Humor / Music

April Boy ng America

Nung weekend, nagkaroon ulit ng pagkakataon magkasama-sama ang barkada. Habang hinihintay ang iba pa, tatlo kaming nagku-kwentuhan habang nakikinig ng mga kantang nakaimbak sa aking USB drive na nakakabit sa sound system.

Ronnel: Ano ba yang mga pinapakinggan nyo, pangmatatanda. 90’s. Wala bang bago.
JC: Parang ang bata mo pa ah.
Donald: Tayo hindi natin gusto yung mga pinapatugtog sa atin ng mga magulang natin. Ngayon ganun din sigurado ang feeling ng mga kabataan ngayon sa atin.
(Tawanan)
Donald: Ako hindi ako mahilig sa mga maiingay yung puro sigaw na lang.
JC: Ako ok lang naman. Yung katulad ba nito? (Sabay patugtog ng Wait and Bleed ng Slipknot)
Donald: Ok pa rin naman yan. At least naiintindihan pa yung lyrics.
JC: Eh eto. (Pinatugtog naman ang Chop Suey! ng System of a Down)
Donald: Ayan ba yung pinaggayahan ng Parokya ni Edgar ng Ordertaker?
JC: Oo yan yun. Pero yung chords lang ng stanza yung kinuha dyan. Yung chords ng chorus sa ibang kanta. Sa Disturbed.
Donald: Ang galing din e. Alam nila sa America yung Chop Suey?
Ronnel: Siyempre alam nila yan. Gulay ng mga Intsik yan. E kahit saang lugar naman may Chinatown.
(Tawanan)
Donald: Teka ano ba yung pagkain naman ng Pilipinas? Diba Adobo?
JC: Hindi naman sa atin yung Adobo. Sa mga Kastila yun. Pero hindi naman parehas na ng luto.
Donald: Sinigang?
JC: Sa Malaysia galing yung mga ganun. Yung mga maaasim ang sabaw.
Donald: Alam ko na. Yung galing lang talaga sa atin e yung Lechon.
Ronnel: E alam niyo ba kung saan nagmula ang lechon?
JC at Donald: Saan?
Ronnel: Noong unang panahon, pero hindi rin naman ganoon katagal, yung lugar ng La Loma, e puro piggery dyan. Kaso isang araw nagkaroon ng sunog, ayun na-litson yung mga baboy.
Donald: Gago! Edi mapait yun kasi sunog.
(Tawanan)
Donald: E kanta ni Bon Jovi meron ka?
JC: Wala e. May nagsabi sa akin, si Bon Jovi daw ang April Boy ng America.
Donald: So ano ibig mong sabihin, idol siya ng mga ‘bisayang Amerikano’?
JC: E bakit, sikat din naman si April Boy sa atin ah.
Donald: Di ako naniniwala. Sikat nga yung Bed of Roses.
Ronnel: Katumbas yan ng ‘Di Ko Kayang Tanggapin’ (kumakanta).
(Tawanan)
JC: Tignan mo may Platinum Award din naman si April Boy.
Ronnel: Kahit sino naman nakakakuha nun. Chicser nga may Platinum Award e. Saka tignan mo yung Aerosmith nga may movie soundtrack.
JC: Yung sa Armageddon. Si Bon Jovi yata wala.
Ronnel: Anong ibig mong sabihin, si Jaya ang Withney Houston ng Pilipinas? Meron kasi siyang pelikula tapos siya pa yung kumanta.
(Tawanan)
(Dumating na ang ibang kasamang iniintay. Sabay patugtog ng Gimme Gimme Gimme ni Beenie Man. Favorite dance song kasi nung dumating)

Advertisements

7 thoughts on “April Boy ng America

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s