knows no boundaries.. even if hindi man kayo mag-usap ng kahit gano katagal na panahon, pag nagkita kayo ulit, you will reminisce the past like it just happened yesterday.. Cheers!

    • yeah parang kapatid ko na din yan sa ibang ina. dumarating din talaga yung mga ganitong moments. pero wala namang magbabago. basta sabi ko sa kanya padalahan niya ako ng pera lol.

  3. Ito ang isa sa mga bagay na hindi mabibili at matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera. Sabi nga dun sa librong nbasa ko, the days are longer but the years are shorter… Magkikita ulit kayo at pag dumating na yung araw na yun… throwback thursday na ang tawag mo sa post na ‘to hahaha

    Seryoso, sending all the positive vibes to your BFF!

  4. Mas masaya talaga ang buhay kung may mga wagas na pagkakaibigan! Haha! Lalo na kung magkaiba pa kayo ng “sekswalidad” tapos pag pareho kayong single eh ipapares kayo — at ang isasagot nyo nlang ng sabay eh isang makabuluhang “yuck.” Eto yung mga pagkakaibigan na hindi basta bastang mawawasak ng “distance”.

  5. Awwww… ang lungkot ng post mo Mr. Cheesecake kahit parang ginawa mong comedy. hehe. πŸ˜€ Ang hirap talaga magpaalam, noh? I am not good in saying goodbyes. Di ko kaya magpaka-sweet ng ganyan. Hehe! Cheers to friendship! πŸ™‚

  6. Ah, such a sweet post for a friend. You are both blessed to have each other. At nag-expand pa ang friendship ninyo kasi yung mga members ng mga family ninyo I’m sure ay friends na rin.

    Good luck to your friend and to her family. And God bless your friendship.

  7. Pingback: Free Dinner | Say Cheese!

  8. Pingback: Bakit Maganda Tumira Dito Sa Australia | Say Cheese!

  9. Pingback: Simpleng Buhay | Say Cheese!

  10. Pingback: HBD | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s