Food / Travel and Events

Puting Tinga

Tinga hindi tingga. Yung sumisiksik at minsan mahirap alisin.

Ikatlong beses na naming punta ito sa Milwaukee Public Market.Yung una kasi, sarado dahil maaga pala ito nagsasarado lalo kapag weekends. Probinsya e. Mall dito hanggang 7pm lang kapag weekdays at 5pm naman kapag weekends. Yung pangalawa, holiday naman.

Milwaukee Public Market

Galing na kami dito dati. Yun nga lang daw sa pagkakaalala ni Ginang Dapiosen, under renovation pa ito noong 2011. Kumpara nga dati, mas madami ng mga shop dito ngayon. Hindi ko nga lang nakuhanan ng picture kasi madami ang tao at masikip ang daanan at gutom na kami. Best seller pa rin dito ang St. Paul Fish Company. Oorderin sana namin ng ‘to go’ ang lobster namin pero hindi daw pwede. Pwede sana kami magsaing at ulamin yun. Kaya tinanong ko na lang kung bakit. House special daw kasi yun kaya hindi pwede.

Hindi ko lang alam kung ito na yung Grouper dati o bago na ito. Naisip lang namin na nakakaawa siya dahil nag-iisa siya at napakalaki niya para sa aquarium niya.

Hindi ko lang alam kung ito na yung Grouper dati o bago na ito. Naisip lang namin na nakakaawa siya dahil nag-iisa siya at napakalaki niya para sa aquarium niya.

Hindi nagtagal e nakaupo na rin kami sa aming table for two ni Ma’am Che. Maliit lang kasi yung dining area kaya may maiksing pila. Medyo matagal dumating yung order namin. Naunang dumating yung order ng katabing table namin. Isang grupo sila ng apat estudyante. Ang order nila ay tatlong basket ng oysters. Tatlo, kasi share yung mag-jowa. Dahil gutom na, siyempre mega-inggit kami.

Can we have those like what they have? Yes but they are different. You have to buy per piece.

Can we have those like what they have?
Yes but they are different. You have to buy per piece.

Isang klase lang ng talaba ang alam ko. Dito limang klase ang pwede mong orderin per piece. Ang nakakapagtaka lang nung kinain namin, e walang bahid ng lansa ang oysters nila. Paano kaya yun. Nakita rin namin ang isang nakapaskil nilang poster na summer (pero hindi na summer) promo nila. Ito yun sa baba.

$7 for a bucket of 5 Coronitas. Kung ang Coke may sakto, ang Corona, may Coronitas.

$7 for a bucket of 5 Coronitas. Kung ang Coke may sakto, ang Corona, may Coronitas.

Parang natapon lang yung oyster kaya antay kami ulit. Mga sampung minuto pa, ayan na ang pinakaaabangan ng lahat.

Before and After the Massacre.

Before and After the Massacre.

Dahil mag-uusap pa kami ni Jonalyn sa Viber, hindi ko na pahahabain pa ang kwento. Ayun, kinain namin yung Lobster na may kasamang coleslaw at french fries habang umiinom ng malamig at masarap na Coca-Cola! with Jose, Wally and Paulo expression Coronitas.

receipt

Sa around $13 dollar na lobster, murang mura na ito kumpara dyan sa atin na nasa isang libong piso ito. Tapos sa isang libo mo, hindi pa luto. Wala pang kasamang french fries at coleslaw. Lol. Yung oyster ayan $1 something ang isa. Gumastos na kami kasi ito na yung last Friday namin dito kaya TGIF mode.

Kaya pag-uwi ko sa hotel, madaming puting ano. πŸ˜€

Advertisements

34 thoughts on “Puting Tinga

  1. Oh. Okay. Well, it was lobster. Over here in California, we have Japanese food, 75 dishes, including about 25 kinds of sushi, eat all you can for $ 17. And there are oysters, too

  2. Asteeeg! Ganda ganda ng lobster, tapos biglang… πŸ˜€
    Okay lang yang tinga, konting mumog at brush lang yan, wala na.
    Yung iba dyan mas gugustuhin yan kesa sa malinis na ipin. πŸ™‚

  3. Pakidalhan naman kami dito sa Pilipinas. πŸ™‚ Ikaw na Sir Cheesecake na nasa Milwaukee! πŸ˜€

    Saka pengeng IPhone. HAHAHA πŸ˜€ :chos:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s