Personal Musings / Travel and Events

There is No Place Like Home

‘There is no place like home’ sabi nga nila. Oo totoo, mahirap talaga ipagpalit ang bayan kung saan ka tumubo. Kahit pa gaano kana katagal sa ibang lugar, nasa puso mo pa rin ang bansang Pilipinas. Yun nga lang kapag napapadpad ka sa ibang bayan, mahirap din iwasan ang magkumpara at mangarap na sana ganito rin dito sa atin. Dalawang beses na ako naparoon sa America at yung huli e nakararaan lang. Ito ang mga iilan sa mga bagay bagay na gusto ko lang bigyan ng pansin at paghahalintulad kumpara sa ating ‘tahanan’. Ito ay isang maiksing ‘rant’ ng mga bagay na kaya naman natin pero mukhang malayo pang mangyari dito sa atin.

1. Wala roong mahabang biyahe papasok ng trabaho. Iisa lang palagi ang expression na nakukuha namin sa mga taga-Amerika kapag naririnig nila ang sagot sa amin sa kanilang tanong na: “How far is your workplace from your home?”. Ang reaksyon: Pagkagulat at bandang huli pagka-awa. Dito kasi sa atin, normal na lang yung dalawang oras na byahe papunta at pabalik ng trabaho. Kung susumahin, nagta-trabaho na tayo ng siyam na oras (kasama ang recess), dagdag pa yung apat na oras na byahe, at mga isang oras pa pag-aayos papasok ng trabaho. Bali labing apat na oras na tayong ‘nagta-trabaho’ bawat workdays. Kung nakukumpleto mo ang iyong goodnight sleep na walong oras, meron ka na lang dalawang oras para gawin ang ibang bagay.

Dun kase sa Tate, kadalasan labin-limang minuto lang sila sa kanilang mga trabaho. Paano nangyari yun? Kadalasan kasi, tumitira sila malapit lamang sa mga pinagta-trabahuhan nila o kaya naman ay humahanap lamang ng mga trabahong malapit lamang sa kanila. Yung iba rin naman, nagi-stay dun sa workplace o sa malapit na hotel mula lunes hanggang huwebes o biyernes kung talagang malayo ito sa tinitirahan nila. Dito kasi sa atin, kung naghahanap ka ng trabaho mabibilang mo lang sa kamay mo ang lugar na paghahanapan mo. Ang siste e, siksikan na tayo sa Makati, Ortigas, at iba pang karatig na business districts. Ang resulta? Alam na.

2. Walang roong guwardiya sa mga pasukan ng mga mall. Kung tutuusin din naman, wala rin namang sense ang pagtutusok-tusok at pagkapa-kapa ng mga guwardiya sa atin tuwing papasok tayo sa mga pampublikong lugar katulad ng mga mall at mga train station. Ang mga sekyu kasi doon e nagmamasid sa kalooban ng establisyamento, na kargado rin naman ng mga CCTV camera. Isa pa, lagi nilang pinaaalahanan ang mga tao na kung meron silang mapapansin na kakaiba ay agad ipaalam sa mga autoridad. Madalas kasi dito sa atin, may nangyayari ng hindi maganda e ipagsasawalang bahala na lang natin na para tayong walang pakialam sa iba. Kung hindi naman, ilalabas natin ang ating cellphone o camera para ito ay video-han at i-upload sa Youtube. Hula ko lang e baka nga isang aktuwal na bomba e hindi pa nakakakita ang mga taong nasa puting uniporme dito sa atin. So ano ba talaga ang hinahanap nila sa mga bag natin? Baril nga nakakapasok e.

Gusto ko lang din linawin na wala naman akong masamang panghuhusga sa mga ka-guwardiyahan natin. Biktima lang din naman sila ng ‘sistema’. Nakaka-frustrate lang ang ganitong ‘formality’ na araw-araw nating nararanasan. Araw-araw ko rin itong nararamdaman na walang kwenta.

3. Wala roong epal. Katatapos na naman ng eleksyon. Hindi ako proud pero gusto ko lang sabihin na hindi ako bumoto. Wala lang. Tinamad lang. Hindi na lang din siguro ganun kalakas ang ‘faith’ ko sa Philippine politics. Speaking of politics, ang dami kasing epal dito sa Pilipinas. Epal na mga mukha, pangalan, slogan, at mga initials na nakakalat kung saan saan. Bakit kasi hindi pa ipasa ang batas laban dito. Kung tutuusin, gaya ang napanood ko sa balita, malaki ang nagagastos ng gobyerno sa ganitong sistema. Paano? Kapag umalis kasi ang isang pulitiko sa puwesto, siyempre lahat ng mga kaepalan niya, papalitan ng pulitikong hahalili sa kanya gamit ang sarili nitong kaepalan. Katulad na lang ng mga infrastacture, mga goverment vehicles at iba pa, lahat kailangan palitan ng pangalan ni bagong pulitiko kasama ng kung anumang favorite color nito.

Ang tanong ko lang, pera niyo ba yang ginagamit niyo sa mga kaepalan ninyo? Kung tutuusin dapat nga mukha ko at pangalan ko ang ilagay niyo kasi pera ko at ng iba pang nagbabayad ng buwis ang perang ginagamit ninyo.

BOW.

Advertisements

12 thoughts on “There is No Place Like Home

  1. I second the motion, sa Amerika iba ang depinisyon nila ng matrapik kumpara sa atin. Hay buhay, nakakapagod talaga ang mag-commute araw araw papunta sa opisina. Dun naman sa mall, napansin ko din yan nung nagpunta kami dati sa Kuala Lumpur, walang guwardiyang may dalang stick na nagiinspeksyon sa bag mo at ok lang na dalhin mo ang bag mo sa supermarket nila.

    • May CCTV naman kasi yata din dyan. Saka kung alam naman ng mga masasamang loob na maraming matang mga nakatingin sa kanila e magdadalawang isip na gumawa ng masama yun. Ang hirap minsan sa atin wala tayong pake sa ibang tao.

  2. Pag sinasabi kong “There’s no place like home.” I literally mean my actual home kung saan ako humihimlay gabi-gabi, regardless kung saang lupalop ng bansa yung home na yun. Di ko kino-consider yung hometown ko as my only so-called home. I think that’s being too emotional, regionalistic and simplistic for me but I don’t blame others for thinking or feeling so because it’s their dang right to think and feel that way. Marami na rin akong natirahang lugar sa Pilipinas at kahit saan ako mapunta, nacoconsider ko syang home dahil sa sense of security, convenience and serenity ng tinirahan ko.
    Agree ako sa mga observations mo Cheese. Nakakalungkot pero dahil sa lugmok na tayo sa ganitong sistema, natatanggap na lang at minsan namimiss pa ito. Parang massochism lang, nagkakaroon ng pleasure out of pain or supposed-to-be displeasure. Minsan kasi kelangan nating malayo sating comfort zone para masukat kung talagang comfortable yung zone na yun. Ang pagpunta sa ibang lugar o pagbisita sa mga karatig bayan o bansa ay nakapagbibigay satin ng macro-perspective at makakatulong magpaintindi kung ano nga ba ang quality of life meron tayo.
    Magandang araw Cheese! ๐Ÿ™‚

    • As we usually say, tayo rin ang may kasalanan kung bakit ganito. Pumapayag at hinahayaan natin maging ganito. Hindi ko lang alam kung kelan tayo gigising. Kelan tayo magsasalita. Kelan tayo gagawa ng aksyon.

  3. Cheesecake.. wag ka na magalit.. hahaha! Jk. Nakakarelate ako sa unang aytem. Bihira talaga na makahanap ng trabaho na malapit lang sa kinatitirikan ng tahanan natin. Hehe.. ramdam ko rin un.

    Security. Kung wala bang topak ang ibang tao eh di sana walang guards. Pero kung kaya lang ba ng gobyerno na ialleviate ang kahirapan… baka sakaling mabawasan ang kahirapan.

    Share lang ng opinion ko. Hehehe! Goodluck satin Cheesecake! Alam na yan… ๐Ÿ˜‰

  4. There’s no place like home, maswerte at ako ay nanirahan sa Amerika ng anim na tao at sa Japan na almost 7 years now, nakakatakot bumalik sa bansang aking sinilangan. Nakakamiss man ang pamilya at mga kaibigan, the hardships of daily routine eh, medyo nakakatakot yatang bumalik at manirahan ulit sa Pinas. At nakakatakot makita ang mga security na may mga baril sa fast food restaurant.

    • ok lang naman yun siguro. ang nakakatakot sa Pilipinas e yung government entity itself. better yet, we can say, nakaka-depress ang goverment ng Pinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s