Humor / Music

[R18] Kakant… Aanuhin Ka Lang Nila

Warning: If you are under 18, please watch Spongebob or Adventure Time instead.

Nung isang araw, nagsa-soundtrip lang kami ni Jonalyn ng mga kantang bago ko lang dinownload. Bigla na lang may pumasok na himig sa utak ko. Naaalala ko ang isang kanta tungkol sa isang tao (most probably a girl) na may kaibigang butiki. Isang bandang may babaeng bokalista ang tumugtog nito at malamang mga high school time ito. Sinabi ko ito kay Jonalyn pero hindi niya ma-gets kasi hindi ko mai-describe ng maayos.

Kaya ayun, nagtanong ako kay Google at sinagot naman ni Youtube. Dahil hindi ko maalala ang titulo ng kanta, nilagay ko na lang sa search bar ang ‘kaibigang butiki’. Ito ang una kong nakita.

Kulit lang. At take note, may more than 1 million views yan. Lol. Pwede mo ring gawing ring tone ng iyong telepono.

Kapag nanonood ka ng mga videos sa Youtube, meron agad mga suggestions sa gilid na lumalabas. Isa na diyan yung kantang ito sa baba. Na-curious lang ako sa title ng kanta. Oo, curiosity lang talaga. Haha.

Title pa lang bastos na. Hindi ko rin alam kung pinakinggan mo. Pero kung oo. Na-astigan ka ba? Simple lang ang lyrics at direct to the point. Prangkahan kumbaga. Sa loob ko, mas gustong gusto pa itong sabihin ng mga magulang sa kanyang teenager na anak na babae kaysa sa ex-boyfriend katulad ng nasa liriko ng kantang ito. Direct to the point advice ika nga. Hindi ko lang alam kung sino kumanta nito.

Kaya kung makakasalubong mo ako at parang nagli-lipsynch, ito yung LSS ko. Hahaha.

Ilang click pa, nakita ko na rin sa wakas. Kiss-a-me by Agaw Agimat. Isang kanta tungkol sa kaibigang butiki pero walang liriko tungkol sa kabastusan. Makulit na sense of humor sa isang mellow rock na kanta. Naghahanap ako ng official music video ng kantang ito pero parang wala. Sayang.

Ang moral ng post na ito? Bantayan ninyo yung mga anak ninyo sa paglalakbay sa mundo ng internet. Sa bilis ng impormasyon sa panahon ngayon, mahirap na makasalamuha sila ng mga kamunduhan at kabastusan tulad… nito. Lol.

Advertisements

13 thoughts on “[R18] Kakant… Aanuhin Ka Lang Nila

  1. Syang tunay!!!! Minsan sa sobrang dami ng suggestions mauubos ang free time mo sa panonood at kasama na ang mga R18 na suggestions. Dapat talagang bantayan ang mga bata sa pagsusurf. Minsan nasermonan ko ang pamangkin kong 7 year-old kasi kasama sa history ng pinanood ay “boy and girl kiss” baka napasama lang sa suggestions kasi yung kantang hinahanap niya may mga ganung words sa lyrics at title. πŸ˜€

    “Kiss-a-me” ba title ng song? Super favorite ko yan nuon at minsan ko na ring hinanap yan pero walang gaanong video about it. Parang napansin ko na nga yan nuon yung mga suggestions. May isang babaeng nagcover pero hanap ko sana yung Agaw Agimat ang kumanta pero 90’s pa kasi yun so yun…
    Nagagalingan talaga ako sa song na yan… masarap din pakinggan. Para syang sad song pero may twist. πŸ™‚

    • yep yun nga ang title ng kanta. hindi mo aakalain na may ganun sa dulo. hehe.

      as much as possible talaga dapat bantayan yung mga bata kasi kahit ano pwede na lang nila i-click ng i-click tapos kung saan saan sila dadalhin.

    • yung mga anak namin puro toys at happy meal. tapos next e yung ‘bilhan mo kami’. buti na lang wala sa Pilipinas ng ganun (toys ng ibang bansa e). lol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s