Travel and Events

Jumping Chicken

Kakauwi lang namin noon mula sa trabaho. Dahil wala nung gabi na iyon ng libreng dinner sa hotel, wala kaming magawa kung hindi ang magluto ng sarili. Ayos lang naman kasi may mga stock kaming pagkain na nabili noong weekend. Napadesisyunan na lang namin na spaghetti at fried chicken na lang ang lutuin namin ni Ma’am Che. Dun kasi sa U.S. ready to cook na lang yung chicken wings at yung namang pasta, Ragu lang tapos na. Siya sa pasta at ako sa chicken.

Maliwanag pa noon sa Milwaukee kahit pa alas-siete na ng gabi. Hindi lang halata sa loob ng Residence Inn hotel pwera na lang kung sisilip ka sa likod ng makapal na window curtains at blinds. Mga alas-otso na naman nung matapos akong magluto. Tinatawag ko si Ma’am Che para sabihing luto na ang chicken at ihahatid ko na lang sa kwarto niya. Para na rin makakuha ako ng pasta niya.

Walang masyadong tao sa hotel na ito. O baka lang hindi lang talaga halata. Kahit kasi walang vacancy dito, parang wala pa ring tao at wala ka pa ring makakasalubong. Same people ang nakikita mo tuwing umaga sa breakfast. Parang isang beses ko lang din nakitang naging loaded ang breakfast area hindi katulad dun sa Residence Inn Chicago.

The Ambience. With matching framed pictures from the 1900s.

The Ambience. With matching framed pictures from the 1900s.

Lumabas ako noon ng kwarto ko dala ang plato sa isang kamay ko. Malamig ang simoy ng hangin dahil na rin papalapit na ang winter noong mga panahon na iyon. Pero kakaiba noong gabi na iyon. Bigla kong naramdaman na parang may ibang tao sa hallway na iyon. Bumilis ang lakad ko. Kasing bilis ng tibok ng puso ko. Sumilip ako patalikod upang makita kung may tao nga sa likod ko. Wala. Lalong bumilis ang paglakad ko. Lalong lumalakas ang pakiramdam ko na may tao na kasunod ko. Binilisan ko pa ang paglakad ko. Yun nga lang ngayon naririnig ko na ang mga mahihinang yabag na hindi sa akin. Nilakasan ko na ang loob ko para muling lumingon sa likod.

May Amerikanong lalaki na kasunod ako. Muntik nang malaglag ang mga manok na tumalon sa plato. Mabilis ang paglingon ko paran makita pang natawa ang lalaki.

– – – – – –

Gimbels Downtown Milwaukee. Circa 1887.  Residence Inn na siya ngayon. Via departmentstoremuseum.blogspot.com

Gimbels Downtown Milwaukee. Circa 1887. Residence Inn na siya ngayon.
Via departmentstoremuseum.blogspot.com

May dahilan na kung bakit hindi ako nakapag-uwi ng six pack abs kay Jonalyn kahit may sariling gym ang hotel na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s