Activities and Hobbies / Personal Musings / Status Updates

Christmas? Wishlist

Kaya nga ito tinawag na wishlist kasi hindi ko naman talaga alam kung matutupad ba. Lalo na ngayon, may financial crisis kaming kinahaharap na pamilya. Naguusap kami ni Jonalyn nung isang umaga tungkol dito.

“Huwag na nating problemahin yan, kaya natin yan. Isipin mo napakaswerte nga natin at kumakain pa tayo. Yung mga taga-Leyte nga walang makain.”

We can only pray for the souls of those who perished and also give light, however small it is, to those who are living so that they can move on with their lives. We can also hope that this ordeal would serve a great lesson to us especially to the future leaders, so they are called.

Nokia Lumia 925

Price: Php 19,000±

Jonalyn and my gift to her.

Jonalyn and my gift to her.

Nauna ko na nabilihan nito si Jonalyn nung bago siya mag-birthday this year. Hindi ko pa nga lang fully bayad kaya hindi pa ako makabili ng sa akin. Couple phone kumbaga. Gusto niya white, ako naman gusto ko yung gray. Hindi naman namin kailangan ng high end na phone. Hindi rin naman ako pala text. Pwera na lang talaga kung importante. Isa pa, matagal ng humihingi na rin ng kapalit ang Nokia 5800 ko. (Note: The post linked was written back in the time when Blackberry was still mainstream. Lol)

So you ask why WP8 not iOS or Android? Simple, design and user interface.

Optical Audio Cable

Price: Php 500+

Googled Image

Googled Image

Gusto ko nito para naman kapag maglalaro ako sa PS3, lalabas yung sounds sa home theater namin. Iisa lang kasi ang HDMI palabas ng PS3 at wala rin namang HDMI in ang home theater namin. Ganun lang.

Four 10 lbs Plates

Price: Php 430 each

Sulited Image

Sulited Image

Alam ko tamad pa ako magbuhat ngayon. Pero kung sakali man sipagin ako ulit, kulang na yung 15 lbs each na dumbells na meron ako. Gawin ko ng 35 lbs each para pampamasel. Para hindi lang puro Hip-hop Abs at Just Dance Wii ang gagawin ko.

Discus Tank

Price: Php 10,000 ±

Matagal na akong hairstylist fish keeper. Yun nga lang ngayon wala akong alagang isda. Kung magkakaron man ako ulit ng pagkakataon, gusto ko yung mga Discus. Dati gusto ko ng Frontosa. Yun nga lang, mas mahal sila at mas makulay naman yung mga Discus. Medyo mas mahirap nga lang ng konti alagaan ang Discus. Sa tingin ko, kaya ko naman.

Tattoo

Price: Php 10,000 per sleeve

Googled Image. Hindi ganito papatattoo ko pero parang ganyan. Gets mo?

Googled Image. Hindi ganito papatattoo ko pero parang ganyan. Gets mo?

Naexplain ko na yata ito dati. Kaya no comment.

NBA 2k14 at Battlefield 4

Price: Php 2500 ± each

NBA2k14 BF4

Kung may pera lang ako nung nakararaan, baka nakabili na ako ng mga ito. Pero ok na rin na hindi, dahil malamang baka mas unahin ko yung sa baba saka ako bibilin ng version nila para dun.

Playstation 4

Price: USD 399

via Playstation website

via Playstation website

Sure ako, paglabas nito sa Pilipinas, ginto ang presyo nito sa mga unang buwan. Naglolokohan nga kami ni Jonalyn na uber cheap phone na lang ang bibilihin ko. Para kung may magtatanong o mangungutya na bakit ganun lang ang telepono ko, sasabihin ko lang: “May PS4 ka ba?”.

Oven

Price: Php 15,000 +

Parangap ni Jonalyn matututong mag-bake. Madali lang sana mag-aral kaso wala naman kaming oven. Ako naman, magluto lang ang gusto kong gawin sa oven. Kaya nga namin pinagta-tyagaan ang one-stove burner na gamit namin sa kusina. Kaya kung magkakaroon kami ng pera, isa ito sa top buys.

Post Script: Alam ko mas dapat unahin nating tulungan makabangon ang mga kababayan nating nasalanta ng nakararaang bagyo. Sana kahit papaano, salubungin nilang masaya ang darating na pasko kahit alam kong napakahirap nung gawin. Our deep prayers are with them.

Advertisements

10 thoughts on “Christmas? Wishlist

  1. Aaaw,,, ang dami mong nasa wishlist.

    Ayos din yan. Ako nga wala pa eh, so dahil dito, napaisip ako ng wishlist ko. The problem is, yung una sa list ko, not doable. :)))))))) kaya di ko na lang na-numberan. :))

  2. It’s always nice to have a wish list. Happiness na din pag gumagawa Ako ng wish list. After I make a wish list, tinatabihan ko Ito ng what I have list. Most of the time, when I look at the 2 lists, I say “not bad!”! Totoo naman.

    • I agree. Imagine where we are right now compared to the people who are in Leyte. We are really in “not bad”.

      Wish lang din naman ito. parang yung wishlist ko last year wala yata akong tinupad hahaha.

  3. Pingback: Arowanas: The Urban Legend | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s