Life and Family

Modus Operandi: MGAS Boys

Bilang isang kabilang sa isang normal na tahanang Pinoy, parte ng buhay namin ang pagdepende sa MGAS. Sa pagkakaalam ko, isa hanggang dalawang buwan itinatagal ng isang tangke sa amin. Nitong nakararaan lang, tumawag kami sa pinakamalapit na MGAS Delivery dito sa may amin.

Ilang minuto pa, dumating na rin ang mga delivery boys. Dahil medyo maingay at matapang sa ibang tao ang aso naming si Lightning, kinailangan siyang hawakan ni Jonalyn. Pumasok ang isa sa kanila dala ang tangke may laman samantalang palabas naman ako dala ang basyo. Habang ikinakabit nito ang regulator ay agad namang sumunod na kasama nito. Habang kinakabit nila ito, inutusan naman ako ni Jonalyn na kunin ang perang pambayad sa may kwarto sa taas habang hawak niya pa rin si Light. Mabilis kong inakyat ang pera at bumalik agad.

Nung susubukan na naming paganahin ang tangke, nahirapan pang buksan ang delivery boy pihitan ng gas. Ako na lang ang nagprisintang magbukas kahit sa loob loob ko e baka hindi ko rin mabuksan dahil matagal na akong hindi nakakapasok ng gym. Napihit ko pa rin naman. Matapos nito, humingi ng sabon ang mas batang kasama para subukan kung may tagas ang pagkakakabit ng regulator. Binigyang ko siya ng sponge at dishwashing soap na nakalagay lang sa harap na lababo. Pinabula nito ang sponge na may sabon at ipinahid sa gilid ng tubo na nakakabit sa tangke. Maya maya pa ay may lumulobo na rito.

“Ser, may tagas po ang regulator nyo.”

“Baka maluwag lang ang pagkakakabit niyo.”

“Ser mahigpit na po yan.”

Hinigpitan ko pa ang pagkakakabit ng tangke pero mahigpit na nga ang pagkakalagay. Hinugasan ng bata ang tangke para maalis ang sabon para ulitin ang testing. May bumubula pa rin.

“Ang lakas na ng tagas ng regulator ser. Meron po kaming regulator 550 lang po.”

“Susubukan ko na lang muna.”

“Ser magandang klase na po yung regulator namin.”

“Hayaan nyo na lang muna.”

“Basta ser hindi na lang muna namin ikakabit. Kayo na lang ang bahala. Baka magkasunog dahil may tagas yung regulator nyo.”

Umalis na ang dalawa matapos ang paulit ulit pang pagse-sales talk ng kanilang magadang klase ng regulator. Oo nga at medyo may kalumaan na ang gamit naming regulator. Pero naisip ko lang, kung talagang may sira ang regulator namin, sana unti unti itong tatagas hindi yung biglaan na malakas ang singaw. Naisip ko rin na baka naman yung tangke nila ang may problema kaya nagpagdesisyunan na lang namin na bumili na lang ng regulator kinabukasan.

Gamit ang bagong regulator na nabili namin sa halagang P528, wala naman kaming nakita o naamoy na problema. Siguro nga talagang may sira na yung dati naming regulator.

gas

PAUNAWA: Hindi ko po pinagbibintangan yung tindahan o kaya yung mga tauhan na nagbenta sa amin ng tangke. Dahil unang una, hindi ko naman nakita at wala akong ibidensya. Kaya ganun na lang at itinago ko na lang din yung mga numero ng kanilang mga telepono. Sinasabi ko lang po na sa susunod na bibili tayo ng ganito, wala namang masama kung tignan nating mabuti yung mga nagkakabit. Nakakapagtaka lang din kasi na pati yung isa naming kakilala na taga sa amin e halos ganun din ang karanasan sa kanila. Isa pa, dati ‘Good Flame’ yung pangalan ng negosyo nyo, bakit ngayon iba na? Nagtatanong lang po.

Advertisements

6 thoughts on “Modus Operandi: MGAS Boys

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s