Mas madalas, mas mahirap pa yung gumagawa ng wala kesa dun sa maraming ginagawa. Sa sobra ngang wala akong gagawin, hindi ko na alam kung ano ang uunahin.
Maganda naman na city ang Milwaukee. Kaso nga lang may parte ito na parang probinsyang city dito sa U.S. Isipin mo, bukas nga ang mall ngayong Linggo pero karamihan naman ng mga shops o boutiques nito ay sarado. Tuwing weekdays, hanggang alas-otso lang bukas ang mga mall at mga tindahan dito. Tuwing weekends naman, hanggang alas-singko naman. Astig diba. Isipin mo yung SM o kaya Trinoma alas-singko pa lang sarado na. Pero ayos na rin. Kesa naman bawat galaw mo, may katumbas na pera, mas ok na rin na hindi gumalaw lol. Ngayon pa na madami akong kailangan bayaran hahaha.
Kesa ma-bored sa kung anu-anong bagay at ma-aning, kailangan mag-isip ng gagawin.
Mag-overtime work
Masyadong tight ang timeline na ibinigay sa amin dito. Kapag nag-slack off ka at biglang may na-encounter na matinding problema, ubos na oras mo. Kaya kahit papaano kailangan mag-advance work para hindi masyadong magipit kung aabutin ng mga deadlines.
Mag-Facebook
Kailangan pa bang i-memorize yan. Dapat nga ata number 1 to e. Lol.
Mag-Viber, Magic Jack, o Facetime
Kapag wala ka na talagang magawa, e ano pa bang dapat gawin kung hindi mag-reach out sa iyong mga human companions sa kabilang side ng mundo.

Kumain at Matulog
Sa anong bagay pa ba tayo pinakamagaling kung hindi sa mga bagay na ito. Lol.

DotA 2
Akala ko hindi ko magugustuhan ang DotA 2 dahil totally mirror (kinopya) lang din naman siya ng original. Pero isang parte lang naman bukod sa graphics ang nagustuhan ko sa DotA 2. Apart from the aesthetical and functional improvements of the game, yung sounds ang naimpress ako na part nung sequel. Yan yung voices nung mga character na nag-aadapt sa mga pangyayari sa game. Valve really put an effort to work on these details and it is great. Kapag nagdeny ka ng creeps o kaya nakapatay ang hero mo, magsasalita na lang ito ng mga taunts like “That creep is mine” o “Are you Crystal Maiden or Crystal Melting? (Lina Inverse)”. Nagsasalita din ang hero kapag lumelevel up “That gives me more control. (Faceless Void)” o kaya bumibili ka ng gamit “Battlefury! (Brewmaster)”.
Note: Hindi ako sure sa mga speeches pero malapit lapit na rin. Try nyo na lang.

Dragon Nest
Isa na rin siguro ang Dragon Nest sa isa sa mga pinakamatagal ko nang nilalarong online game. Ang problema lang naman talaga sa mga online games e yung kumakain ng oras. Meron naman akong oras kahit papaano para mag-palevel pero hindi ko alam kung bakit tinatamad ako for the mean time. Pasundot sundot lang. Kaya tuloy Level 50 pa rin ako ngayon lol.

At marami pang iba
Maglaba. Magluto. Maglaro ng Minion Rush. Maglaro ng Dungeon Hunter. Makinig ng music. Manood ng Valkyria Chronicles na anime series. Magnilay-nilay. Maghugas ng plato. Magligpit ng mga gamit. Mag-gym paminsan-minsan. Mag-picture picture ng mga bagay bagay. Manood ng Keeping Up With The Kardashian. Manood ng HGTV at Animal Planet. Magplantsa. Mag-lotion ng buong katawan. Maligo. Mag-CR. Mag-convert ng dollar to peso. Mag-compute ng mga savings at expenses. Mag-blog.
Sa totoo lang, wala talaga akong magawa.
ang sweet naman po 🙂
aba pali ka pala, guardian or crusader?
crusader po ser. pagong na nga paladin pag nag-guarduan pa lalong naging pagong lol. anyways may pros and cons pa din, pero crusader path ako. 😀
Oh my gosh. You’re actually busy ! You didn’t include nap or sleep.
hahaha! oo nga noh! di ko napansin yun sa mga nilista nya! 😛
I did! Kumain at Matulog = Eat and Sleep.
😀
In fairness ah, very busy ang peg? 😀 hahaha 😀 Push lang ng push sir! 😀 hahahaha 😀 AND ang sarap ng food po dyan. HAHAHAHAHA 😀
masarap talaga kapag libre hehe.
Aw nang-ingget. 😦 Dalhan mo ako ng chocoleyts. 😀
wala kaming makitang chocolate dito lol.
Ay ganun? penge na lang ng sosyal na Nutella 😀
kay Ma’am Che ka manghingi madaming pera yun ako wala haha.
Hahahahaha 😀
Hectic ng schedule, walang panahon para matulog!
meron naman. mga 5 hours a day on weekdays. 6 to 8 on weekends. 😀
Haha. Kumain at matulog nga pala but ang busy mo pa rin. Hanga ako sa time management mo. Ganyang ganyan yung ninong ko bilyonaryo na ngayon. Lol
ang kaibahan lang, ako mahirap pa din. pero siyempre tignan naten. sino bang ayaw dumatung? lol.